Ch. 1

1.7K 56 14
                                    

Liliana

Baron, Avinia

Napatitig ako sa aking repleksyon sa harap ng malaking salamin. Iniangat ko ang aking mukha bago itinagilid iyon pakaliwa.

Malinaw kong nakikita mula sa aking repleksyon ang markang dulot ng ritwal na napagtagumpayan kong isinagawa sa Luna ng Baron.

Dinala ko ang aking mga kamay patungo sa aking leeg at dinama ang bahaging iyon.

It is a witch's mark.

Lumilitaw iyon pagkatapos mapagtagumpayan ng isang mangkukulam ang pagsasagawa ng isa sa mga ritwal na nakasaad sa matataas na mga libro ng mahika ng Catharna.

This is my second mark after fifty some years. Sa loob ng isang daan at dalawampu't-apat na taon sa mundong ibabaw, pangalawang beses ko na itong makakuha ng marka. Some witches die without any mark. Mapalad na nga ang ibang mangkukulam kung magkaroon sila kahit isang marka man lamang, and now, I gained two. Dalawang mangkukulam lamang maliban sa akin ang mayroon marka na higit sa dalawa ang bilang, ang magkambal na del Fuego.

Tiningnan kong muli ang disenyo ng markang iyon. It is an intricate design of swirls and ancient scribbling. Hindi ko maintindihan ang nakasulat doon, kakailanganin ko pang hiramin ang ilan sa mga makalumang libro mula sa aklatan ng Catharna.

Napalunok ako nang wala sa oras bago tiningnan muli ang aking mukha sa salamin. My eyes are a shade of violet, almost Lilac in color, ibang-iba sa karaniwang kulay ng mga mata.

This is my first mark. Ang regalong ipinagkaloob sa akin ng Nakakataas. What it can do and it's purpose are only known to me.

"Liliana!"

Mabilis kong inayos ang aking damit na inililis ko kanina. It is a turtleneck dress, it goes high on my neck, enough to cover my new mark in there.

"Liliana!"

Napapapalatak ako sa sunod-sunod na pagtawag ni Dianne sa pangalan ko. Mabilis akong nagtungo sa gawi ng pintuan at binuksan ang pinto bago pa man iyon masira ng babae.

"What?" I ask in a bored tone.

"Talaga bang aalis ka na ng Avinia? Ayaw mong tumira dito? Kung ayaw mo sa Baron, pwedeng-pwede ka sa Mystica." alok ng babae sa akin.

I stare at her in disbelief. Alam ba niya ang mga pinagsasabi niya?

"The last time I checked, you're not in good terms with your mate." nakaarko ang isang kilay ko sa gawi niya.

I hate this woman's guts. Noong una pa man ay naaalibadbaran na ako sa kanya, but she didn't waiver even when I kept on denying her requests. Nagbago lang ang isip ko nang kausapin ako ni Madame Jin tungkol sa totoong sitwasyon ng kaibigan niyang si Florrence.

I admit, she totally got me with her strong-willed mind. Ngunit masyado pa rin siyang maingay para sa akin.

"Gagawan ko ng paraan." patuloy na pamimilit sa akin ni Dianne. Napailing ako sa kakulitan niya.

"No."

"Kahit magmakaawa ako?"

"Kahit magbigti ka pa sa harapan ko." masungit kong sagot sa katanungan niya.

Isasara ko na sana ang pinto para maging matiwasay naman kahit papaano ang nalalabi kong oras sa Baron, ngunit mabilis na naiharang ni Dianne ang katawan niya sa maliit na siwang sa pintuan.

"Kahit si Gaizer ang kumausap sa iyo?" puno ng malisyang hirit niya. Sinamaan ko ng tingin si Dianne. Ano ba'ng problema ng babaeng ito?

"I can't stay here."

Macon: Dark Series Book 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon