Lesson 9: Hell Week part 3

1.6K 33 11
                                    

(A/N: Sorry kung mabagal ang phasing ng kwento, di bale pagkatapos ng hell week chapters medyo bibilis din yan.)


"Grabe talaga yung batang yun no?"

"True yung nag sub nga ako sa section na yun, akala ko din hindi na ako lalabas nang buhay!"

"Ako hinayaan ko na lang sila kung anong gusto nilang gawin."

"Ang sarap nilang itali sa upuan!"

"Ang sarap kamong patayin!!!"

"Hahaha Ms. Jane bitter ka pa din sa nangyari sayo?"

"Ano bang nangyari?"

"Naku, nung nag sub ako sa kanila ginawa nila akong tanga. Nag observation kasi kami sa labas tapos may yumakap sa aking bata, natural natuwa ako akala ko kasi love nila ako."

"Hindi ba?"

"Punyemas yan, dinikitan pala nila ako ng papel sa likod!!!"

"Anong nakasulat?"

"I'M THE UGLIEST PERSON ALIVE."

"hahaahahahahahaahahahaahahahhahah"

"wow ang bait nyo a, I feel your sympathy!"


Sorry kung pati tsismisan ng mga teachers dito naririnig nyo pa, I mean nababasa nyo pa. Nandito pa rin kasi ako sa faculty room, kinukwento ang mga paghihirap ko sa kamay ng hell section. Hoy wag kayong judgemental ha, tapos na ho ang class hours baka kasi isipin nyo chismisan kami nang chismisan imbis na magtrabaho.

"O dali tuloy na ang kwento, ano nang sunod?"

"Ayun nga po, after nila akong daganan pumunta ako sa clinic para magpatingin. Buong araw akong nandon hanggang uwian."

"Kinabukasan anong naman ang nangyari?"

"Ganito naman po."


**flashback**

Wednesday

(POV: Raffles)

Rasengan! Rasengan! Rasengan!

Ooops wag kayong magulat na baka umextra si Naruto sa kwento ko, mahal kasi ang talent fee nya di ko afford! Message alert tone ko po yung naririnig nyo, inggit kayo no? Download download din kayo pag may time.

(A/N: Totoo pong may ganyang tone, yan ang gamit ko e!)

"Sino ba tong istorbo sa maganda kong panaginip? Malapit ko nang mahuli si Charizard e!"

(A/N: charizard-pokemon)

From: Jenas Pangit

Raff my sideline stin c tatang

*click reply*

Pass mna my work n me!

PS ang aga mong mngbulahaw a!

*new message*

Gnun tlga me pag love ko (^3^)y

**end of flashback**

"Oy Miss Fernandez a, may bf ka pala!"

"Ayiiieeee"

"Hindi ko po siya boyfriend, saka ganun po talaga yun may pagka weird."

"Sabi mo e."

"Wait lang po, kailangan ko pa bang i detail mula pagkagising ko di ba pwedeng dun na agad tayo sa scene ko sa school?"

Ang Otakung TeacherWhere stories live. Discover now