Chapter 22 DREAM HOUSE

2.9K 47 5
                                    

"Merry Christmas Mrs. Elizalde"! nakangiting sabi ni Lindon. This is our first christmas together. Till now hindi pa din ako makapaniwala na asawa ko na siya.

Ikinasal kami at sumumpa sa harap nang altar, two weeks ago. After nang pamanhikan, minadali na ang proseso nang kasalan. And first time sa history nang bayan namin na ginanap ang reception sa plaza. Imbitado na yata lahat nang tao sa bayan namin. Gusto ni Mama Elvira na maging grande ang kasalan kaya wala kaming naging choice kundi ang sumunod.

Gusto ko sana nang simpleng kasalan lang pero gusto nila nang festive na kasalan.

Minsan lang daw ako ikakasal kaya gusto nilang ibigay sa akin yung nararapat na kasal para sa akin.

Kunsabagay, hindi naging mahirap para sa kanila na gawing posible ang lahat dahil madami naman silang pera.

Sabi nga nang mga kababayan ko,

Ang swerte ko daw kasi instant yaman ako.

Akala pa yata nang ilan pera lang ang habol ko sa lalaking ito.

Kung alam lang nila kung gaano ko kamahal ang lalaking ito.

At kung alam lang nila kung gaano ko pinaglalabanan ang takot na isang araw mawala siya sa akin,

Baka dumating yung araw na maawa sila sa akin.

"Merry Christmas" nasabi ko na lang, tsaka ko siya bahagyang hinalikan sa pisngi. Till now nahihiya pa din ako sa kanya. Pero this time punong-puno nang anticipation ang puso ko. Gusto kong makita ang reaction niya kapag nakita niya kung ano yung regalo ko.

"Pasensya ka na, yan lang ang kaya kong ibigay sa'yo" nahihiya kong sabi sabay abot sa kanya nang isang maliit na regalo.

"Ang liit ah," he said, bago dali-daling binuksan ang regalo. Sinadya kong damihan ang tape niyon para hindi maging madali sa kanya ang pagbubukas.

Ewan ko ba, pero feeling ko mas kinakabahan pa ako sa kanya. Hindi ko kasi alam kung paano niya tatanggapin ang regalo ko.

Malay ko ba kung ayaw pa niya nun.

Malay ko ba kung hindi pa siya ready!

"Wow"! iyon ang naging reaction niya nung makita ang regalo ko.

"You like it"? tanong ko pa, ,masaya akong makita na masaya siya sa regalo.

"Priceless! Thank you"!! and then he kiss me on my lips, nagulat ako pero hindi ako nagpahalata. Dapat nga sinasanay ko na ang sarili ko sa presence nya.

Sa mga yakap at halik nya.

I'm his wife now, kaya normal lang na sanayin ko ang sarili ko.

**LINDON'S POV**

I'm holding my tears to fall, eto na yata ang pinakamagandang regalo na natanggap ko sa buong buhay ko. Hindi kayang tumbasan nang kahit na anong yaman ang regalong ito.

Kahit kelan hindi ko ituturing na pagkakamali ang nangyari sa amin ni George, somehow naisip ko lahat nang nangyari ay ayon sa plano ni God para sa aming mag-asawa.

Yung pagrerebelde ko kay Mama kasi feeling ko noon siya na ang nagmamaniobra nang buhay ko.

Yung tumira ako sa apartment niya at naging housemate kami

Nang maramdaman kong mahal ko siya,

Sure ako na iyon ang kwento namin ni George na isinulat ni GOD mismo,

Dahil ngayon wala na akong mahihiling pa sa buhay ko.

"Hindi ka nagsisisi?"

"What we had is priceless, regardless kung paano at bakit nangyari" this time hawak ko na si George sa magkabilang pisngi.

Housemates HeartmatesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon