Liliana
Baron, Avinia
"Isang araw pa, Liliana." ang boses ni Dianne ang nakapagpalingon sa akin mula sa pagliligpit sa aking mga gamit.
Maingat kong dinampot ang Therñansus sa ibabaw ng study table at isinilid iyon sa loob ng duffel bag na dadalhin ko pauwi ng Catharna. Matapos iyon ay hinarap ko si Dianne na nakadungaw sa pinto ng aking silid .
"My two day extension is over, Dianne." sabi ko bago siya nilapitan. I feel a bit sad leaving them around this time. Magkakaroon ng pagtitipon dito mamaya para sa anak nina Florrence at Alpha Tyrone. Sadly, I need to say goodbye to them. Hindi ko na maaaring ipagpaliban ang aking pag-uwi ng Catharna.
"Ilang oras lang naman." Nakangusong wika niya saka tuluyan nang pumasok sa aking silid. "Liliana."
"I'm sorry. Hindi na talaga pwede." sambit ko sabay ngiti sa harapan niya. I can't allow her to change my mind this time. Kailangan ko nang umalis ng Baron.
"O siya! Ayaw mo ng papigil eh," aniya saka tinungo ang kama ko para kunin ang duffel bag na dadalhin ko. "Naghihintay na sila sa iyo sa labas." inabot ni Dianne ang isa kong kamay at pahila akong dinala palabas ng silid na aking tinuluyan.
Naglakad kami palabas ng sala ng mansyon ni Alpha Tyrone. Wala sa sarili akong napangiti, I've been here for more than a month, and I can say that I did enjoy my stay. Kaya lang ay walang forever. Kailangan ko ng bumalik sa realidad.
Nang tuluyan na kaming makarating sa sala ay nakita kong naroon na halos lahat ng mga naging kaibigan ko sa pananatili ko rito si Baron.
Standing far away from each other are Florrence, who is carrying Alexandros, and Alpha Tyrone who is watching his mate's every move. Naroon din si Alpha Angelu na agad na sinalubong ang kabiyak na si Dianne. Napalingon akong muli kina Florrence nang makitang maghahalikan sina Alpha Angelu at Dianne. Urgh. Hindi pa rin ako sanay na ganito silang dalawa.
"Bumisita ka sa Uganda kapag nagkapanahon ka." Napalingon ako sa aking likuran nang marinig ko ang malamyos na boses ni Yra. Awtomatiko akong napangiti nang harapin ko siya.
"I'll inform you one of this days. Bibisitahin ko rin ang bahay ni Madame Jin doon."
"Yeah. I hope to see you soon, Liliana." hinawakan niya ang aking beywang at iginiya ako sa gitna ng maluwang na sala.
"Thank you, Liliana." ang baritonong boses ni Alpha Tyrone ang bumati sa akin.
"I came here for the book, Alpha Tyrone. Though I am glad that I've been of help." nakangiti kong tugon sa kanya bago tinapunan ng tingin si Florrence na nagpapatulog kay Alexandros.
Lumapit ako sa kanilang dalawa para makapagpaalam. Sumilay ang maaliwalas na ngiti sa labi ni Florrence nang makita ako.
Napatitig ako sa kanya. She seems different now. Her skin is pale, her eyes are golden red, her voice is edgy and sharp, and her stare is animalistic. All touch of innocence are gone.
"I owe you our life, Liliana. Hindi ko alam kung paano kita pasasalamatan." even the way Florrence speaks changed. Though she is smiling, she sounds wicked...or sinister.
"Don't mention it, Florrence." sabi ko na lamang sa kanya. Iniangat ko ang aking kaliwang kamay at masuyong hinaplos ang noo ni Alexandros.
Mapayapa pa ring natutulog ang sanggol sa piling ng kanyang ina. I hope he will grow into a fine man, and I hope I can meet him again, perhaps on his seventh birthday.
"Liliana." napalingon ako sa aking likuran nang marinig ang pagtawag ni Madame Henrietta.
Simula nang malaman ni Florrence ang kanyang tunay na katauhan ay napatawad na niya si Madame Henrietta sa lahat ng mga maling akala niya.