Kabanata 38
Hindi Pa Pala
Niyaya kong lumabas kami ni Hez matapos ang practice nila. Dinala ko siya sa isang mamahaling resto.
"Libre to, Ate ah?" Pabiro niyang sabi.
"Oo naman. Oh order ka muna" sabay abot ko sa kanya ng menu.
Sinabi ko ang order namin sa waiter at naghintay na lang na mailapag ang pagkain.
"Kamusta?" Biglaan kong tanong.
"Okay naman, Ate. Malungkot nga lang kasi wala ka nung graduation ko" aniya.
Tumawa ako. "Ganun talaga. Kailangan kong magtrabaho e. Hindi bale, sa graduation mo ngayong maghahigh school ka na siguradong pupunta ako"
Pagtapos naming kumain sa resto'ng iyon ay niyaya ko na siyang umuwi dahil gumagabi na.
Pagdating sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto ko para makapagpahinga na.
Nagising ako nang magring ang phone ko. Kinapa ko ito habang nakapikit pa.
"Hello?" Inaantok kong sabi.
"Hailey! Oh my God! Hindi mo sinabing nakauwi ka na pala ng kahapon!" Patiling sabi ni Abby sa kabilang linya.
Unti-unti kong idinilat ang mata ko saka kinusot ito. "Ano ba yan! Ang aga aga nambubulahaw ka"
"Kagigising mo lang?" Tanong niya. "Ateng, ala una na"
Nanlaki ang mata ko. "Ano?!" Sigaw ko saka tumingin sa wall clock at nakitang ala una na nga.
"Oo. Bakit ngayon ka lang nagising? Nagbar ka ba kagabi? Bakit di mo ako sinama-" aniya sa nagtatampong tono.
"Tss! Hindi ako nagbar! Napagod ako sa byahe kaya napahaba tulog ko" tumayo ako saka lumabas ng kwarto ko.
"May lakad ka ba ngayon?" Aniya.
"Wala naman. Bakit?" Tanong ko saka humilig sa hawakan ng hagdan.
"Gala tayo!" Excited niyang sabi.
"Di pa ako sure. Natatamad ako" sabi ko.
"Wow! So ngayon uso na sayong tamadin?" Sarcastic niyang sabi.
"Bawal ba mapagod tsaka tamadin?" Umirap ako kahit hindi niya nakikita.
"Ang gara mo naman. Dali na! Ang tagal nating di nagkita oh" pangungulit niya.
Tumawa ako saka bumaba ng hagdan. Walang tao. Sigurado ako tapos na silang maglunch. "Oo sige na dadaan ako sa inyo mamaya"
"Talaga? Sige text mo ako kapag papunta ka na" masigla niyang untag.
"Oo. Mamaya na lang. Kakain na ako" saka ko binaba ang tawag.
Dumiretso ako sa kusina upang tignan kung nandoon si Mommy at hindi nga ako nagkamali.
"Gising ka na pala. Kumain ka na" aniya saka naglapag ng ulam sa lamesa.
"Mom, bakit di niyo ako ginising?" Sabi ko saka nagsimulang kumain.
"Kanina ka pa nga namin ginigising e ayaw mo naman kaya hindi ka na namin pinilit" aniya saka umupo sa tapat ko.
"Ganun po ba?" Sabi ko. "Mom, dadaan po ako kina Abby. Aalis din po kami" paalam ko.
"Sige. Anong oras ba ang alis niyo?" Tanong niya saka tumayo at kinuhanan ako ng tubig.
"Siguro mga alas tres ng hapon" sabi ko saka ininom ang tubig na binigay sakin.
BINABASA MO ANG
Into You (Madrigal Cousins Series 1)
RomanceNerd. Weird. A nobody. That's Hailey Morgiana Madrigal we're talking about. She always gets bullied. But despite her weird personality, she's smart and maraming nagkakandarapa sa kanya. Mahirap siyang manipulahin. Mapaikot. But then this notorious b...