NEW YEAR's EVE
Napakabilis lumipas ng panahon. Namalayan na lamang ni Amber na Pasko na sa sumunod na araw. Napakasaya na ng dalaga dahil nagising na ang kanyang ama. Halos dalawang linggo na mula ng magising ito mula sa coma. Sa ngayon ay sa resthouse nila sa Baguio sila magdaraos ng Pasko. Kasama niya ang buong pamilya niya.
Kumpleto na sana ang magiging Pasko niya ngunit wala naman doon si Jacob. Naroon ito sa isang kamag-anak at doon mag-pa-Pasko. Nangako naman ito sa dalaga na sabay silang sasalubong sa Bagong Taon. Kaya't kahit papaano ay naibsan ang kanyang lungkot.
Naging maayos naman ang pagsalubong nila sa kapaskuhan. Naghanda lamang ang buong pamilya ng munting salu-salo.
"Hello, Nice, Merry Christmas", aniya.
"Amber, salamat. Merry Christmas din pag-uwi mo dito saka ko ibibigay yung gift ko sayo," wika ng kaibigan sa kabilang linya.
"See you soon, girl."
Matapos makausap ang kaibigan ay muli siyang pumanhik sa kwarto upang ayusin ang kanyang mga regalo. Excited na ang dalaga sa nalalapit na pag-uwi. Nais na niyang masilayan ang mukha ng lalaking itinatangi niya.
Kinabukasan ay magang bumiyahe ang buong pamilya ni Amber pabalik sa kanilang mansyon. Hindi na makapag-hintay pa si Amber na makarating sa kanilang tahanan. Matagal din silang hindi nagkausap at nagkita ni Jacob kaya't lubos ang kanyang kagalakan sa nalalapit nilang pag kikita. Excited na din siyang ibigay dito ang kanyang inihandang regalo. Sa pag-iisip sa mga maaaring mangyari ay nakatulog siya sa buong biyahe,
"Gusto lang naman kitang makasama ng magdamag Jacob. Gusto ko kasama kita mag-celebrate ng New Year. Mahalaga sa akin ang bagay na iyon. Wag kang aalis ha" malambing na tono ng boses ni Amber.
"Hindi ako sigurado kung magdamag akong nandito. Pero pinangako ko sayo na magkasama nating sasalubungin ang Bagong Taon"
"Please, wag kang umalis"
"Pero.."
"Jacob, Please, huwag mo kong iiwan. Huwag kang aalis!" sigaw ni Amber.
"Princess, Hey Princess" sambit ni Jacob habang niyuyugyog ang natutulog na dalaga.
"H-ah? B-akit? Nasa'n ako?" Tanong ni Amber.
"Nandito ka sa kwarto mo. Tulog na tulog ka kasi sa sasakyan kaya't ipinabuhat ka na lamang sakin dito sa kwarto mo. Palabas na sana ako nang bigla kang sumigaw ng " Please, wag kang aalis," wika ni Jacob.
Bigla namang nahiya si Amber. Panaginip lamang pala ang lahat. Lubha siyang nabahala kung lahat ng sinabi niyang kataga sa kanyang panaginip ay nasabi din niya habang natutulog. "Sinabi ko ba iyon? Ano pa sinabi ko?", tanong ni Amber.
"Oo, yun lang naman ang sinabi mo. Hindi na ako lumabas. I thought you're having nightmares kaya gano'n."
"Oo. Ang sama nga ng panaginip ko. Iiwan mo daw ako. Aalis ka na daw," malungkot na sambit ng dalaga.
"Don't overthink, okay? Hindi naman ako aalis. Hindi naman kita iiwan. Unless, ikaw mismo magsabi na umalis ako," pag-alo naman ni Jacob sa dalaga.
"Yeah. Uhm. Jacob, dito ka magsi-celebrate ng New Year diba sabi mo babawi ka?" tanong ni Amber. Sa kabila ng kanyang isip ay ang mga nangyari sa kanyang panaginip.
"Oo naman, Princess. Nangako ako at hindi ko ito sisirain. Don't worry too much okay. Magsi-celebrate tayo ng New Year ng sabay," naka-ngiting tugon ni Jacob sa dalaga. Lubos naman ang kagalakan ng dalaa sa mga narinig.
Naging maganda ang bawat araw ni Amber. Punung-puno ng kasiyahan at excitement ang kanyang puso sa isiping sabay nilang sasalubungin ang bagong taon.
BINABASA MO ANG
DARE TO LOVE ME (REVISED VERSION)
Teen FictionWala ng ibang itinangi ang puso ng dalagang si Amber kundi si Jacob lamang. Sa murang isip pa lamang niya ay alam na niya na ito lamang ang nais niyang makasama sa buhay hanggang sa pagtanda.