Bitch Slap #11: Happiness

1.1K 21 2
                                    

"I hate..liars." -Demetria Samantha

#BITCH SLAP11 #TCHBD

Megan’s Side:

“Kasi..imbis na ikaw yung mapa-ibig ko sakin,Ako yung umibig sayo.”       

A-ano?

Iniwas ko ang tingin ko tumingin ako sa kabilang direksyon,Saktong humampas ang malamig na hangin.

“How could you love me? Ni-hindi mo pa nga ako nakakasama, At kung ini-ispiyahan mo lang ako, You probably can only see me.After that. You know nothing anymore.”

Narinig kong tumawa siya.Wala sa sariling nilaro ko ang paa ko.I was swaying it lightly.Nagkukuyakoy ata ako.Kung yun man ang tamang depinisyon doon.Ipinatong ko ang kamay ko sa magkabilang gilid ko hawak  ang inuupuan kong bench.

“Hindi ko nga din alam eh.Di ba dapat ikaw nakaka-alam nun? Tsk.How’s your hand?”

Saglit akong napatingin sa isa kong kamay na may benda.At tumingin sakanya only regretting what I’ve acted because he was looking at me,or may I say Staring would be the right term--at me.

“It’s fine tss,I don’t know where your handkerchief went.I’ve misplaced it I think. Papalitan ko na lang.”

Kinuha niya yung puting plastic na may lamang bawas na isang hamburger at isang coke.

“Nah, don’t mind it.” Kinuha niya yung hindi ko na-ubos na hamburger at kinagatan yun.

“Nabawasan ko na yan!” Sigaw ko sakanya.

Tumingin siya sa akin habang nasa bibig niya ang pagkain. “Alam ko.”

“Abnormal.” Napa-bulong nalang ako.Dahil wala rin naman akong magagawa and it was starting to feel awkward.

“That..that..”

 

“Ano yun? May sinasabi ka?” Sagot niya sa akin habang ngumunguya siya at kinuha ang Coke na NAINUMAN ko na DIN. And took a sip at it as he looked at me after.

“Kahoy lang naman yun.” I said almost carelessly.

“Ang ano?” He frowned. I looked at him also frowning.

“Ang sabi ko, Kahoy lang naman yung bat! Hindi naman yun ganun kasakit gaya ng ina-akala mo!” Angil ko.

Tila nagulat siya dahil sa pag-sigaw ko sakanya kaya bahagyang nanlaki ang mga mata niya.

The Cold-Hearted Bitch DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon