Kabanata 31
Huwag Mo Akong Iwan
Kinabukasan ay naging busy na ako dahil sa mga kinakailangang ipasang requirements namin para sa nalalapit na graduation. Pinilit ko pang pumasok kahit na masakit pa ang buong katawan ko. Siguro dala na rin ito ng alak at pagod kagabi. Buti na lang ay maaga akong hinatid ni Zane sa bahay at saktong tulog pa sina Mommy kaya naman ay hindi ako napagalitan.
"Ang haggard mo ata ngayon?" Ani Keisha sa gilid ko.
Nilingon ko siyang kunot noo. Napahawak ako sa mukha ko saglit. "Bakit?"
"Nevermind. Ano nga palang nangyari sa victory party kagabi?" Tanong niya saka ako tinignang mabuti.
Nag-iwas agad ako ng tingin dahil natatakot ako na baka mahalata niya ang kaba ko.
"U-uh, ayun masaya naman" tipid akong ngumiti saka bumaling sa inaayos kong requirements.
"Huh? Yun lang? Masaya? Magkwento ka naman" sabay kalabit niya sakin.
"Keisha, ayusin mo na muna requirements mo" pag-iiba ko.
"Kj mo ah? Baka naman may milagrong naganap?" Aniya saka tumawa.
Kumabog agad ang dibdib ko. Fuck! Pakiramdam ko may alam siya.
"A-ano ka ba Keisha..." Mahina kong sambit.
"Just kiddin'. By the way, where's Zane?" Aniya sabay lingon sa paligid.
"Uh, I don't know. Baka di na yun papasok" kibit balikat ko.
Di ko din alam dahil tahimik lang niya akong hinatid sa bahay. Ni hindi nga siya umiimik e. Ewan ko ba kung bakit ganun yun. Baka pagod lang.
Bigla akong nakapansin ng bago kay Zane. Hindi na niya ako masyadong tinitext or tinatawagan. Ako pa mismo ang mauuna dahil kung hindi ay walang mangyayari. Kapag kinakausap ko siya sa phone ay parang ang lamya-lamya niya. Ilang araw na siyang ganito kaya nangangamba ako.
"Zane okay ka lang ba talaga?" Tanong ko sa kanya nang tawagan ko siya isang araw.
"Oo naman. Bakit hindi?" Walang emosyong sagot niya.
Yan lagi ang laman ng usapan namin. Nakikita ko siya sa school minsan laging may kausap sa telepono. Hindi ko alam kung may bago ba siyang pinopormahan.
Minsan na lang din kami magkasabay kumain at umuwi. Just because we're both busy. Naiintindihan ko naman yun. Minsan na lang din kami magkita dahil iba na ang inaasikaso ko sa ginagawa niya dahil yung requirements ay nakabase sa kukunin naming course.
Hanggang sa dumating na nga yung araw na sobrang cold na niya sakin. Hindi na talaga siya nagtititext at tumatawag. Minsan natutulala na lang ako sa pagiisip ng ganitong bagay.
Sa sumunod na araw ay excited ako dahil finally, magkikita na ulit kami ni Zane. Nabawasan na ang mga gawain namin kaya naman ay tuwang tuwa ako.
Nauna akong pumasok dahil sa excitement na nararamdaman ko. Wala akong mapagkwentuhan ngayon dahil busy pa si Abby sa kanyang requirements.
Tumingin ako sa pintuan at saka ko naanigan si Zane na papasok sa classroom. May black siyang hikaw sa tenga na kumikinang. Naka-brushed up din ang buhok niya ngayon kaya lalo siyang gumwapo.
Hindi matanggal ang ngiti sa labi ko. Hindi na ako makapaghintay dahil sabik na sabik na ako sa kanya. Nalungkot ako bigla dahil hindi man lang niya ako tinignan na kahit isang saglit lang. Pinuntahan niya pa sa kabilang row ang barkada niyang sina Mike at Xander. Nakipagfist bump siya. My heart literally broke when he sat down next to Xander.
BINABASA MO ANG
Into You (Madrigal Cousins Series 1)
RomansNerd. Weird. A nobody. That's Hailey Morgiana Madrigal we're talking about. She always gets bullied. But despite her weird personality, she's smart and maraming nagkakandarapa sa kanya. Mahirap siyang manipulahin. Mapaikot. But then this notorious b...