Lesson 15: Ang kulit ng mga lahi!

1.3K 28 8
                                    

CLASSROOM

*poke*

*poke**poke*

*poke**poke**poke*

"Takte kang bata ka, ano bang kailangan mo? Kanina ka pa sundot ng sundot sa ulo ko!"

"I don't need anything naman, I'm just curious sa benda sa ulo mo Raffles."

"Yun na nga di ba, may benda ako sa ulo MEANING MAY SUGAT AKO DYAN tapos dutdot ka pa ng dutdot."

Arrggghh yung pagpapaliwanag ko dahan-dahan pero sobrang diin kasi naman baka hindi ako maintindihan ng ungas na to.

"San mo yan nakuha?"

"Sa Sulit.com kadedeliver nga lang kanina e bakit gusto mong iorder din kita?"

"Ammm let me think first.....pwede po ba sa bata yan?"

Ay baliw, may sira talaga tong batang to sobrang slow, ang kulit-kulit pa. Kasi naman Raffles bakit sa bata mo nilalabas yung pagiging sarkastiko mo kita mo nang loading sila palagi. Yan tuloy imbis na sila yung maasar ikaw tuloy tong naiinis.

"Kamote ka talaga."

"huh? Tao po ako di po ako kamote!"

"Rein, natapos mo na ba yung seatwork mo?"

"Opo!"

"Yung totoo."

"Natapos ko na pong isipin yung mga sagot kaya lang di ko pa po nasusulat."

"Yung totoo."

"Fine natapos ko nang planuhin kung paano ako mangongopya."

"REIN!!!! KAMOTE KA TALAGA!!!!"

Naku kahit ata isulat sa diary ni Yuki Amano na gaganda ang future ng batang to parang hindi mangyayari, ubod kasi ng tamad!

(A/N: Yuki-Mirai Nikki)

"Yeah I know he's so cute talaga noh?"

"Believe me he smiled at me this morning! And I felt he's the one na talaga!"

"Kyaaaa basta for me Lord Xerxes is the best!"

"Eeeeeeeee"

Speaking of tamad isa pa tong liga ng maaarteng bata, kaybabata pa puros lalaki ang pinag-uusapan. Makati pa kay Caterpri, at laging may dalang KALAN (dian).

"Sssshhh girls tapusin nyo na yang pinapagawa ko!"

*snooooorrrrreeee*

Potek pag katamaran ang pag-uusapan siya talaga ang nangunguna. Tinalo pa si Prince Mackaroo e!

"Tulog na naman ba si Eryx?"

"Yes miss."

"Nocturnal ba si Eryx? Sa araw tulog, sa gabi gising?"

"Hahahahahahahahahah"

Di ko tuloy napansin na nasa harapan ko na sina Phobos at Deimos.

"Ammm Raffles masakit pa ba yang sugat mo?"

"Dapat kasi hinayaan mo na kami don, kaya ko naman siyang bugbugin."

"Deimos!"

"Sorry Raffles."

"Pffftttt, hahaha yung muka nyong dalawa ang pangit! Tama na nga ang drama, di naman na masakit tong sugat ko e kaya ngumiti na kayo! Masyadong matigas ang ulo ko para mapuruhan ng vase. Isa pa di ako sanay na wala kayong energy! Hahaha"

*hug*

"Thank you!"

"A- e- okay lang sabi..... You're welcome." (>////<)

Ang Otakung TeacherWhere stories live. Discover now