Chapter 9 Jealous Lindon

6.7K 34 5
                                    

Chapter 9

**George Pov**

Naabutan kong nasa salas si Lindon. Pero kunwari hindi ko siya napapansin.

"Kumain ka na"? tanong niya pero dire-diretso lang ako. Kunwari hindi ko siya nadinig. Nagpatuloy lang ako sa pag-akyat nang hagdan.

"Iniiwasan mo nga ako" sumunod pala siya sa may hagdan at ngayo'y hawak na niya ako sa kamay.

"Look! Wala tayong pakialaman sa buhay nang isa't isa huwag mo sanang kalimutan yun" insist ko sa kanya.

"Alam ko! Pero huwag naman sanang ganito. Mag housemate tayo Georgina, hindi ako figurine lang dito sa bahay na'to" sabi naman niya.

"Wala naman kasing dapat pag-usapan, at tsaka isa pa, maghapon ako sa trabaho, normal lang siguro na magpahinga na ako pagdating ko nang bahay"

"Sabayan mo akong kumain, nagluto si Yaya Susan" kapag daka'y sabi niya.

"I' m sorry, pero may date ako" nasabi ko pa

Nakita kong kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko.

"Date? Akala ko ba pagod ka"?

"Mamaya pa naman yun, I still have time to rest" iyon lang at inalis ko na ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

Nakahinga lang ako nang maluwag nang mapag-isa na ako sa kuwarto.

Anong gagawin ko ngayon?

Wala naman kasi talaga akong date with someone. Pero dahil nasabi ko na, kailangan ko nang panindigan.

I browse my contacts para maghanap nang pwede kong mahila sa Date na sinabi ko kay Lindon.

"Sino kaya sa kanila"? naitanong ko sa sarili.

Si Jarwin kaya?

Okey naman siya pero mayabang

Si Michael?

Para namang bakla

Si Joseph?

Pwede! kaya lang baka may date siya with his girlfriend. Close ako sa kanya, kaya walang malisya kung siya yung yayain ko.

Ilang sandali pa, kausap ko na si Joseph sa cellphone.

"Sige na please, kasubuan na'to" paki-usap ko kay Joseph.

"Bakit ba kasi bigla-bigla kang nagyayaya nang date"? natatatawang sabi ni Joseph.

"I won't take no for an answer, sunduin mo ako nang 7:30" iyon lang at ibinaba ko na ang cellphone ko. Ayaw ko nang bigyan pa siya nang pagkakataon na huminde. Nag-ayos na din ako nang sarili para sa nasabing Date.

**Lindon's Pov**

"May Date daw"! pabulong na sabi ko sa sarili.

Eh ano naman sa akin kung may Date siya!

Akala nya yata apektado ako!

Pero bakit ako naiinis?

Sayang lang ang effort ko.

Nagpaluto pa man din ako kay Yaya Susan nang hapunan namin ni Georgina bago siya umuwi nang Mansion pero wala yatang kakain.

Thinking na magkaka-ayos kami over dinner.

But I guess hindi na mangyayari yun

Ayaw niya akong sabayan

Nawalan na din ako nang ganang kumain

Hindi ako dapat apektado, pero bakit naiinis ako knowing na may Date siya?

Para hindi maisip ang inis, pinili kong magpatugtog nang malakas. At malakas ko pang sinabayan ang usong kanta ngayon.

Housemates HeartmatesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon