Chapter 3 House Rules

7.9K 40 5
                                    

Chapter 3

**Georgina's Pov**

"Oh my! Anong nangyari sa bahay"? napalakas kong sabi nang makitang nagkalat ang mga gamit sa kusina.

Ang mga baso, ang pitchel at lahat nang kubyertos na ginamit nila nung mga nakaraang araw naiwan na hindi nahuhugasan.

Asan ba si Lin at nang masabihan?

Ayaw ko pa man din nang magulo sa bahay!

Kapag hindi sila magbabagong mag-asawa sa style nila. Hindi akong mangingiming paalisin sila nang bahay. Mas gugustuhin ko pa nang walang kahati sa renta kaysa naman maging katulong nilang mag-asawa.

May pasok ako sa opisina today pero mukhang kailangan ko munang linisin ang bahay.Buti na lang maaga akong nagising.

Kung pwede nga lang katukin ko na ang kabilang kuwarto para sabihan sila pero naisip kong baka maka-istorbo naman ako sa moment nila.

Naiinis man, wala akong nagawa kundi ang maglinis nang bahay. Hinugasan ko muna ang mga hugasin sa lababo tsaka ko nilinis ang buong kusina.

"Hmpp! balat lang nang noodles hindi pa magawang itapon.

Nang bigla akong matigilan.

Ako nga pala ang ipinagluto niya nang noodles kagabi. Kahit na matabang yung sabaw okey na rin at least nag-effort siya.

Pero ang hindi nagpatulog sa akin at paulit-ulit na bumabalik sa utak ko hanggang ngayon eh nung sabihin niyang maganda ako! Madami nang nagsabi sa akin na maganda ako pero

Bakit iba sa pakiramdam nung sya ang nagsabi?

Parang kinikilig ako!

"Ano ka ba Georgina! Sabi na ngang taken na siya"! saway ko sa sarili nang pabulong.

Nang matapos ang kusina, yung salas naman ang nilinis ko. Although wala na yung mga bote nang alak, makalat pa din.

Ginawa pa yatang malaking ashtray ang bahay.

Haays! Kapag ganito kailangan ko nga yatang gumawa nang rules. Para hindi palaging ganito.

Housemate ang kailangan ko at hindi Employer!

Sa nangyayari kasi para akong namasukan bilang katulong sa kanila.

"Haays"! Pabagsak kong inilapat ang napagod kong katawan sa sofa nang matapos ako sa paglilinis. Nakakapagod maglinis nang mabilisan. Bahagya kong ipinikit ang mga mata para makarelax muna bago maligo. S sobrang dami nang pawis na lumabas sa akin today baka mapasma pa ako kapag naligo ako agad.

"Good morning"! narinig kong bati nang isang lalaki.

And I knew it was him!

Oh my! Ang gwapo pa rin niya kahit bagong gising!

"Good morning"! nasabi ko na lang. This time nakabangon na ako sa pagkakahiga.

"Pasensya na sa kalat ko ha"! hinging paumanin niya.

"Ko"? so it means siya lang mag-isa ang magiging housemate ko?

"Asan si Lin"? kapag dakay nakuha kong itanong.

"That's the reason why we need to talk"! he seriously said

"Ha"? maiksi kong sabi, naguguluhan na kasi talaga ako.

"Look! I think nagkaroon tayo nang misunderstanding regarding sa gender natin. I thought na lalaki ang magiging housemate ko because you said that your name is George"!

"Short for Georgina"! nasabi ko na lang

"And I'm Lin, short for Lindon"! pakilala na niya sa sarili.

Housemates HeartmatesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon