2. Ang Sakuna

374 18 0
                                    

ANG SAKUNA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ANG SAKUNA

Nang makarating ang dalawa sa mansyon ay pulos katulong lamang ang laman ng bahay. Wala ang ina ng dalaga at ito ang ipinagtataka niya. Hindi ito umaalis ng bahay ng hindi importante ang dahilan. Nasagot ang kanyang katanugan nang lumapit ang isang katulong.

"Miss Amber, ang Mommy ninyo po ay nasa ospital ngayon. Ibinilin po niya na 'wag nap o kayong sumunod pa doon. Tawagan ninyo na lamang daw po siya,"mahabang pagpapaliwanag ng katulong.

"S-sino ang nasa ospital? A-asan si Daddy?" kinakabahan niyang tanong.

"Ang Daddy ninyo po. Itanong ninyo na lamang po sa inyong ina," sagot muli ng katulong at umalis na nang tuluyan.

Nang maka-alis ang katulong ay agad na siyang umakyat sa grand staircase patungo sa kanyang kwarto na nasa bandang kaliwa nito. Nang makapasok ay agad niyang tinawaganan ang kanyang ina.

"Mommy?" panimula niya

"Baby, ang Daddy mo..."sagot ng Mommy niya at napag-alaman niyang humihikbi ito. Kailangan niyang malaman kung ano ang nangyari sa ama niya.

"Mom, what happen to dad? Why are you there in the hospital?" sunud-sunod niyang tanong. Natatakot man ay kailangan niyang malaman ang nangyari.

"P-papunta na siya sa mall para sa hinihingi mong pabor sa kanya. Pero makalipas ang dalawampung minuto ay may tumawag sa bahay na pulis. Naaksidente ang Daddy mo. Habang nasa daan ay biglang may nag-cut ng daan sa kanya at nagkabungguan ang dalawang sasakyan. Dead on arrival ang driver ng kabilang sasakyan. Samantalang ang Daddy mo ay nasa ICU na," paliwanag naman ng ina niya.

"Mom, it's my fault. Sana, sana hindi ko na lang pinilit si Dad. Sana wala siya diyan ngayon. Sana nandito kayo sa bahay ngayon. Mom, sabihin mong hindi mawawala si Dad," pahikbi niyang tugon.

"Don't blame yourself it's no one's fault. It was all an accident. Hush down baby. Dad will survive this. Ako muna ang magbabantay dito at si Manong Carding. Ibinilinn na kita ssa mga katulong at kay Jacob. Don't worry that much okay," paalala naman ng ina sa kanya.

"But mom," pag-aalangan niya. Bago pa siya makapagpatuloy ay narinig niyang may lumapit sa ina. Sa hula niya ay doktor ito.

"Take care, baby. The doctor needs me. I love you," at tinapos na ng kanyang ina ang tawag.

Nanlulumo siyang inilapag ang cellphone sa higaan at matamlay na naupo. Iniisip pa din niya ang buong pangyayari. Alam niya sa saril na may parte siya sa aksidenteng nangyari. Kung sana ay hinndi siya nagpumilit na papuntahin ang ama sa mall. Wala sanang aksidenteng ganito. Kahit bali-baliktarin ang nangyari ay gusto niyang sisihin ang sarili niya. Kung sana ay hindi niya pinairal ang pagiging spoiled. Wala sanang ganito. Hindi niya mapapatawad ang sarili kung saka-sakali mang may mangyaring masama sa ama niya.

Nahiga siya at nagsumiksik sa unan at sunud-sunod ang paghikbi. Hinayaan niya ang sariling ganoon hanggang sa makatulog siya. Hindi alam ng dalaga na nasa labas lamang ng kanyang pinto ang binata at naririnig ang bawat paghikbi nito.

Nang mapag-alaman ni Jacob na huminto ang paghikbi nito ay marahan siyang kumatok ngunit walang sumasagot. Kaya't hiniram niya ang susi ng kwarto nito sa katulong.

"Manang Rosa, ang susi nga po ng kwarto ni Princess,"magalang niyang tugon sa matanda.

"O, iho heto ang susi. Ikaw na muna ang bahala sa kanya. Huwag mong pababayaan at baka may maisip pa yang ibang gawin," bilin ng matanda.

"Oho, salamat manang," sagot niya.

Pumasok siya sa silid ng dalaga at lumapit sa kama. Nakita niyang nakasubsob ang dalaga sa mga unan nito. Sa palagay niya ay wala itong tigil sa pag-iyak hanggang sa makatulog. Iniayos niya ang higa ng dalaga at kinumutan ito.

Napagpasyahan niyang lumabas na muna at hayaan ang dalaga na makapagpahinga. Saka na lamang niya ito gigisingin kapag oras na ng hapunan.


Sa Ospital ...

"Misis, I'll be honest to you. Malubha ang naging tama ng asawa ninyo. Masyadongmalubha ang nangyaring trauma sa utak ng inyong asawa," pagpapaliwanag ng doktor.

"What do you mean, Doc?" kinakabahang tanong ng ina ni Amber.

"Hihintayin natin na magising siya. But if he will be still in that deep unconsciousness, he'll be comatose. It is possible due to the severe injury mula sa aksidente," pagtatapat ng doktor.

"Magigising pa naman siya, Doc diba?" tanong ng ginang.

"50/50 ang chances, Misis. Dahil sa lubha ng aksidente. Naka-dipende sa responsiveness ng katawan ni Mister ang kanyang pag-gising mula sa coma."

"Ang asawa ko.... Huhu. Salamat, Doc."

Matapos ito ay tuluyan nang umalis ang doktor at naiwan ang ginang na patuloy na umiiyak. Wala siyang ibang maisip kundi ang kanyang asawa at kung paano sasabihin sa kanyang anak ang kalagayan nito.


Sa Mansion...

Nagising si Amber dahil sa malakas na pagkatok mula sa pinto ng kanyang kwarto. Nagulat siya dahil ayos na ang kanyang higa sa kanyang kama at nakakumot pa siya. Sino naman kaya ang gumawa nito? Tanong niya sa sarili. Ngunit wala siyang makuhang sagot dahil masyadong imposible.

Nakita niyang nakatayo si Jacob sa labas ng kanyang pintuan."Imposible naman na siya yon" . Naisip niya at napailing na lamang. Nagtaka naman si Jacob at ipinagwalang bahala na lamang ito.

"Kumain ka na muna, Princess, anyaya nito sa kanya. "Dala ko na ang pagkain mo. Dito ka na lamang sa kwarto mo kumain. Alam kong pagod ka pa," patuloy lamang sa pagsasalita ang binata hanggang sa makarating sa kanyang kama. Isinara naman niya ang pinto at sumunod na dito.


Gusto niyang kiligin sa ginagawa nitong pagsisilbi at pag-aalaga sa kanya ngunit pinipigilan lamang niya dahil alam niyang parte lamang ito ng kanyang pagiging sunud-sunuran.

"Salamat," tipid niyang sagot.

"Tumawag ang mommy mo at kinamusta ka sa akin. Baka mamaya ay tumawag siya sayo o kaya'y bukas ng umaga. Naroon siya sa ospital kasama ang Auntie Eunice mo," sambit ni Jacob.

"Si Daddy kamusta?" tanong niya.

"Okay naman daw siya. H'wag mo munang paka-intindihin ang daddy mo makakayanan niya din ang pagsubok na iyon. Sa ngayon, kumain ka na muna ng makapagpatuloy ka na sa pagpapahinga mo," sagot ng binata.

"Okay," tipid niyang sagot. At nagsimula na siyang kumain.

Hinintay lamang siya ng binata na makatapos sa pagkain at pagkaraan ay umalis din ito at di na muling bumalik.

Gustuhin man niyang makausap ang binata ay di niya magawa. Dahil mukhang umiiwas itong magkaroon sila ng mahabang pag-uusap. HIndi rin niya malaman kung bakit di siya makapag-maldita o makapag-taray dito. Siguro ay dahil na din sa kanyang sitwasyon ngayon.


DARE TO LOVE ME (REVISED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon