Kabanata 29
Can I Court You
Nandito kaming dalawa ni Abby ngayon sa bleachers at naghihintay na lang na magsimula na ang laban. Intramurals na ngayon kaya naman ay nagkalat ang mga estudyante. Pinayagan din kaming magcivilian na lang dahil intrams naman.
Gusto kong umalis na dito dahil siksikan at ang init. Kaso gusto ko din manood ng laban ni Zane.
"Abby, huwag na tayo dito" maktol ko sa kanya habang niyuyugyog ko siya.
Hindi niya ako nilingon. Panay lamang ang lingon niya sa buong court. "Ano ka ba Hailey? Ang kj mo ah?" Iritang sabi niya.
"Eh ano naman kasing gagawin natin dito?" Umirap ako.
"Naghahanap ako ng pogi. Kung gusto mo ikaw din" aniya saka tumawa.
Hinampas ko yung balikat niya. "Ewan ko sayo! Puro ka pogi!"
"Nako! Palibhasa may Zane na kaya ayaw maghanap ng bagong gwapo" siya naman ang umirap ngayon.
Naikwento ko na sa kanya ang lahat ng nangyari. Simula doon sa nagsuntukan sina Jacob at Zane. Nalaman na rin niyang may gusto sakin si Jacob. Hanggang sa kagustuhang manligaw ni Zane. Nung una ay nagalit talaga siya. Pero sa huli ay pumayag na rin naman. Ngayon daw iintindihin muna niya ako dahil inlove daw ako.
"Hindi naman ganun e. Ang init naman kasi dito" reklamo ko.
"Dito na nga muna tayo. Papanoodin natin yung laban ni loverboy" aniya saka humagikgik.
Ngumuso ako saka umirap.
Natigilan kaming pareho nang lumabas na ang team nina Zane. They're wearing royal blue jersey. Nagtilian ang mga girls sa paglabas nila. May mga banner silang dala na sinisigaw ang team ng school namin. Tinignan kong maigi ang bawat isa sa mga players ng school namin. Kumunot ang noo ko nang makita na wala siya doon.
Where the hell is he?
"Nasaan si Zane?" Tanong sakin ni Abby.
Nagkibit balikat ako. "Hindi ko din alam"
"Nasaan yung captain ball nila?"
"Bakit wala si Zane? Diba siya yung pinakamagaling doon?"
"Hindi ako manonood pag wala si Fontanillo"
Narinig ko ang kwentuhan ng katabi namin dito. Well, ganyan talaga siguro kapag nasanay kang nasa laban yung tao.
Tumingin ulit ako sa court. Saka ko nakita si Zane na patakbong pumunta sa mga kateam niya. Nakipagfist bump siya sa kanila.
"Ayun na si Zane!"
"Oh my God! Buti na lang di pa ko umalis"
Mas umingay ang buong court dahil sa tilian nila. Itinaas nila ang kani-kanilang mga banner. Mayroong pangteam, mayroon din namang pang-isahan lang. Tinignan ko ang mga banner. Halos karamihan ay sinisigaw noon ay ang pangalan ni Zane.
"Hailey, tinalo ka ng mga fans ni Zane oh!" Bulong ni Abby sakin sabay turo sa mga banner.
Tipid akong ngumiti. Hindi pa nagsisimula ang laban, ganito na agad ang bungad.
Muli kong tinignan si Zane at bumilis ang tibok ng puso ko nang makita siyang nakatingin na sakin. Seryoso lang siya at hindi man lang nakangiti. What's with the face, Zane?
Tinawag na ang kalaban nila na taga-ibang school. Syempre may nagcheer din. Pinapasok din nila ang mga taga ibang school para manood ng laban.
Sa unang game ay wala si Zane. Nakita ko lang siya nakaupo doon kasama ang ilang players. Nakatalikod siya sakin. Napakurap ako nang bigla siyang lumingon sa side ko.
BINABASA MO ANG
Into You (Madrigal Cousins Series 1)
RomanceNerd. Weird. A nobody. That's Hailey Morgiana Madrigal we're talking about. She always gets bullied. But despite her weird personality, she's smart and maraming nagkakandarapa sa kanya. Mahirap siyang manipulahin. Mapaikot. But then this notorious b...