Ch. 6

2.6K 108 61
                                    

Tahimik ako habang lulan ng kanyang itim na sedan pauwi ng bahay niya. Wala ni isa man sa amin ang nagbalak na basagin ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

Kahit na maraming katanungan na naglalaro sa aking utak, pinili ko na lamang na iwaglit iyon at tingnan ang tanawin sa labas ng bintana.

Nang gumising ako muli sa pagkakatulog kanina ay ang mukha pa rin ni Macon ang nasilayan ko. Sinabi ko na sa nag-aalala sa akin na maayos na ang pakiramdam ko at gusto ko ng umuwi.

Pumayag naman sila, na labis ko talagang ikinagulat, akala ko kasi ay aalma pa sila sa kagustuhan kong magpa-discharge sa ospital. Akala ko ay hahayaan na nila akong makauwi, para lamang magulat nang salubungin ako ni Macon sa parking lot sa labas ng hospital building. Hindi ko na sana siya papansinin at maglalaho na lang sana na parang bula sa harapan niya ngunit nang mapagtanto niyang gagamit ako ng mahika'y sinambit niya ang katagang makakapagpatigil sa akin.

He opened his car's door before walking towards the driver's side. Hindi na niya ako hinintay na makapasok bago siya gumilid sa sasakyan.

Napabalik sa kasalukuyan ang isip ko at napatanaw sa tanawin na nasa aming harapan. Unti-unti ko ng nakikita ang kabuuan ng bahay na tinutukoy niya.

Ilang sandali pa ay tumigil na rin ang sasakyan sa mismong harap ng bahay. Nagkatinginan muna kami ni Macon bago namin magkasabay na binuksan ang pinto ng sasakyan upang makalabas na roon. Tch. Chivalry is really dead. Kanina pa siya sa parking lot.

I throw a glance at his house again. It's design is simple yet elegant, nothing entricate. Malamig sa mata tingnan ang kulay ng pintura na ginamit, black and white. Sa tingin ko ay nasa dalawang palapag ang bahay na ito. May porch sa harap ng bahay na pwedeng pagdausan ng munting barbeque party.

I also notice the well-manicured lawn of his humble abode. Malinis. Katulad ng bahay niya ay simple lamang tingnan ang garden. White and black roses can be seen from where I'm standing. It speaks so much about his personality.

"There will be a small gathering here tonight," imporma sa akin ni Macon, habang papasok kami sa loob ng kanyang magarang bahay.

"I don't care." pasimple kong pambabara sa kanya bago nagtuloy-tuloy ng pasok sa kanyang bahay.

Wala akong intensyon na makihalubilo sa kung sino man na mga nilalang sa bansang ito. I only want to get Therñansus that's currently under custody by Macon.

"They want to meet you, Liliana." Natigil ako sa aking paglalakad nang marinig ko ang sinabi niya. Unti-unti akong napalingon sa gawi niya bago siya tinaasan ng kilay.

"The last time I checked, your family wants to have my head. Anong palabas naman ngayon ang gusto nila?" I can't promise anyone that I'll behave properly. Naaayon lamang ang ugali ko sa kung sinong tao ang pinakitutungahan ko.

"I want you to meet them." he corrected his previous statement and give me a serious look.

"You want me to meet them." ulit ko sa kanyang sinabi. I make sure that I stressed out the first and last word in my sentence. "But they don't want to meet me. Right, Macon?" paglilinaw ko sa kanya.

He looks at me grimly, no trace of even a faint smile on his lips. "You got that right." mahinang sagot niya sa akin.

"And they still want to kill me, yes?" Gustong panuyuan ng aking lalamunan dahil sa mga bagay na kayang gawin ng pamilya niya sa akin. Lucky me if I catch them before they do something nasty, but if they caught me offguard...

"You are my mate, Liliana. Their opinion about you won't, and never will, matter to me." paangil niyang tugon sa sinabi ko. His eyes look a shade darker than usual. Matiim iyong nakatingin sa akin, binabantayan ang bawat paggalaw ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 03, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Macon: Dark Series Book 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon