Kabanata 42

2.1K 41 7
                                    

Kabanata 42

Dapat Ako Lang

Pagdilat ko ng mga mata ko ay iginala ko ang paningin ko sa buong kwarto. Naramdaman kong gumalaw nang bahagya ang brasong nakayakap sa tiyan ko. Unti-unti akong pumihit para harapin siya. He's still asleep. Ang amo ng mukha niya habang natutulog. Bigla akong napatingin sa labi niya. That's mine. Ako lang ang pupwedeng humalik sa labi niya.

Bumaba ang tingin ko sa nakabalandara niyang katawan sakin. Yung dibdib niyang matigas at ang abs niyang nagsspark kahit walang pawis.

Ang kumot ay hanggang baywang lang niya samantalang sakin ay nasa taas ng dibdib ko.

Ngumuso ako habang tinititigan siya. Sa limang taon na yun, mahal ko pa din siya. Sa limang taon na nagdaan, bibigay pa din pala ako.

I can't believe that we did that again. Five years, alright? Tapos magagawa agad namin ito kahit ngayon lang ulit kami nagkita?

Kinagat ko ang labi ko saka ulit siya tinitigan. Although mahal pa din kita, iiwasan kita. Hindi dahil ayoko na kundi dahil nirerespeto ko ang estado mo sa buhay ngayon. Pipilitin kong tanggapin kung may iba ka na.

Tears fell from my eyes. Sabi ko galit ako e. Sabi ko kakalimutan kita. Pero isang tingin mo lang, natutunaw na agad ako.

Tumingala ako sa mukha niya saka lumapit at dinampian ng halik ang labi niya. I need to stay away from you. Kahit gustong gusto na kitang makasama. Kahit mahal pa kita.

Dahan-dahan akong bumangon upang hindi siya magising. Pinulot ko ang mga damit ko saka madaling isinuot. Napatingin ako sa orasan at nakitang alas dos na ng hapon. Hindi pa kami kumakain.

Huminga ako ng malalim saka ulit siya nilingon. Paniguradong nagugutom na rin siya kaya mabuting ipagluto ko muna siya bago ako umalis.

Dumiretso ako sa kusina saka naghanap ng pwedeng lutuin. Binuksan ko ang ref at halos wala nang pagkain doon bukod sa bacon kaya ayun na lang ang niluto ko. Ayoko namang bumili pa ng iba dahil baka maabutan pa niya akong nandito.

Mabilisan lang ang ginawa ko. Nilagyan ko ng pagkain ang plato saka tinakpan. Kumuha rin ako ng sticky note saka dinikit sa ref niya.

May pagkain na diyan. Kumain ka na.

Hindi ko na ipinakilala ang sarili ko dahil malalaman rin naman niya iyon. Hindi na din ako kumain ng niluto ko. Sa labas na lang siguro ako kakain.

Kinuha ko ang gamit ko saka ulit umupo sa tabi niya. Yumuko ako saka hinalikan ang noo niya.

Lumabas ako ng apartment niya saka pumara ng taxi. I decided na hindi na ako papasok dahil sigurado akong patapos na rin ang meeting nila. Tsaka may papalit naman sakin kung sakali.

Umuwi ako sa bahay at doon na lang kumain. Nagkulong lang ako sa kwarto buong magdamag.

Biglang sumagi sa isip ko kung bakit nandoon si Zane. So, doon siya nagtatrabaho bilang general manager? Ibig sabihin iisa lang pala ang pinagtatrabahuhan namin? Pero sa tatlong buwan ko doon, ni hindi ko man lang nakita ang anino niya.

Kinabukasan ay maaga akong pumasok para maabutan si Sir Fabregas. Gusto ko lang magsorry dahil wala ako sa meeting kung kailan kailangan ako. Nakita kong ngumiti siya at sinabing okay lang dahil nandyan naman si Kendall.

Naging busy ulit ako sa sandamakmak na gawain. Minsan ay tatawag si sir sakin para ibili siya ng kung ano o kaya ipaabot yung gawa niya.

May mini office area para saming mga secretary. Doon lang ako naghihintay na tawagin para utusan. Minsan naman ay tutunganga lang ako pag walang ginagawa.

Into You (Madrigal Cousins Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon