Chapter 12 Babe

6.2K 43 11
                                    

"Are you sure na okey lang tumira dito si Mama"? casual na tanong ni Lindon sa akin, nanonood ako ng TV kaya hindi ko namalayan na nasa salas na din siya.

Halos kadarating lang nya. Mas maaga siyang umalis nang opisina kaya hindi ko alam kung saan pa siya nanggaling.This past few days ganun siya palagi. May tatawag munang babae bago siya magdudumaling umalis na nang opisina.

She must be very important para pag-ukulan nang pansin at panahon.

"Magkasundo kami nang Mama mo, kaya I don't think na magkaka-problema ako kung dito siya tumira" one week na ang nagdaan sinced napagkasunduan na dito muna titira sa apartment si Tita Elvira.

I don't know what she's up to pero okey na din na andito siya.

At least hindi ko kailangang magkulong sa kuwarto ko palagi.

Kahit paano may iba akong makaka-usap aside from Yaya Susan.

Pero kahit okey sa akin ang idea na dito sila. nakatira, nakapagtataka na dito nila gusto considering na may malaki silang bahay.

Samantalang dito...

Masikip at salat sa mamahaling kagamitan

Gustuhin ko mang magtanong, Mas pinili kong huwag na lang.

As long as bumabayad sila nang renta wala na akong dapat problemahin pa.

"Thank you pa din"sabi niya bago ako iniwan sa salas. Dumiretso na siya sa kusina kung saan naghihintay si Yaya Susan.

Kunwari naman busy ako sa pinapanood ko kahit na ang totoo nasa kusina ang atensyon.

Maliit lang ang apartment kaya ilang hakbang lang ang pagitan ng salas sa kusina. Dinig ko pa ang kanilang pag-uusap.

"Kamusta ang pinakamabait na yaya sa buong mundo"? narinig kong tanong niya kay Yaya Susan.

Sobrang close nila sa isa't isa kaya nagagawang biruin ni Lindon ang may edad na ding babae.

"Dyaske kang bata ka! Bakit bago ka lang"?

"Nakipag-date pa ako Yaya"!narinig ko pa ding sabi ni Lindon.

Sa narinig parang may kumurot sa puso ko.

Nakipag date pala!

Kunsabagay wala namang bago dun.

Madalas pa nga mga babae na ang sumusundo sa kanya sa opisina.

Iba't ibang babae ang nag-aagawan sa atensyon niya.

Kunsabagay hindi ko sila masisisi.

Ang masabing ka- date ni Lindon Elizalde ay isang pribileheyo.

Any woman would love to be his date.

"Mangyaring huwag kang makipag-date sa babaeng hindi mo naman gusto"!narinig kong sermon ni Yaya Susan

"Kasalanan ko bang gusto nila ako Yaya"?nagtatawa pang sabi ni Lindon

May katwiran naman siya pero nakaka-init pa din nang ulo!

Nakaka-inis na hinintay ko siyang dumating yun naman pala galing siya sa pakikipag- date.

Kunsabagay wala namang bago dun!

Dapat nga sanay na ako eh!

Eh ano naman kung nakipag- date ulit siya! Sita ko sa sarili.

Gusto kong kumbinsihin ang sarili ko na hindi ako affected!

Na kahit maka-date pa niya ang lahat nang single ladies sa mundo!

Housemates HeartmatesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon