Bitch Slap #2 : Colder than winter.

1.8K 37 8
                                    

B itch Slap#2: Colder than winter

--

Pain. Regrets. Anger. Pain. Regrets. Anger. Revenge.

I suddenly stopped writing craps at the back of my notebook when somebody knocked at the door. I hid the notebook under my silked pillow.

Somebody knocked again. D*mn! Nakaka-asar na yung kumakatok ha!  Hinila ko ang comforter at itinaklob sa aking buong katawan at ulo.Narinig kong bumuka ang pintuan.

“Tsk. Tulog pa ata! Anebeyen lagi ko nalang naabutan si Ms. Megan ng tulog!”Bulong ng isang taong tinig babae pero narinig ko pa din -_-

“What do you want?!” Sigaw ko mula sa kama.

“Mi-miss Megan! Dala ko po yung breakfast niyo.”

“Wala akong gana.”

“Pe-pero Ms. Megan may pasok daw po kayo mamaya eh.”

Tinanggal ko ang comforter na ibinalot ko sa aking sarili at umupo sa aking kama.

“What the hell? Did you just told me what to do?”

“Hindi naman po sa ganun Ms. Megan Sorry po.” Yumuko ito. I rolled my eyes.

“Umalis ka na!” Singhal ko.

“O-opo!” Akmang aalis na siya ng bigla siya muling nagtanong. “Iiwan ko po ba yung breakfast niyo?”

“Nagara-Go!!(I said get out!!)” tarantang lumabas ang katulong na tonta bitbit ang tray. Ugh! Seriously pag-gising ko palang kailangan ay nagagalit na ako?! Matalim kong tinitigan ang pintuan at dahil sira na ang aking pagmumuni muni ay wala na akong nagawa kundi ang tumayo mula sa aking mataas na kama sinuot ang cotton slipper at tumungo sa banyo.

Lalo akong nadismaya sa aking nakita.Kinuha ko ang isang maliit ngunit malakas na bell sa ‘Study table’ ko kaharap ng isang malaking bintana na makikita ang maganda at makulay na garden ng aking mansion.Paborito ko ito dahil bukod sa akin ay yun lang ang maganda sa bahay na ito.

Isang malakas at nakaririndi na tunog ng bell ang pumalibot sa aking kwarto.Umupo ako sa Red silked queen sized bed ko.

Makalipas ang ilang minute at may kumatok na din sa aking kwarto.”Ma’am Megan?” Hindi na ito kapareha ng tinig nung maid na unang pumasok kanina.

“Pasok!” Galit kong pahayag.

“What took you so long?!”

“Eh ma’am kasi po di po namin nadinig ang bell kasi Sound-Proof po yung kwarto niyo nakita lang daw po ng hardinero niyo mula sa bintana na kinuha niyo ang bell at pinatunog ito kaya nalaman namin na nagpapatawag kayo ng tulong. Pasensya na ho master.”

I unbelievably looked at her. “So you’re telling me it’s my fault?!”

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. “Hindi naman po sa ganun Ms. Megan! Hindi po. Hindi niyo po kasalanan.Kasalanan po namin iyon.” Takot ang tono nitong pahayag.

Napukaw ang atensyon ko ng malaking bintana at napatingin sa magagandang bulaklak roon.

“You’re fired.” Walang tingin kong sinabi.

“P-po?!”

I finally faced her angrily. “I SAID YOU’RE FIRED!!! NOW GET OUT!! You filthy animal!!”

“S-Sorry po ma’am. ” And as expected she cried. Bakit ba napakadali nilang umiyak?! They’re like babies who lost their candies! Ugh.

The Cold-Hearted Bitch DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon