#Black
Pinapanuod ko lang sila Caren at si Flin na nakaupo sa Bench sa Garden nato habang nakatingala sila sa langit.
Nandito ako dahil si Flin ang kahuli-huliang kukunan ko nang buhay.
Pagkatapos nito, makikita ko ulit si Lilian, ang tagal kong hinintay ang apat na taon na to.Napatingin ako kay Cloud na malungkot na nakayuko sa tabi ko.
"Cloud"
"Y-yes Master?"
"Gusto kong ipasa sayo ang positiong iiwan ko. Alam kong magtatagumpay ka bilang isang Mabuting Master"
"P-po? S-saakin? Pero Master--"
"Oras na nya"- putol ko sakanya habang nakatitig kay Flin.
Sinumulan ko nang higopin ang kaluluwa nya mula sa katawan nya at ngaun nakatayo sya sa Harap namin.
Saka palang sya napamulat nang mata nang marinig ang sigaw ni Caren."C-caren"- banggit nito habang nakatingin kay Caren
"Gusto mo na bang makita ulit si Vivian?"- tanong ko kaya napatingin sya saakin
"Patay na ako.."- wala sa sarili nyang sabe at nginitian ako "Oo, gustong gusto ko siya makasama ulit"- sabe nito sa masayang boses
Nginitian ko sya at nagliwanag ang buong paligid saka lumabas ang sundo nito.
He smiled to us bago sumama sa sundo saka tuluyang nawala ang liwanag. Nagbuntong hininga ako, siguradong masayang masaya si Vivian ngaun dahil magkasama na sila.
Lilian, wag kang mag aalala. Susundan kita jan maghintay ka lang.
"Tara na"- sabe ko kay cloud at sabay kaming nag teleport sa Justice Palace.
Dahil dito lang ang pwde at may kakayahang tanggalin ako sa Position. Yun ang Death Prince ang may kakayahan nun.
"Sigurado ka na ba Master sa desisyon mo?"- tanong nang Death Prince at tumango ako.
Hinding hindi magbabago ang isip ko kapalit nang pagegeng D.M ay walang papantay kay Lilian.
Ngumiti sya saakin at tinapik ang Balikat ko.
"The Power of Love is such more Powerful than any position. Nakaka-inggit"- sabe nito kaya napangiti ako.Linagay nya ang kamay nya sa noo ko at sinimulan ang ritual upang tanggalin ako sa position.
Hanggang sa naramdaman ko ang panghihina nang buo kong pangangatawan at parang may anong lumabas sa katawan ko na dahilan upang gumaan ang pakiramdam ko.
Pag dilat ko nkangiting mukha nang Death Prince ang bumungad saakin
"Sana magkita kayo nang Mahal mo Ken."- nakangiti nitong sabe
"Hihintayin kitang mag retiro kaibigan kong Jin"- nakangiti kong sabe na kinatawa nya.
Tinignan ko si Cloud at nginitian.
"Sa muling pagkikita naten Cloud""Safe Trip Ken"- sabe nito at kita ko ang lungkot sa mukha nya.
Tumango at napapikit nang maramdaman kong nilalamon na ako nang liwanag
Habang nakapikit ako ay sunod sunod kong naalala ang Bus accident na nangyari habang nakasakay ako don kasama si Jin at Dwen [Cloud] na kinasanhi nang kamatayan namin.
...
Unti unti kong minulat ang mata ko at sumalobong sa akin ang isang mukhang napakaganda, at sobrang tagal ko nang gustong makita muli.
Ang mukha nyang nakangiti pero lumuluha..
"Lilian..?"
Mabilis nya akong niyakap at niyakap ko rin sya nang mahigpit.
"Ken! Aahh Dumating ka.. Ang tagal.. tagal kitang hinintay.."- umiiyak nyang sabe at napapikit ako habang tuloy tuloy ang daloy nang luha sa aking mga mata
"Sshh, Nandito na ako at hindi hindi na tayo muling magkakahiwalay pa"- sabe ko at humiwalay sakanya saka pinunasan mga luha sa kanyang mga mata
"Promise?"
"Promise"- i said at hinalikan ko sya at sabay kaming napapikit.
Hindi lahat nang tao nakakamit ang Forever nila sa mundong ibabaw.
Ngunit sa mga Pangakong binitawan nila bago sila maghiwalay, ay maaring sa langit na nila eto makamit ang makasama mo ang mahal mo nang Walang Hangganan.THE END
BINABASA MO ANG
Death Wish IMC [Complete]√
Short StoryTitle: Death Wish is my Command {Slight SPG} Slight nga ba? Haha Si Death O Red Blood o Lilian Ocampo, ay namatay na pero nabigyan nang isang pagkakataong mabuhay bilang isang D.W Ang Death Wisher nga ba ay hindi nasasaktan? Nasasaktan nga ba sila k...