Bitch Slap #14: A lost bloodline

818 21 5
                                    

WARNING: Ang susunod na mangyayari ay nakakagulantang,at sa next chapter (unsure yet) ilalabas na ang katotohanan so be sure to watch out guys.)

"The past cannot be changed, forgotten, edited or erased. It can only be accepted."

#TCHBD14  #BITCHSLAP14

--

Chapter 14:

Mirden’s  Side:

 

“We-welcome home..po, Mr.Seo….” He looked blankly at me.Tinitigan niya ang aking mukha bago tahimik na tumalikod.Agad na may kumuha sa magkabila kong braso ang kanyang guards, gusto ko sanang umapila pero dahil sa aura na nararamdaman ko mula kay Mr.Seo ay mas minabuti kong wag nang magsalita pa.

Papasok na kami sa Main door ng Seo Mansion, pinagbuksan siya ng isang chamber maid at pagkapasok naming ay nakita kong nakahilera ang lahat ng katulong sa Seo Mansion mula sa pinaka maliit na pwesto hanggang sa pinaka mataas.

“Master..” Sunod sunod na bati ng mga katulong.Para akong tinataasan nang balahibo sa mga nakikita ko habang nakasunod ako sa likod ni Mr.Seo.

Makikita mo kung gano kalaki ang respeto at takot na ipinapakita ng bawat empleyado ditto.Lumapit an aming Mayordoma, at nagbigay batik ay Mr.Seo.

Yumuko siya at ngumiti. “Maligayang Pagbabalik,Master.”

Pero hindi man lamang siya sinagot ni Mr.Seo.

Tumingin ako sa aking gilid at natanaw ang mga kasamahan kong maid.Nambibilog ang kanilang mga mata at para bang isinisigaw ng mga mukha nila sa akin na ‘ANO NANAMANG GINAWA MO!?’

Kasalanan ko bang kambal tuko ko talaga ang malas?! Di ko naman ina-asahan na makikita pala ako ni Mr.Seo.

May dalawa pang guard na dire diretsong pumasok at Umakyat pataas para ilagay ang mga maleta ni Mr .Seo sa taas.

Lumiko si Mr.Seo at tumungo papuntang Living Room ng Mansion, agad akong binitbit ng dalawang nakagray na polo na guards ni Mr.Seo para sumunod doon.

Umupo si Mr.Seo sa Black Leathered Couch.

Dug dugdug dug dug

Parang ang bilis ng kabog ng dibdib ko dahil sa kaba at takot na nararamdaman ko, pakiramdam ko din ay pinagpapawisan ako ng malamig.Pero mas lalo akong kinilabutan nang mag-angat ng Tingin si Mr.Seo at titigan ang mga mata ko.

“Who are you..”

 

“A..ano..a-ko ako po si..Mirden.” Tinaasan niya lang ako ng kilay at kahit kabado ay minarapat kong sumagot muli.

The Cold-Hearted Bitch DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon