Chapter 18 I Love You Finally

5K 48 26
                                    

**'GEORGE'S POV**

"Iniiwasan mo ba ako"? kunot ang noong tanong ni Lindon nang makasalubong siya sa dining area.

"Hindi" pormal kong sabi habang patuloy sa paglakad papuntang banyo.

"Bakit ganyan ka na naman sa akin? May nagawa ba ako na hindi mo nagustuhan"?y

"Wala"!

"Eh bakit ganyan ka"? tanong niya ulit pero hindi ko pa din siya nililingon. Sumunod pala siya sa akin hanggang sa harap nang pinto nang banyo.

"What"? iritado ko pa ding tanong. Ewan ko ba pero pagkatapos kong malaman na bumalik na uli si Melissa bigla na lang akong nainis sa kanya.

Or should I say na mas naiinis ako sa sarili ko.

Magtatapat na sana ako nung gabing yun pero naunahan ako nang pagtawag ni Melissa.

Kung nagtapat kaya ako agad?

Boyfriend ko na kaya siya?

Hindi na kaya niya ieentertain si Melissa?

Nang maalalang si Melissa yung first loved niya, lalo akong napa-isip!

"Anong laban mo sa Melissang yun eh siya yung first love"?

"Bakit ang sungit mo"?

"None of your business"!

"May monthly period ka siguro"! tila nang-iinis pa niyang sabi. Kaya lalo akong nainis.

"HUwag ka ngang bastos"! iritado ko pa ding sabi.

"Nagtanong lang ako bastos na agad"!

"Look Mr. Elizalde, may trabaho pa ako"! aktong hahawakan ko na ang door knob pero napigilan niya ang kamay ko.

"Kasabay kitang papasok, no need to hurry"! sabi pa niya.

"Empleyado mo lang ako! Hindi mo sagot kapag na-late ako sa oras nang trabaho!"

"Ako ang kaka-usap kay Mrs. Javier"!

"Please Mr. Elizalde, hayaan mo na lang muna ako"! sabi ko tsaka lang niya binitawan ang kamay ko.

Nang nasa loob na ako nang banyo tsaka ko pinakawalan ang luhang kanina pa gustong pumatak.

Ayaw ko nang nararamdaman ko, pero that's the least thing na pwede kong gawin para kahit paano maibsan yung sakit na nararamdaman ko.

I love him so much!

Sabihin mo na sa kanyang mahal mo siya bago pa mahuli ang lahat!! paulit-ulit na bumabalik sa isip ko yung sinabi ni Marie nung huli kaming magka-usap.

Too late!!

Kung kelan ready na ako! Tsaka naman lalo akong nawalan nang chance para ilaban siya.

Pero sino nga ba ang dapat sisihin?

Nasasaktan ako, pero tulad nang dati wala akong magawa kundi tanggapin ang sitwasyon.

Hindi ko kasi siya inilaban!!!

**LINDON'S POV**

"Hindi ko na siya maintindihan pare! Bigla bigla na lang nagsusungit"! sumbong ko kay Justin. Instead na pumasok ako sa opisina, si Justin ang pinuntahan ko.

"Sabi ko naman sa'yo pare di ba! Hindi enough yung ganyang set-up! Kailangan pa din nang babae ang assurance galing sa ating mga lalake" naiiling na sabi ni Justin.

Housemates HeartmatesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon