3. Ang Pagbabago

404 14 4
                                    

ANG PAGBABAGO

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ANG PAGBABAGO

Naramdaman niya ang marahang pag-galaw ng kama niya. Nang lingunin niya ito ay nakita niya si Jacob na nakaupo sa tabi niya. Mababakas sa mukha ng binata ang lubos na pag-aalala.

Dalawang araw na ang nakakalipas mula nang mangyari ang aksidente sa kanyang ama. Alam na din niya ang naging kalagayan nito dahil pinilit niyang tanungin ang kanyang ina.

"Mom, ano na po ba talaga ang nangyari kay Daddy? I thought he's not gonna stay there for long. Hindi mo naman ako pinapayagan na sumama sa'yo," tanong niya.

"Amber, your dad is now in coma. At hindi ako sigurado kung... kung gigising pa ba siya," pahikbing sagot ng ina.

"I knew it! It's my fault mom.I am to be blame.Kung hindi ko siya pinilit hindi siya dapat nandun at natutulog," patuloy siya sa pag-iyak.

"No, baby it's an accident. No one is to be blame, okay? Just be strong for Dad."

Pagkasabi nito ay niyakap siya ng mahigpit at inalo.

Dalawang araw na din siyang walang kinakausap. Maging ang matalik na kaibigan ay walang naririnig mula sa kanya. Oo at hindi lang ang namumutawi sa kanyang bibig. Sasagot lang siya kung siya ay tatanungin.

Maging si Jacob ay hindi niya gaanong kinakausap. Wala siyang balak na kumausap ng kahit na sino. Ang tanging gusto niya lang ay mapag-isa. Ngunit hindi na iyon mangyayari dahil narito at katabi niya si Jacob. Lagi itong nasa tabi niya mula nang mangyari ang aksidente, marahil ay inutos ng kanyang ina.

"Sa tingin mo ba ay gusto ng papa mo na nagmumukmok ka ngayon?" tanong ni Jacob. Ngunit hindi siya umimik at nanatiling tahimik lamang.

"Sa tingin ko kasi kung nakikita niyang malungkot ay hindi din siya magiging masaya. Maging ang iyong ina ay mababahala sa kalagayan mo. Lahat ng nasa paligid mo ay mahahawa sa kalagayan mo. Yun ba ang gusto mo ?" muling tanong niya.

Muli siyang humikbi at inilagay ang kanyang mga kamay sa kanyang mukha. Napapitlag siya ng maramdamang hinawakan siya ng binata sa balikat at marahang pinunasan ang mga luhang naglandas sa kanyang pisngi. Hindi na siya nakagalaw pa ng yakapin na siya ng binata. His warm embrace somehow told her that everything would be okay soon. He made her feel some relief even in a short moment.

"Tahan na. Hindi maguguustuhan ng mommy mo kung iiyak ka. Kailangan niyang makita ang lakas at tatag mo. Dahil kung magiging mahina ka, magiging mahina din siya. sayo lang siya humuhugot ng lakas ngayon," wika nito.

"It's my fault. Yes, it is. Ako. Ako ang dapat na sisishin sa pagkaka-coma ni daddy," lumuluha niyang sabi.

Muli ay niyakap siya nito at isinandig niya ang sarili sa dibdib nito. Nang humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya ay lalo niyang inilabas ang lahat ng iiyak pa niya. Naramdaman niya ang marahang paghagod nito sa kanyang likuran.

"Wala kang kasalanan. Walang may gusto sa nangyari. Aksidente ang lahat. Huwag na huwag mong sisihin ang sarili mo. Okay?" kasabay nito ay iniharap siya nito sa kanya at muling pinunasan ang mga natirang luha sa pisngi niya.

Damang-dama niya ang kapayapaan sa mga bisig nito. At halos ayaw na niyang matapos ang sandali at ganito na lamang ang sitwasyon nila. Dahil pakiramdam niya ay ligtas siya sa mga bisig nito at walang sinuman ang makakasakit sa kanya. Pinilit niyang ngumiti nang magtama ang kanilang mga mata.

Nang kumalma na siya ay tumayo si Jacob at nagsalita. "May ibibigay ako sa'yo," sabi nito at maya-maya ay may kinuha ito sa bulsa nito.

Nakita niyang inilabas nito ang isang pares ng hikaw na may disenyong hugis puso. De-pakaw at silver ang hikaw na ito.

Naka-ngiti siya habang nakatingin sa kanya. Nagtataka siya sa biglang pagbabago ng pakikitungo nito sa kanya. Oo nga at kahit tinatarayan niya ito ay hin di naman ito umaalis sa tabi niya. Kahit na pagod na ito ay sinusunod pa rin nito ang bawat iutos niya. Ngunit walangmababakas na pag-aalala mula rito noon. Kaya't nakapagtataka ang bawat ikinikilos nito ngayon.

"Tig-isa tayo. Ito ang sa'yo at ito ang sa akin," paliwanag nito.

"Bakit tig-isa ? Masusuot ko ba yan ng isa lang?"tanong niya.

"Kumbaga sa friendship bracelet o kaya friendship ring, sa atin naman hikaw. Pero hindi tayo magkaibigan kaya naman simbolo lang ito ng kung anong relasyon natin sa isa't-isa,"paliwanag naman ni Jacob.

"Ano ba'ng relasyon meron tayo?"tanong niya.

"Hmm. Ako ang alipin mo at ikaw ang pinagklilingkuran ko," sambit naman niya.

"Bakit hindi na lang as sign of friendship? Pwede naman tayong maging magkaibigan ah."

"Tulad nga ng sinabi ko noon, magkaiba tayo. Nasa mababang uri lamang ako at ikaw napakataas mo.Hindi tayo maaaring maging magkaibigan."

"Saan bang lupalop ng Konstitusyon mo nabasa yan? Wala namang nasasaad sa batas na hindi mo pwedeng maging kaibigan ang isang tulad ko."

"Pero mas masaya akong pinaglilingkuran ka," seryosong sabi nito. "Iyon ang dapat kong gawin para sa isang prinsesang katulad mo."

Nakakakilig. Ngunit ayaw niyang hanggang dito na lamang ang relasyon nila. Mas gusto niyang maging komportable sila saa isa't-isa.

"But.. I need you as my friend."

"It would be better this way. Mas magiging mahirap at komplikado lang ang lahat kapag nagpumilit ka pa. Hanggang nasa iyo ang kapares na hikaw ay mananatili ako sa'yo."

"Bakit hindi na lang bracelet o kaya singsing ang binigay mo?"

"Simple lang para unique."

"Pa'no mo naman a alam kung isusuot ang hikaw na 'to e bawal sa school ang lalaki magsuot ng hikaw?"

"Ako na ang bahala dun. Ikaw naman ang bahala kung isusuot mo yan o hindi. Basta't alam kong nasa iyo pa ang hikaw na iyan ay mananatili ako sa'yo."

Napatango na lamang siya at napatitig sa hikaw na hawak nya, Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Hindi niya alam kung paano siya magre-react sa sitwasyon. Ang alam lang niya ay kahit papaano ay masaya siya dahil nagbibigay na ng atensyon si Jacob sa kanya.

"I could be the funniest clown for you when sadness came. I could be your shoulder to cry on. I could be your number one fan and will laugh at your every jokes. I could do everything for you. Pero wag mo lang hilingin na maging magkaibigan tayo. I can only offer my service to you but not friendship."

Hindi na lamang siya kumontra at baka magbago pa ang isip ng binata. Susulitin na lamang niya ang mga araw na lagi niya itong kasama. Alam din naman niyang wala siyang magagawa upang mabago pa ang desisyon nito.

"Pwede bang magtanong? Isa lang promise."

"Sige. Ano ba iyon?"

"Bakit bigla ka yatang bumait sa kin?"

"Dahil alam kong kailangan ng isang prinsesang katulad mo ang isang katulad ko."

"Salamat sa pagbibigay mo ng panahon sa isang tulad ko."

"Walang anuman mahal kong prinsesa."

Napangiti na lamang ito at wala nang sinabi pa.

"Magpahinga ka na Princess. Pupunta na muna ako sa ospital baka kailangan na ng mommy mo ng kapalitan sa pagbabantay sa daddy mo."

Nagulat siya nang bigla itong tumayo at hinalikan siya sa noo. Tumango na lamang siya at nanatili sa kama.

Bago pa man ito lumabas ay itinuro nito ang digital table clock sa gilid ng kama niya. "Happy Birthday Princess."

Hindi siya makapag-react dahil sa labis na pagkagulat. Magsasalita na sana siya ng marinig ang marahang paglapat ng pinto ng kwarto niya.

DARE TO LOVE ME (REVISED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon