Liliana
"Si."
Iminulat ko ang aking mga mata at napansin na nasa gitna ako ng masukal na kagubatan.
Nasa Baron pa ba ako? Napakatahimik sa lugar na ito. Puro mga nagtatayugang puno lamang ang nakapalibot sa akin. Maaari na siguro ang lugar na ito para paglipasan ko ng gabi.
Inilibot ko ang aking mga mata sa buong paligid. May bakanteng lupa ilang hakbang mula sa kinatatayuan ko, maaari akong magtayo ng bahay gamit ang mahika nang may masilungan ako hanggang sa mag-umaga.
Lumapit ako doon at inisip ang anyo ng bahay na gusto kong itayo. Simple lamang ang disenyo na inisip ko. Wolves are hypersensitive, ayaw kong makuha mo ang atensyon nila. I want to rest, really rest.
Hindi ko magawang maging mapayapa sa loob ng mansyon ni Alpha Tyrone. The house is too lively, I am not used to it.
"Mineo Zumadre." sambit ko sa lengguwaheng ng mga taga-Catharna, ang lengguwahe ng mahika.
Mula sa kawalan ay biglang lumitaw ang isang simpleng bahay. Napangiti ako sa aking ginawa. I learn how to build this thing when I was eight.
Biglang sumilay ang malungkot na ngiti sa aking mga labi. Nahahapo kong inabot ang pinto ng bahay at binuksan iyon. Dala ang duffel bag ay tuluyan na akong pumasok sa buong kabahayan.
"Mineo Zumadre." muli kong sambit at nagsilitawan ang mga kagamitan sa loob ng bahay. Tinungo ko ang magarang sofa set at doon napiling humiga.
Suddenly, I feel so tired. Nakakapagod pala ang mabuhay nang matagal. Biglaan lang, naisip kong nakakalungkot palang mag-isa.
Kinapa ko sa aking dalang duffel bang ang librong naging dahilan nang pagpunta ko ng Catharna. Inilabas ko ang makapal na libro at inilapit iyon sa dibdib ko.
Will Therñansus feel the void in my heart? May mahika ba para sa nangungulilang puso?
Hindi ko namalayan ang pagtakas ng isang patak ng luha mula sa aking kaliwang mata.
I feel the familiar pang of sadness in my heart. Ipinikit ko ang aking mga mata para magpahinga. Gusto kong panandaliang makalimot sa kalungkutan ng mundo.
"You are destined to surpass me, Marie." napatingala ako sa aking ina na ngayon ay nakaharap sa malaking salamin.
Nasa silid niya kami habang siya ay abalang inaayusan ng isang mananahi mula pa ng Vlamia.
"Para saan ang pagtitipon ngayong gabi, ina?" tanong ko sa kanya.
"Pormal akong ipapakilala ni Simeon del Fuego bilang mayor ng Paloxia, Marie. Isa iyong napakalaking karangalan." kilala ko si Ginoong Simeon, siya lang naman ang pinakamalakas na salamangkero sa buong Catharna. Asawa siya ni Xamara del Fuego, sila ang mga magulang ng kambal na sina Mikayla at Lucas del Fuego.
"Ngunit tutol si Madame Henrietta sa pamumuno mo, ina. Marami ang sabi-sabi na-"
"Huwag mong paniwalaan iyon, Marie. Walang katotohanan ang mga balitang iyon." putol sa akin ng aking ina.
Lumayo siya bahagya sa akin para matingnan niya ang kanyang kabuuang repleksyon sa salamin. Isang napakaeleganteng gown ang suoy ng aking ina. Napapalamutian iyon ng diyamante, ang tabas ay sakto lamang sa kanyang balingkinitang pangangatawan.
Hindi ko maiwasang humanga sa aking ina. Isa siya sa pinakamagagandang salamangkera sa buong Catharna. Lahat ng mga salamagkera't salamagkero ay nirerespeto siya.
Lumipas ang ilang oras at nagsimula na ang pagtitipon, isa yata ito sa pinakamalaking pagtitipon ng mga salamangkero at salamangkera sa buong Catharna. Maging ang mga respetadong salamangkera ng distrito ng Aztier ay dumalo rin sa pagtitipon.