Kabanata 3
Ready
Simula nang umuwi si Kuya Callix sa kanila ay hindi pa rin niya kinakalimutang tawagan o kaya ay kamustahin kami. Kinakamusta rin namin ang kalagayan ng Tito Harold.
Linggo ngayon at magsisimba kaming lahat mamaya. At bukas rin first day of the school na. Sa wakas! Makakapagbasa na ulit ako. Almost 2 months kong di nakasama yung mga libro.
"Hailey" tawag sakin ni Mommy at kumakatok sa pintuan ng kwarto ko habang ako naman ay nagtatali ng sintas ng sapatos.
"Yes po?" Sabi ko at nagmadali sa pagsisintas.
"Make it fast! Naghihintay na ang Daddy mo pati si Hezekiah sa baba" aniya.
"Opo. Patapos na" sabi ko at tumayo na para kunin yung maliit na shoulder bag ko at bumaba na.
"Ate ang tagal mo" reklamo kaagad ni Hezekiah sakin nang makababa ako.
"Sorry Hez. Next time bibilisan na ni Ate, okay?" Sabi ko sabay ngiti sa kanya.
"Sure?" Paninigurado niya.
"Sure" sabi ko at ginulo ang buhok niya.
"Let's go!" Ani Daddy sabay sakay sa kotse at sumunod naman kami.
Nang makarating kami ay naguumpisa na ang misa. Naghanap kami ng bakanteng upuan doon sa gilid. Tahimik lang kaming umupo.
"Grr!" Mahinang sambit ni Hezekiah.
Napalingon ako sa kanya. Kumunot ang noo ko. "What's going on?"
"Ikaw kasi e"
Aba! Sinisi pa ako!
"Bakit ako?!"
"Kung hindi ka sana matagal kumilos, naumpisahan na natin to" sabay pout niya. Cute.
"I'm sorry. Medyo nalate ako ng gising e" paliwanag ko.
"Hez, Hails. Stop it. Nasa loob tayo ng simbahan" saway ni Mommy.
"I'm sorry, Mom" I apologized.
"Sorry" ani Hezekiah sabay pout.
"Alright" ani Mommy.
Nang matapos ang misa ay tumambay muna kami sa may park malapit sa simbahan.
"Let's eat na, Daddy" ani Hezekiah sabay kalabit kay Daddy.
"Where do you want to eat?" Tanong niya.
"Hmm, anywhere po" sagot ni Hezekiah sabay upo sa bench.
"How about the two of you?" Tanong muli ni Daddy saming dalawa ni Mommy.
Nagkatinginan kami ni Mommy at sabay sinabing "Kahit saan na lang din" sabay tawa. Ganun din si Daddy at Hez.
"Anong oras na?" Tanong sakin ni Mommy. Agad anong napatingin sa relo ko.
"12:10 po" sagot ko
"Hon, tara lunch na tayo" aya ni Mommy kay Daddy na busy sa pag-aayos ng buhok ni Hezekiah.
"Tara" agad na sagot ni Daddy.
Nagtungo kami sa isang restaurant na malapit lang din dito. Medyo marami-rami ang tao dahil Linggo. Pumwesto kami doon sa may pinakagilid. Umorder na rin si Mommy.
Maya-maya ay dumating na yung pagkain namin.
Nang matapos ay tumambay ulit kami sa park. Buti na lang ay hindi maaraw ngayon. Bumili rin kami ng dirty ice cream tapos nag-ikot ikot kami sa park.
BINABASA MO ANG
Into You (Madrigal Cousins Series 1)
RomansaNerd. Weird. A nobody. That's Hailey Morgiana Madrigal we're talking about. She always gets bullied. But despite her weird personality, she's smart and maraming nagkakandarapa sa kanya. Mahirap siyang manipulahin. Mapaikot. But then this notorious b...