SALAMAT
Kinabukasan ay agad na tinanong ni Amber si Jacob.
"Nasaan ka kahapon?" agad niyang tanong matapos makababa sa sasakyan.
"May pinuntahan lang. Pasensya ka na hindi na ako nakapag-paalam sa'yo kasi naroon na mga bisita mo e."
"Ikaw ah. Ikaw pala may gawa ng celebration na iyon. Salamat. Kasi naalala mo ang birthday ko."
"Wala iyon. Ang isang prinsesa kailangan na laging nagsi-celebrate ng kanyang kaarawan."
"Tsaka salamat sa pagbili do'n sa dress na gusto ko. Napagastos ka pa tuloy. Alam kong naubos ang allowance mo dahil do'n. Kaya sana hayaan mo akong sumagot ng lunch mo."
"Princess, wag na please. Hindi mo naman kailangan gawin 'yon."
"Pero..."
"Nararapat lamang sa isang prinsesa na gaya mo ang suotin ang nais niyang kasuotan sa araw ng kanyang kaarawan. Isa pa regalo ko iyon sa'yo. Di mo na dapat bayaran. Regalo nga e."
"O-okay. Pero.. kasi..."
"Tama na okay?"
Nagpatuloy na sila sa paglalakad. Ngunit hindi pa rin makalma ang sistema ni Amber. Napansin naman ito ni Jacob.
"O, siya sige na. Sabay tayong kakain ng lunch."
"S-sigurado ka." Agad namang umaliwalas ang mukha ng dalaga sa pagsang-ayon ng binata.
"Oo na. 1 week lang ha. Matapos 'yon wala na."
"Oo sige sige." Masayang tinungo ni Amber ang tapat ng pinto ng silid.
"Dadaanan na lamang kita mamaya. See you later". Matapos itong sabihin ni Jacob ay agad na siyang dumiretso sa kanyang silid.
Nakangiting naupo si Amber sa kanyang upuan.
"Ayyyyy!!! Award ang ngiti mo ate!" sigaw ng kaibigan niyang si Nice.
"Tss. Para namang ngayon lang ako ngumiti kung maka-react ka dyan. "
"Eh, kasi po ngayon ka lang ngumiti matapos yung mga pangyayari lately sa family mo.At ngingiti ka na lang ang creepy pa. At bakit ka ba kasi ganyan kung maka-ngiti?"
"W-wala lang. Masama bang ngumiti at maging masaya na naalala ka ng mga taong nakapaligid sa'yo. Salamat talaga sa party kahapon. Akala ko wala ng makaka-alala sakin eh."
"Sus, ang drama. Siyempre mahal ka namin eh."
"Salamat pa din. Maupo ka na nga andyan na si Ma'am."
Buong oras ng klase ay hindi nawawaglit sa kanyang isip ang pagtanggap ni Jacob sa alok niyang sabay na maglunch. Halos gusto na niyang hatakin ang oras at matapos na ang buong klaseng iyon.
*Kringggggggg.....
"Okay. Class Dismissed see you all on Monday."
"Good bye, Mrs. Amparo."
Nagmamadaling inayos ni Amber ang kanyang mga gamit. At tuluyan ng lumabas ng silid. Eksaktong oras din na palabas na di Jacob sa kanyang silid.
"Princess, akin na iyang bag mo."
"S-sige. Salamat."
"Wala iyon. Tungkulin ko ito."
"Okay. Salamat sa pagtanggap sa alok kong maglunch tayo."
Nakarating na sila sa canteen ng school malimit lamang siyqng kumain dito kadalasan ay sa labas siya kumakain kasama ang bestfriend niyang si Nice.
"Maupo ka na muna dito. Ako na ang pipili ng kakainin natin."
BINABASA MO ANG
DARE TO LOVE ME (REVISED VERSION)
Fiksi RemajaWala ng ibang itinangi ang puso ng dalagang si Amber kundi si Jacob lamang. Sa murang isip pa lamang niya ay alam na niya na ito lamang ang nais niyang makasama sa buhay hanggang sa pagtanda.