Bitch Slap #5: A piece of the past.

1.3K 23 4
                                    

"Now, don't get me wrong danger is real..but fear is a choice." -Will Smith (After Earth)
#BitchSlap4 #TCHBD

**

Bitch Slap #5: A piece of the past.

Megan's Side:

"Nooooooooo!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

"Mommy! mommy!"

Pilit kong ginigising ang aking ina ng makalusot ako mula sa bisig ng mga nurse.

Buhay ang aking Mommy hindi ba? Hindi ba?

Lord please...

Niyakap ko ang ina ko..Pero halos tayuan ako ng balahibo ng maramdaman ko ang nakapangingilabot na lamig ng kanyang balat lalong lumakas ang hagulgol ko.

"Lord.. Please.. Kung andiyan po kayo..Buhayin niyo ang Mommy ko.."

Paulit ulit akong nagdasal.. Paulit ulit akong nakipag usap sa kawalan.

Paulit ulit akong umaasa na any moment biglang uubo ang ina ko o kahit biglang may tumulo man lang na luha o kahit isang kibot lang kamay pero wala.

Ang tanging nangyare lang ay ang paulit ulit na sakit na tumutusok sa puso ko dahil sa uma-asa ko sa wala.

Natanaw ko ang aking Ama sa pintuan ng hospital room ni mommy. "M-mister Seo. Omma(mother) Omma... She's.."' Humugot ako ng lakas para sabihin kung ano ang nangyayare ngayon.

"She's dead.." Pakiramdam ko'y nabingi ako sa sarili kong pahayag. No... This isn't happening. No!

Blanko lang akong tinignan ng ama ko..hanggang sa sinapo niya ang kanyang ulo napayuko ito.. Gusto ko sana siyang yakapin para kahit papano'y gumaan ang pakiramdam niya..

Para kahit papano'y maramdaman niyang dalawa kaming nawalan.

Pero nagkamali ako.

Unti unting may malalim na tinig akong narinig at mula sakanya iyon. Tumatawa siya.

"Haha..hahaha!"

Bawat tawa niya ay lalong nililito ang mura kong pag-iisip.

Bakit natatawa siya gayong namatay ang aking ina?

"This life is full of sh*t..hahaha!"

"Mr. Seo.. Mommy... She's dead!" Tinuro ko ang walang-buhay na katawan ng aking ina.

"And it's not funny! But why are you laughing?!" Nagulat ako sa tonong ibinulaslas ng aking bibig. Galit ako. Galit pala ang kanina ko pa nararamdaman.

Masamang tingin ang itanapon sa aking ng aking ama. "She's dead? Is that right? Then that's good. Mababawasan ng mga masasamang babae dito sa mundong to."

"Wha-what?" Gulo kong tanong.

Pero hindi na ako sinagot nito at tumalikod na. Naiwan akong tulala habang ang mga nurse ay inasikaso ang katawan ng aking ina. Mababaliw ako...Mababaliw ako..

-

Gabi na ng maka-uwi ako isang gabi isang linggo makalipas ng pagkamatay ng aking ina sa hospital na iyon. Wala akong ibang kinakausap kundi ang notebook na ibinigay sa akin ng ina ko. Pero hindi ako nababaliw.. Sadyang walang gustong kumausap sa akin sa pamamahay na ito.. At maski ang ama ko ay hindi umuuwi sa bahay namin.

Ngayon ang kaarawan ko.. Pero ngayon din.. I bit my lower lip to stop myself from crying again. Bitbit sa aking mga kamay ang huling ala ala na mapapamana sa akin ng aking ina.

The Cold-Hearted Bitch DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon