SURPRISE
MATAPOS ang klase ay dumiretso na sa sasakyan si Amber upang makauwi na sa kanilang mansyon. Naging maayos ang takbo ng araw niya sa eskwelahan dahil kay Jacob. Lagi itong nakaagapay sa kanya. Lagi nitong pinagagaan ang kalooban niya sa tuwing nalulungkot siya.
Tahimik lang siya sa buong biyahe nila. Nakatuon lang ang atensyon niya sa tinatahak na daan at sa mga tanawing nadaraanan.
Nang sa wakas ay nakahinto na ang sasakyan ay inalalayan siya ni Jacob pababa ng sasakyan.
Buong akala niya ay didiretso na sila sa loob ng bahay ngunit iginaya siya nito sa likod-bahay."Bakit tayo nandito?" tanong niya.
Ngunit walang salitang binitiwan si Jacob. Nagatag lamang ito ng isang kulay abong tela sa damuhan at naglagay ng munting basket."Princess, dito ka na maupo."
Maya-maya ay may nilabas din itong dalawang papel at maliit na bote.
"Para saan ang mga iyan? May project ba o activity kanina na by pair? Wala naman akong maalala na may ganyan tayong activity ah."
"Para sa atin to, hindi sa school. Tignan mo palubog na ang araw. May nakapagsabi kasi sa akin na kapag sinulat mo lahat ng malungkot o masamang pangyayaring gusto mong makalimutan at mawala na, gawin mo ito kasabay nang paglubog ng araw.""Ganoon ba iyon?"
"Siguro. Wala namang mawawala kung susubukan natin e. Eto ang papel at bote mo. Isulat mo lahat diyan hah. Wag kang magtitira sa sarili mo."
"Okay"
Habang hawak niya ang ballpen at papel ay walang habas ang pagpatak ng kanyang mga luha. Nakita siya ni Jacob na umiiyak ngunit hindi siya nito nilapitan. Hinayaan lang nitong makalimutan ang bawat kalungkutan sa pagkaka-coma ng kanyang ama. Siguro ay tama din ang ginawa nito upang malaya niyang mailabas ang nararamdaman.
Napansin niyang seryoso din ito sa pagsusulat niya. Malungkot pa din kaya ito dahil sa pagkawala ng magulang?
Nang matapos na silang dalawa ay ipinarolyo nito iyon at inilagay sa bote. Nilagay nila ito sa isang kahon.
"Ano na ang gagawin mo riyan?"
"Ibabaon natin sa lupa. Ang mga bagay na nagpapabigat at nagpapasakit sa ating kalooban ay nararapat nang ilibing upang makalimutan na natin ng tuluyan"Nang maibaon na ito ni Jacob, napasalampak na lang siya sa telang nakalatag. Hindi naman natiis ni Amber na wag itong lapitan. Pinunasan niya ang landas na pawis nito sa pamamagitan ng kanyang panyo. Nang mapatingin siya sa mga mata nito ay bigla siyang napatigil. Tila nangungusap ang mga mata nito ngunit hindi niya alam kung ano nga ba ang nais nitong ipahiwatig sa kanya.
Nagpasya siyang putulin na ang titigan na nagaganap. Ibinaling niya ang kanyang paningin sa lupang pinaglibingan ng mga isinulat nila. Sana nga ay makalimutan na nila ang mga bagay na iyon.
Sabay silang pumasok sa loob ng bahay ng tahimik. Napansin niyang walang mga katulong sa kusina nang kumuha siya ng tubig na inumin para sa knilang dalawa. Sabay-sabay siguro silang nag-day-off.
Inihatid na siya ni Jacob sa kanyang silid.
Saglit siyang naglinis ng katawan at nagpalit ng damit. Nais niyang matulog na at magpahinga dulot ng pagod. Ngayon niya lamang naramdaman ang pagod dulot ng pag-iyak at pagpupuyat niya.
Nasa kasarapan siya ng pagkakahilat nang makarinig ng katok mula sa kanyang pinto. Nagpatong siya ng T-shirt at pinagbuksan ang kumatok. Si Jacob lang pala at posturang-postura ito.
"Oh, aalis ka?"
"Yes, Princess. At kasama ka"
May iniabot itong paper bag sa kanya.
"Iyan ang susuotin mo. Sige na magpalit ka na"
Hindi pa nga siya nakakatanggi man lang ay umalis na ito sa harap niya at isinara ang pinto.
Inilapag niya sa ibabaw ng kama ang paperbag na may lamang kahon. Agad niya itong binuksan.
Nagulat siya nang makitang ang kinalolokohan niyang dress sa mall ang laman ng kahon. Napakurap pa siya ng makailang ulit upang ma-check kung hind siya namamalik-mata. Medyo may kamahalan ang presyo ng damit na iyon kaya kinailangan niya ang tulong ng daddy niya.
Nalungkot na naman siya nang maalala ito. Agad niyang iwinaksi ang naiisip. Hindi magugustuhan ng lahat ng mahal niya sa buhay na patuloy niyang sisihin ang sarili sa nangyari.
Isinuot na niya ang dress at inayos ang buhok. Naglagay din siya ng kaunting make-up. Nang satisfied na siya sa sarili ay binuksan na niya ang pinto. Naroon pa din si Jacob at biglang lumingon sa kanya. Hinagod siya nito ng tingin. Walang pasabi nitong kinuha ang kamay niya at iginaya sa hagdan pababa.
Naghurumintado naman ang buo niyang sistema sa ginawa nito.
Isang malaking palaisipan pa rin sa kanya kung san sila pupunta. Lumabas na sila ng bahay ngunit hindi sila lumayo. Dinala siya nito sa may pool area na sa isang bahagi ng malawak nilang hardin.
Napaiyak siya nang mapagmasdan ang naroon."Happy Birthday, Amber!" sabay-sabay na sabi ng mga taong bumungad sa kanya. Narito lahat ng kaklase, kaibigan, mga guro at kamag-anak niya. Mayroon palang inihandang post-birthday celebration ang mga ito sa kanila. Sobra-sobrang pagkasurpresa ang naramdaman niya.
Nakita niya ang pagsalubong ng kanyang mommy na nakangiti sa kanya.
Matapos ng mahabang litanya niya ng pagpapasalamat ay niyakap niya ng mahigpit ang kanyang ina.
Siguro ay ito ang nagplano ng lahat pati si Jacob nakakuntsaba pa niya. Napagtanto niyang may koneksyon ang pagpunta nila sa likod-bahay. Marahil hindi pa tapos ang set-up sa pool area. Marahil binili din ng kanyang mommy ang dress na ito.
"I'm sorry baby girl kung hindi kita nabati nung mismong kaarawan mo. Ang pangit nman kung sabihin kong happy birthday kung hindi ka naman happy diba. At alam kong wala akong magawa sayo para pasayahin ka dahil mismong sarili ko di ko maiahon sa kalungkutan. Happy Birthday my princess."
"Okay lang yun Mom. Bumawi ka naman e."
"Takot ko lang na magtampo ka sa akin. Ang ganda ng dress mo anak ah. Pero diba't hindi naman iyan yung pinagawa natin? Anyway, it suits you good."
"Ha? Akala ko ay binili ninyo ito para sa akin?"
"Baka si Jacob ang bumili niyan para sayo. Naku ang batang iyon talaga. Siya din ang rason kung bakit may party ka. Kung hindi dahil sa kanya makakalimutan kong may naghihintay pala sa akin na prinsesa. Buti na lang talaga nandyan siya. Nasaan na nga ba ang batang iyon?"
Hindi makapaniwala si Amber sa tinuran ng ina. Hindi niya lubos maisip na si Jacob ang may pakana ng lahat ng surpresang iyon.
Nais sana niyang magpasalamat ngunit wala na sa kanyang paningin ang binata.Matapos maihatid ni Jacob si Amber sa party, ay agad na rin siyang unalis at hindi na nagpaalam. Ayaw niyang masira pa ang momentum ng pamilya.
Kadarating lamang niya sa bahay ng isang matanda.
"Mabuti at nakabisita ka hijo", sambit ng isang matandang babaeng malamang ay nasa 70 taong gulang na.
"La, alam ninyo namang di ko kayo matitiis."
"Sabi ko naman kasi sayo dito ka na lamang tumira kasama ni Anna. Kaya naman naming tustusan ang pag-aaral mo sa eskwelahang iyon."
"La, hayaan ninyo na lamang po ako."
"O sya sige. Saan mo ba ginamit ang perang hiningi mo kahapon?"
"Sa importanteng bagay ho. Hayaan ninyo na po babawi na lamang ako pag nakaluwag-luwag."
"O sige. Kumain ka na riyan."Ang halaga ng damit na iyon ay isang buwang allowance na ni Jacob. Kaya't wala siyang ibang paraan para mabili ang damit kundi sa tulong ng kanyang lola Cynthia. Ayaw niya sanang tumanggap ng kahit ano mula rito ngunit wala na siyang ibang maisip na paraan. Alam niyang magiging masaya si Amber kung makukuha niya ang damit na iyon. At hindi naman siya nagkamali.
BINABASA MO ANG
DARE TO LOVE ME (REVISED VERSION)
Teen FictionWala ng ibang itinangi ang puso ng dalagang si Amber kundi si Jacob lamang. Sa murang isip pa lamang niya ay alam na niya na ito lamang ang nais niyang makasama sa buhay hanggang sa pagtanda.