Chapter 5 My Highness

7.4K 32 7
                                    

**Georgina's Pov**

"Hey! Iniiwasan mo ba ako"? tanong ni Lindon habang hawak niya ako sa braso. Pupunta sana ako sa kusina pero nakasalubong ko na siya.

Almost one week na yata akong umiiwas sa kanya.

"Hindi"! maikli kong sagot sabay piksi sa pagkakahawak nya.

"Bakit ka ganyan"? tanong niya sa akin habang titig na titig sa akin.

"Rule No.3 Observe privacy so I guess hindi mo ako dapat tinatanong nang ganyan! may pahaging kong sabi

"Bakit hindi mo pa ako diretsahin"?

Ilang sandali akong hindi umimik, thinking kung sasabihin ko na sa kanya ang gumugulo sa isip ko.

"What"? naiinip na tanong ni Lindon

"Miyembro ka ba nang sindikato"? direktahan kong tanong. Bahagya pa nga akong pumikit para hindi ko makita ang reaction niya. Kung pwede nga lang pati takpan ang tenga ginawa ko na. Ayaw kong makita sa expression nang mukha niya na totoo nga ang sabi nang mga tambay sa labasan.

Ayaw ko ding marinig ang comformation nang katotohan mula sa mga labi niya.

Natatakot ako sa maari niyang isagot.

Isang mahabang katahimikan tsaka ko siya narinig na nagtawa. Yung pagtawa na nakakainis.

"What so funny?" iritable kong tanong

"Nakakatawa naman kasi talaga yung tanong mo eh! Who gave you the idea na miyembro ako nang sindikato"? nagtatawa pa rin niyang sabi.

"How can you explain the Nissan Patrol na ginamit mo the other night? Tsaka bakit may baril ka"?

"Wala ba sa hitsura ko na hindi kayang bumili nang ganun klaseng sasakyan"?

"Paano ka magkakaganung sasakyan eh hindi ka naman nagta-trabaho"! supla ko sa kanya.

"Well! pwede namang bigay nang matrona kong jowa!" all smile pa nyang sabi.

Sa sinabi niya bigla akong walang masabi.

Possible naman talaga yung sinabi niya.

Pero bakit ako yung naapektuhan sa sinabi niya?

In-love ako sa isang user!

Na ginagamit ang kapogian at karisma para maka-akit nang mga matatandang naghahanap nang jowa.

"Anything to ask Ms. Ledesma"? tila nanunuya niyang sabi.

"Well atleast alam ko na!" iyon lang at iniwan ko na siya sa kusina.

Hindi ako dapat nagkakaganito!

Hindi ako dapat nasasaktan at nanghihinayang.

Kung pwede nga lang pumili ang puso nang pwedeng mahalin.

Hindi ang tulad ni Lindon Elizalde ang karapat- dapat sa pag-ibig ko.

**Lindon's Pov**

"I know na nagkamali ako! Pero wala nang way para bawiin ang nasabi ko na" sabi ko habang kausap ko si Lexie sa cellphone. After naming magka-usap ni Georgina, tinawagan ko na ang pinsan.

"Mas lalong hindi ko pwedeng sabihin na anak ako ni Elvira Roxas" dapat daw sinabi ko na lang na anak ako ni Mama, the owner and president of a multi-national company of a beauty products all over the world. Madali sanang sabihin pero ayaw kong mahalin ako nang isang babae dahil sa yaman na mamanahin ko at hindi sa pagkatao ko.

I'm looking for a perfect partner at hindi makakatulong na alam niya ang tunay kong pagkatao.

Georgina is a possible wife material.

Housemates HeartmatesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon