Lesson 21: X-Disease ni Xerxes

1.4K 39 24
                                    

ANG OTAKUNG TEACHER

Lesson 21: X-Disease ni Xerxes

(POV: Raffles)

“Thank you for coming!”

“Raf pabigay sa table 2.”

“Akin na.”

Ano ba yan, Linggong linggo nagtatrabaho pa rin ako dito sa Lady Phantomhive’s dapat nanonood ako ng anime marathon ngayon o kaya binabasa yung latest chapter ng Naruto o kaya naman nasa Ozine Fest ako, huhu wala kasi akong pera! Si Jenas din hindi na nakapunta kasi pinagtrabaho siya dito ni tita pero pansin ko lang bakit kaya ang saya nya?

“Hoy Jenas!”

“Bakit?”

“Ang saya mo ata ngayon dapat pareho tayong malungkot kasi di tayo nakapunta ng Ozinefest a!”

“Oy hindi a, malungkot ako kasi di ako nakapunta don.”

“Malungkot daw, tingnan mo nga yang mukha mo dinaig mo pa yung ngiti ni Luffy e.”

“Talaga? Hahaha ewan basta masaya ako ngayon.”

Ano kayang dahilan kung bakit masaya ang kumag na to? Samantalang ako, eto depressed! Kasing tindi na kasi ng pangangailangan ko ng anime ang pangangailangan ko sa pera. My life is in danger na kasi, kulang na lang ata maging anino ako para mataguan ko si Cobra plus yung notice pa sa akin ng bangko tungkol sa utang ko sa kanila. Pera, pera, nasaan ka ba? Haaaayyyyyy!

“Raf, do you know every time you sigh, a little bit of happiness escapes?”

“Whoah so ikaw na ngayon si Senjougahara?”

“Hahahah maging masaya ka na lang kasi, malay mo may mangyaring maganda sayo ngayon?”

“Duda ako dyan.”

“Siya nga pala Raf, anong masasabi mo sa boyfriend ni CP-chan?”

“Si nemik?”

“Hindi si Xerxes Grant.”

“Si nemik nga!”

“Hahahah bakit naman ganon ang tawag mo sa kanya?”

“Hindi kasi siya tao!”

“Huh? Bakit, malupit ba siya? Gangster? Yakuza? Yokai? Pinagsasamantalahan nya ba si CP?”

“Maka react wagas?” Problema nito?

“Dali na kasi.”

“Fine, teka pano ko ba uumpisahan?”

“Ganito na lang, describe him the otaku style.”

“A sige! Xerxes Grant= pinagsamasamang kagwapuhan nina Lelouch, Usui, at Zero + pinagsamasamang talino nina Light, L, Conan at Oreki + pinagsamasamang yaman nina Kei, Nagi, at Kaiba…

“Wait! Gusto mo bang sabihing PERFECT sya? Naipamukha mo na sa akin yon!”

“Bakit ka ba masyadong affected? Patapusin mo muna ako.”

“Tsss fine.”

“Yung ugali naman nya, kasupladuhan ni Sasuke + kayabangan ni Black Star + katamaran ni Prince Mackaroo + bibig ni Agito. O yan masaya ka na?”

“Yup! Hindi naman pala siya mahirap talunin.”

“Huh? Bakit mo siya tatalunin?”
“Wala never mind.” Biglang talikod sa akin.

Pero kahit ganon naman si Xerxes minsan mabait naman siya sa amin, mapagmahal din naman siyang kapatid, minsan nga lang. Ano ba yan, bakit ko ba nasabi yon? Siomai! Hoy Rafflesia, wag mong kalimutan na siya si Izaya at ikaw si Shizuo, kulang na lang hagisan mo siya ng vending machine para iparamdam sa kanya ang galit mo!

Ang Otakung TeacherWhere stories live. Discover now