Epilogue

2K 56 4
                                    

"Iyak siya ng iyak" sabi ko kay Lindon na bagong dating galing opisina. Nadatnan niya kasi ako na halos umiiyak na din dahil hindi ko mapatahan si Marcus.

"Okey, take a break muna Mommy at ako na muna ang bahala kay Marcus" he said with a sweet smile on his face. Everyday kahit alam kong pagod siya he always find time para sa aming mag-ina.

When Marcus came into our lives mas naging masaya at makulay ang aming pagsasama.

Tama nga pala sila, iba yung fullfillment na naibibigay kapag kasama mo yung mga mahal mo sa buhay.

When I gave birth to Marcus two months ago, pakiramdam ko mas naging buo ang pagkatao ko.

Mas naging makabuluhan ang buhay ko.

Mas naging secure ako na kahit anong mangyari, hindi kami iiwan ni Lindon.

Ganun pala yun, kapag nagkaroon ka na nang sarili mong pamilya. Kasama na doon ang pagbabago nang mundo mo.

Noon feeling ko si Lindon lang ang kaligayahan ko, Hindi pala kasi dalawa na sila.

"Iiyak na din si Mommy kasi iyak ka nang iyak" sabi ni Lindon sa two months old pa lang naming anak, habang ipinagsasayaw ito.

"Ang hirap kaya, nakakataranta! Dami ko pa kailangang tapusin, ipagluluto pa kita"! Hindi ko alam kung paano ko sinabi pero nakita ko na nagbago ang expression nang asawa ko.

"Napapagod ka na sa amin"? kapagdakay tanong nang asawa ko.

"I'm not'! tanggi ko naman, kung alam lang niya yung fullfiilment ko kapag matagumpay kong natatapos ang araw sa pagsisilbi ko sa kanila.

Pero hindi siya naging kumbinsido sa naging sagot ko, hindi kasi siya umiimik.

"Hindi ako magsasawang alagaan at pagsilbihan kayo"! sabi ko sabay yakap sa likod niya habang sinasayaw si Marcus, para tuloy nagsasayaw na rin kami.

"Talaga"?

"Talagang talaga"? natatawa kong sabi.

"Hindi ka magsasawa"? tila naglalambing niyang tanong

"HInding-hindi"! sabi ko naman

"Kahit na pumuti na ang mga buhok natin, Ako pa din ang mamahalin mo?" tanong pa din niya

"Kahit na ayaw mo na sa akin, ipipilit ko pa din ang sarili ko sa'yo" seryoso kong sabi, minsan kasi kahit na secure ako with his love, hindi pa din nawawala sa akin yung takot na hatid nang kahapon.

"It won't happen Mommy, god knows how much I love you"!! he said, this time sumasayaw pa din kami. Tumigil na din si Marcus sa pag-iyak.

"Paano kung may dumating na tukso, paano kung bumalik si Melissa"?

"Melissa?Parte na lang siya nang kahapon ko"

"Pero nagpunta siya sa apartment noon, tumatawag pa siya sa cellphone mo"!

"Ha"? this time nakaharap na siya sa akin habang isinasayaw pa din si Marcus,

"Maang-maangan ka pa jan! Ilang beses kayong nagkita di ba"?

"Nang pumunta si Melissa sa Canada noon, kasabay na nun na kalimutan yung feelings ko noon, when she came back nagkkita kami at times pero magkaibigan na lang kami. Hindi ko alam kung bakit mo sinasabing pinuntahan niya ako sa apartment at opisina noon eh Almost 2 years na siyang nasa America," mukha naman siyang nagsasabi nang totoo kaya mas lalo akong naguluhan.

"Eh sino yung pumunta sa opisina, yung tumawag sa cp mo, yung nagpunta sa apartment"?

Sunod-sunod kong tanong pero wala akong nakuhang sagot. Kaya mas lalo akong kinabahan. Pero hihintayin kong mag-explain siya kung meron man siyang dapat ipaliwanag.

Housemates HeartmatesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon