Chapter 1 The Intruder

9.1K 36 5
                                    

** GEORGINA'S POV**

Long weekend, at kapag ganitong mahaba ang bakasyon pinipili kong umuwi muna nang Laguna.

Wala din naman kasi akong gagawin dito sa apartment. Nagpasabi din si Lin na bukas pa darating. Hindi na sana ako uuwi para magkakilala naman kami kaya lang kailangan ko ding magdala nang pera para sa gastusin nang pamilya ko.

Magbabayad pa nang tuition fee yung kapatid ko by tuesday kaya kailangang maibigay ko sa kanya ang pera. Buti na nga lang at naipadala na nang housemate ko ang two months advance at two months deposit na hiningi ko para sa bahay. Sabi nya sa text pwede ko na daw i-withdraw ang pera anytime.

Blessing in disguised na nakahanap ako agad nang housemate. Badly needed ko talaga ang pera ngayon. Enrollment kaya kailangan ko nang medyo malaking halaga.o

Ako ang panganay sa tatlong magkakapatid

Government employee si Mama sa munisipyo at magsasaka naman si Papa.

Nakita ko kung paano sila naghirap mapatapos lang ako nang kursong Business Management.

Kaya ngayong kumikita na ako nang sarili kong pera, tinutulungan ko sila ngayon sa pagpapa-aral sa mga kapatid ko.

Madalas nga sa kanila na lang napupunta ang sweldo ko.

Pero okey lang,masaya akong natutulungan ko sila.

Kaya mas pinili ko na ding magkaroon nang kahati sa renta nang apartment. Hindi na din kasi ako nakapagluluto sa umaga para sa binalot kong ulam at kanin para ibenta sa opisina, yun ang side line ko. Ngayon hindi na magiging mahirap sa akin ang magbayad nang renta. Kahit paano cover na din sa ibabayad niya yung pambayad ko sa kuryente at tubig.

Hiningan ko siya nang two months advance and two months deposit just in case na bigla siyang umalis.

Buti na lang din at mabilis siyang kausap. Ni hindi na nga sya tumawad sa 3k na share nya sa pagsama sa akin sa bahay.

Nagkaintindihan at nagka-usap kami through text. Tumatawag siya kanina kaya lang busy naman ako sa trabaho. Darating kasi dapat yung bago naming CEO pero ang usap-usapan sa opisina baka daw hindi na matuloy. Hindi daw kasi alam nang boss namin kung nasaan na ang anak na papalit sa kanya.

Balitang spoiled brat at playboy ang anak nang aming boss

Gusto daw ni Ma'am na matutunan na nang anak ang pasikot-sikot nang pagpapatakbo nang kumpanya dahil siya lang ang nag-iisang tagapagmana nang mga ari-arian nang ina.

Hindi ko pa siya nakikita

Ni hindi ko nga alam ang pangalan niya pero naiinis ako sa kanya.

He's the best example of a son na walang pakialam sa kung anong nararamdaman nang magulang.

Hindi excuse na lumaki siya sa America para bigyan niya nang alalahanin ang sarili niyang ina.

"Aba teka"! Bakit ko ba inuubos ang oras ko sa kakaisip sa lalaking yun"! saway ko sa sarili.

Naiiling na ipinagpatuloy ko na lang ang pag-eempake. Nang biglang makarinig ako nang katok sa nakapinid kong pinto.

"Sandali lang"! sigaw ko pa kung sino man ang kumakatok.

Sa labas nakatayo ang isang mid twenties na lalaki,

"Yes! what can I do for you"? tanong ko sa kanya.

"Itatanong ko lang sana kung available pa ang slot na ito"? tukoy niya sa karatula na hawak hawak niya.

"Naku Sir, pero may ookupa na nang kabilang kuwarto, tsaka kung meron man I'm looking for a lady housemate" sabi ko na lang sabay kuha sa kanya nang karatula.

Housemates HeartmatesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon