Kabanata 36

1.8K 37 0
                                    

Kabanata 36

Passport

"Oy babaita! Tagal mong nawala ah? Anong nangyari?" Ani Abby habang kaharap at kausap ko sa Skype.

"Pasensya na. Naging busy ako sa trabaho" sabi ko habang nakadapa sa kama ko.

"Nako! Iba na talaga ang maunlad" aniya saka tumawa.

"Makaunlad ka naman" sabay tawa ko din.

"Oh siya! Kamusta? Ilang linggo kang hindi tumawag ah?" Aniya habang nagsusuot ng hikaw.

"Eh, ayun nga. Busy sa trabaho. Ikaw? Saan ang punta mo ngayon?" Tanong ko habang nakatunganga sa kanya.

"May pasok ako ngayon. Maaga pa naman kaya naisipan kong tumawag sayo through Skype" aniya at nagsusuklay naman ngayon.

Limang taon na akong nandito sa ibang bansa. Dito na ako nagcollege at dito na rin ako nakahanap ng trabaho. Paminsan-minsan ay naguusap din kami nina Mommy sa Skype. Limang taon na rin akong wala doon. Limang taon na akong walang balita sa nangyayari sa Pilipinas.

"Ganoon ba? Hindi ka ba malate niyan?" Tanong ko.

Natapos na siya sa pagaayos ng kanyang sarili. "Hindi naman. By the way, kelan mo ba ako balak dalhin diyan? Nakakatampo ka na ah?" Sabay pout niya.

Tumawa ako sa ekspresyon niya. "Pacute ka masyado. Maghintay ka na lang. Huwag atat"

"Eh kelan mo balak umuwi dito? Marami ka nang hindi nalalaman" aniya.

"Hindi ko pa alam. Kailangan ko pang tapusin yung kontrata ko dito bago ako umuwi diyan" sabi ko.

"Ano ba naman yan! Basta pag uwi mo dalhan mo ko ng pasalubong ah?" Biro niya.

"Oo naman. Ikaw pa ba?" Saka ako humalakhak.

"Sige. Papasok na ako. Ingat ka dyan! Ciao!" Saka niya pinatay ang tawag.

Gumulong ako sa kama at hinayaan ang laptop ko doon. I missed Philippines. Minsan lang ako makarinig ng nangyayari doon dahil nga sa sobrang busy ko sa trabaho. Sawa na ako dito sa US. Iba pa rin talaga kapag nasa sarili kang bayan. Dahil kapag nandito ako, parang may kulang sakin na hindi ko naman maipaliwanag.

Wala na rin akong balita sa kung ano na ang nangyari kay Zane. I still love him. Nung nagcollege ako sinubukan ko siyang kalimutan pero hindi ko kinaya. Sabi nga nila, huwag mong pilitin ang isang bagay na hindi mo kaya. Masasayang lang yung effort mo.

Walang araw na hindi ko siya naiisip. Walang gabi na hindi ko siya naaalala. I wonder what is happening to him gayong limang taon na ang lumipas. Naisip ko kung ano ba ang trabaho niya. Naisip ko kung may girlfriend na ba siya.

Sumakit ang dibdib ko sa pagiisip kong iyon. Paano kung may girlfriend na nga siya?

Umiling ulit ako. Dapat matanggap ko yun. Dapat tanggapin ko na may mahal na siyang iba.

Hindi ko tinatanong si Abby tungkol kay Zane dahil natatakot ako na malaman kung ano ang estado niya ngayon sa buhay. Hindi din naman niya binabanggit kaya mabuti na rin yun. Kahit sina Mommy ay hindi ko na tinatanong. Nalaman na rin nila ang nangyari samin ni Zane after ng graduation ko. Sinabi pala ni Kuya Callix. Nung nalaman nila yun ay hindi naman sila nagalit. Aniya'y parte lang daw iyon ng pagmamahal. Kaya ang ginawa nila, niyaya nila akong magbakasyon sa Tagaytay for three days.

"Oh ano? Gugulong ka na lang ba dyan sa kama?"

Natigil ako at tumingin sa kung sino man ang pumasok sa kwarto ko.

"Eh, m-masakit lang puson ko" I lied.

Binato niya sakin yung throw pillow na malapit sa kanya. "Masakit puson?! Eh last week ka lang nagkaroon. Huwag mo nga akong niloloko. Ang sabihin mo namimiss mo lang si Zane" aniya.

Into You (Madrigal Cousins Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon