Mahina akong napaungol dahil sa kirot na aking naramdaman nang magkaroon ako muli ng malay. Pakiramdam ko ay parang umiikot ang mundo ko nang sinubukan kong imulat ang aking mga mata.
"Sa tingin ko'y gising na siya." narinig kong wika ng isang baritonong boses malapit sa akin. Malumanay ang kanyang tinig na para bang may bahid ng pag-a-alala roon.
"Iturok na ninyo sa kanya iyan, baka maisahan pa tayo at gamitan ng mahika." utos ng pamilyar na boses ng isang babae. If I'm not mistaken, the woman wearing an oversized tee with the letter M printed on it, is the owner of the voice.
Hindi ko magawang manlaban sa kanila, maging ang magsalita ay hindi ko rin magawa. Sobra akong nanlalambot habang nakahiga sa malamig na sahig. Tanging mahihinang ungol lang ang nagawa ko bilang protesta sa ginagawa nila. If I could only escape from here. Nagtataka ako kung bakit nanghihina pa rin ako,dapat ngayon ay nakabawi na ako ng lakas.
"Dalian mo, Beatrix! Baka gumising na 'yan nang tuluyan." impit na sigaw ng babae.
Lihim akong nagngitngit sa babaeng may-ari ng boses na iyon. Makakatikim talaga sa akin ang babaeng 'to! Mabawi ko lamang ang lakas ko'y siya ang unang-una kong paliliyabin.
Kusang sumunod ang aking katawan nang hilahin ng kung sino ang aking kamay. Hindi ko na nagawang manlaban nang maramdaman ko ang karayom na tumusok sa aking kaliwang balikat. Umungol na naman ako nang marahas ng maramdaman ko ang malalim na pagkakabaon ng karayom sa balat ko.
Fuck!
Kailangan kong labanan ang pagkahilo, hindi pwedeng mamatay na lang ako nang ganito. Hindi rin ako papayag na apihin lang ako ng mga animal na 'to. Oras na makawala ako rito'y ibabalik ko sa kanila ang lahat ng mga pinaggagawa nila sa akin. Wala akong ginagawang masama, sana'y binigyan nila ako ng pagkakataong magpaliwanag.
Really, Liliana? Pagkakataong magpaliwanag? Nagawa mo ba iyon sa sarili mong ina? Binigyan mo ba siya ng pagkakataong magpaliwanang? usig ng aking konsensya.
I'm silenced by that thought. I am still haunted by my past.
Nasa ganoon akong pag-iisip nang maramdman ko ang dalawang malalakas na kamay na humawak sa aking balikat. Marahas akong itinayo ng kung sino bago ko naramdamang napaupo na ako sa isang matigas na silya.
"Siguraduhin ninyong nakatali nang maayos ang mga kamay at paa ng mangkukulam na iyan!" utos na naman ng babae sa nilalang na may hawak sa akin. Pinilit kong iminulat ang aking mga mata, inaninag ko ang mukha ng babae.
I can clearly see her now. Fuck. I will definitely get my revenge later.
Nang matapos na nila akong igapos sa silya ay umalis na ang lalaki at isang babae palabas ng silid. Tatlo na lamang kaming natitira roon. Ako, ang babaeng matalim na nakatingin sa akin, at ang lalaki na nasa gilid ng pintuan.
"Bakit hindi pa natin siya patayin, Savannah?" tanong ng lalaki sa babaeng nasa harapan ko.
"Relax, Pierre. She's a freakin' witch, remember? Kailangan muna natin siyang pahirapan bago natin siya patayin." Nakakaloko ang ngisi ng babae nang tingnan niya ako.
Ano ngayon kung isa akong salamangkera? Anong meron sa lahi ko at ganito na lang nila ako tratuhin?
"W-who are you?" nagawa kong magtanong sa babaeng nasa harapan ko.
"Why, it won't matter anymore, woman. Mamamatay ka rin naman." her eyes are full of hatred as she looks at me. "Pierre, iabot mo sa akin ang baseball bat." utos niya sa babae.
Napatingin ako sa lalaki na nagdadalawang-isip na sundin ang utos ng babae. "Just kill her, Savannah."
"What? Are you chickening out? Common, Pierre. Marami na tayong napatay na kauri natin, anong pinagkaiba ng babaeng ito?" nakataas kilay na tanong ng babaeng tinawag ni Pierre na Savannah.
![](https://img.wattpad.com/cover/32467173-288-k422555.jpg)