Pain.
That's the first thing that comes into my mind as I gain consciousness.
Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata para lang masilaw sa liwanag na nagmumula sa nakabukas na bintana.
Pumikit akong muli at hinintay ang aking mga mata na masanay sa liwanag ng lugar na kinaroroonan ko ngayon. Muli, sinubukan kong imulat ang aking mga mata at inilibot ang buo kong paningin sa loob ng isang magarang silid.
Where am I? Ano ang nangyari pagkatapos kong mawalan ng malay?
Pilit kong inaalala ang lahat ng mga kaganapan. I remember saying goodbye to Gaizer and disappearing through a portal. Malinaw kong naalala ang nangyari sa akin sa kagubatan, ang pagpapahirap na ginawa ng babaeng nagngangalang Savannah sa akin. Naalala ko ang mukha ni Pierre na malungkot na nakatunghay sa akin. Naalala ko rin siya...ang lalaking tinawag nilang Alpha. Naalala ko kung paano ako nakulong sa malalakas niyang bisig.
"I'm glad you're awake." napalingon ako sa boses na nagsalita.
Napansin ko ang isang may-edad na babae na nakatayo malapit sa akin, may munting ngiti sa labi niya habang pinapasadahan ako ng tingin.
Hindi lalampas sa limang pulgada ang tangkad ng babae. Maputi ang kanyang balat na napapalamutian ng iba't-ibang marka. "The drug is fading off, manunumbalik na ang iyong lakas pamaya-maya." aniya.
"W-who are you?" tanong ko sa namamalat na boses.
"Dalawang araw ka ng tulog. Medyo malala ang pinsalang natamo mo sa kaliwang bahagi ng iyong katawan." sa halip ay sagot niya.
Dalawang araw akong natulog? ulit ko sa aking isipan. Ano?! Dalawang araw?!
Akma na sana akong babangon nang naramdaman kong kinakapusan ako ng hingin sa baga. Nakaramdam ako ng matinding sakit sa aking tagiliran, fuck, sa tingin ko'y nagkalasog-lasog na ang mga buto ko!
"Hindi ka makakagalaw nang maayos sa susunod na mga linggo. You have been beaten badly, sino ang may gawa nito sa iyo?"
Sukat sa tanong niya ay tumindi ang naiis kong sigawan siya at palabasin ng silid. Sila! Ang mga walang-awa na mga taong-lobo ang may gawa nito sa akin!
Dala ng matinding bugso ng damdamin, hindi ko namalayan na nag-aalab na pala ang aking kamay. It always happen. It always does.
Wala sa sariling itinaas ko ang akinh kamay patungo sa gawi ng babae. I want to kill, I want to avenge the damages Savannah cost me.
Sasakmalin ko na sana ang babae nang mula sa kung saan ay may humawak sa aking nagliliyab na kamay.
"Stop that." sabi ng lalaking nagmamay-ari ng malalim na boses. And just like that, my hands go back to normal. Parang malamig na tubig ang boses ng lalaki na umapula sa apoy na hawak ko sa aking kamay.
"Get out, Nadya. I will call you when the need arises." pagpapaalis ng lalaki sa babaeng nasa harapan ko.
Hindi na nagsalita ang babaeng namumutla sa takot. Nagkukumahog siyang umalis sa silid na kinaroroonan namin at malakas na hinila ang pinto pasara.
"You need to rest. Your medical report is not that promising." naipikit ko ang aking mga mata dahil sa kilabot na aking naramdaman nang maljmanay siyang nagsalita mula sa aking likuran. Nakadikit ang aking likod sa kanyang katawan. Bawat salitang binibigkas niya ay may ginigising na kung ano sa aking kaibuturan.
Nangangatog ang tuhod ko maisip pa lang kung gaano kalapit ang katawan namin sa isa't-isa. My thoughts are full of him, kailangan kong magtanggal ng agiw para makapag-isip ng tama.