1. Ang Proyekto

524 17 0
                                    









"AMBER, sino ang nabunot mo?" narinig niya ang tanong ng bestfriend niyang si Venice nang makalabas sila sa classroom.

Nagpalinga-linga muna siya sa buong paligid bago sumagot. "Si Jacob," mahina niyang sagot. Bigla namang sumilay ang ngiti ng kaibigan sa narinig.

"Nice naman, mukhang magbabago na ang ikot ng mundo ninyo ah," pang-aasar nito.

"Ano ba'ng pinagsasabi mo d'yan? Syempre 'di ako papayag na mangyari iyon ," naiinis niyang sabi.

"Naku, naku ! Amber, mala-lagot ka kay Ma'am Bianca kapag hindi mo ginawa ang ginagawa niya sa atin,"pananakot naman ng kaibigan.

Nagkibit-balikat na lamang siya at nagpatuloy sa paglalakad.

"Kung ako lang ang masusunod, Nice, mas gusto ko pang magkaroon ng tres kaysa gawin yang kabaliwan na 'yan. At hindi ako papayag na magkabaliktad ang mundong tinatayuan namin ng Jacob Ramirez na 'yon."

Muli namang natawa si Venice sa inasal niya," Oh, siya nandyan na ang "alipin" mo,"bulong nito sa kanya habang papalapit ang isang binata.

"Hayaan mo lang siya, bu-buntot na naman iyan sa akin," bulong niya.

"Galingan mo na lang sa pag-papaka- good girl mo sa kanya, para makapasa ka." Pagkasabi niya 'non ay nagmamadali na itong umalis. Bago pa man niya mahabol ang kaibigan ay nasa tabi na niya ang binata.

"Akin na po ang bag ninyo, Princess,"pagsisimula ni Jacob. Tuwing uwian at maging sa pagpasok sa eskwela ay ito na ang nagdadala ng kanyang mga gamit.

"Huwag na, kayak o naman itong buhatin eh," wika niya sa mataray na tono. Tulad nga ng ibinilin sa kanya ni Venice, kailangan niyang pagaanin ang mga gawaing ipinapagawa niya kay Jacob. Nang sa ganun ay nakapasa siya sa Personality and Values Development na asignatura.

Gustuhin man niyang kiligin sa t'wing tinatawag siya ng binata ng "Princess" ay hindi niya magawa. Sapagkat ang dating nito sa kanya ay isang panunuya at ipinamumukha lamang nito sa kanya na kailanman ay hindi siya magugustuhan ng lalaking minamahal niya. Na kailanman hindi magiging sila dahil sa estado ng buhay nila.

"Sigurado ka ba, Princess?"

"Oo naman. I'm fine with this."

"Pero mabigat kasi 'yang bag mo eh."

"Sabi ko nga na kaya ko diba?" nakataas ang tono niya sa pagsasalita.

Hindi na nagsalita si Jacob. Tahimik na lamang siyang sumunod sa dalaga papuntang parking lot. Ipinagbukas niya ito ng pinto upang makasakay saka siya umikot patungo sa driver's seat.

"Pwede ba tayong dumaan sa mall saglit?" tanong ni Amber.

"Sige. Basta 'wag ka lang magtatagal ha. At baka magalit sa akin ang Daddy mo," pagsang-ayon naman ni Jacob.

"Hindi naman tayo magtatagal. May kailangan lang akong bilhin. Promise," nakangiting sagot niya sa binata.

"DAD, sige napo. Puntahan ninyo na po ako rito , kulang lang po talaga yung pera ko, eh. I really want to buy that dress," sabi ni Amber habang kausap niya ang kanyang ama sa telepono.

"Magkano ba ang damit na iyon?" tanong ng kanyang ama. Sinabi naman niya ang presyo. "Praktikal pa ba na bilhin natin ang damit na iyan?"

"Sige na, please. Malapit na ang birthday ko. I want a new dress,"naglalambing nitong sagot.

"Pero anak, you already have one right? Ayaw mo ba sa dress na 'yon?" pagtatanong nito.

Dahil sa only child at unica hija , lahat ng gusto niya ay ibinibigay ng kanyang magulang. Liban na lamang kung ito'y hindi na praktikal. Bukod sa damit na nagustuhan nito ay wala na siyang ibang hinihingi sa mga ito. Maraming nagsasabing spoiled brat siya, kahit na ang totoo ay hindi naman. Alam niya kung kailan niya dapat hingiin o hilingin ang mga bagay-bagay at kung kailan dapat mag-give up.

DARE TO LOVE ME (REVISED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon