Chapter 1

7.7K 128 6
                                    

     Hayysssst! Shet😵😵 Ang haba haba ng pila anong oras na ko matatapos sa pageenroll na to. Aba ikaw baman bumyahe ng 3:30 ng umaga tapos dadating ka sa school para magpaenroll ng 5 ng umaga tapos pagdating mo sa school kumuha ka ng  sit number at paghindi ka talaga nabadtrip ehh pang 800 ang sit number mo. Aba grabe pala ang mga estudyante dito. Dito na ata natulog makapila lang ng maaga. Wala na kong nagawa kundi intindihin ang sistemang ito.

     By the way 😂😂 Ako nga pala si Blake Chua. Ewan ko ba kung baket Chua ang surname ko eh wala naman akong lahi. 16 years old lang ako at currently living in Cavite. Nagiisa lang po akong anak at ang mga magulang ko ay nasa ibang bansa upang magtrabaho. At ang totoo po nyan hindi ko po alam ang trabaho nila doon. Hahahahaha. Ewan ko ba sa kanila kung baket ayaw nila ipaalam saken ang trabaho nila doon. Kilala ko sila at alam kong mababait sila kaya sigurado akong hindi naman ilegal ang trabaho nila.

     Ngayon nga ay nakapila ako dito sa college na papasukan ko. State U lang sya para machallenge ako sa pag-aaral. At hanggang ngayon hindi parin magsink in sa utak ko na pang 800 talaga ako sa pila. Seriously? Ang aga ko kaya dito. Errrr. Baka naman baliktad lang tong sit number ko. Baka halip na 800 ehh 008 pala. Pero hindi ehh 😣😣 Ang haba talaga ng pila. At para makasigurado tinanong ko ang katabi kong ewan ko ba kung bakit kanina pa napakalikot. Makati ata ang pwet.

"Ahhmm kuya... " Sabi ko pero hindi sya nalingon saken.

Isa pa :)

" Kuya... " Dito mas nilaksan ko ang boses ko. Aba di paren nalingon. Matindi to. Isa pa nga.

" KUYA " Medyo pasigaw at bigla namang nagtinginan ang mga tao saken. Lalo na ang mga lalaki. Ayy oo nga pala. Sumigaw nga pala ako ng kuya.

" Ayy sorry po. Hindi po kayo " Sabi ko sa mga taong nagtinginan saken.

"Ano ba? Bat ka ba sumisigaw" Medyo galit na boses na sabi ng katabi ko.

" Ayy! Sorry naman kanina pa kaya kita tinatawag ehh hindi ka naman limilingon" Sabi ko sa kanya with full confidence.

" So kailangan mo sumigaw? " Aba aba aba. Lumalaban si ateng. Pero syempre kailangan kong intindihin yon kase ako naman ang may kailangan sa kanya.

" Ahh ehh Hehehhe hindi naman. Itatanong ko lang kung anong sit number mo "

"Yun lang naman pala pasigaw sigaw ka pa."

-___________-

" 799 ang number ko. Masaya ka na? " Sungit naman neto. Hindi na lang ako sumagot.

     So totoo nga na pang 800 ako. What the hell? Buti natitiis nila pumila ng ganitong kahaba. So wala na kong nagawa at nagintay na lang.

    Makalipas ang isang oras ay  tiningnan ko ang relo ko at nakita ko  na 6 AM pa lang. Pero parang hindi naman ata nausad ang pila. Kanina pa ko sa upuang ito huh. Magtatanong na lang ulet ako kay kuya. Ayyy wag na lang kaya baka pagalitan lang ako nyan no. Err bahala na nga.

" Eheem. Ahmm kuya bat hindi po nausad ang pila? "

Nagintay ako ng sagot nya.

Wala pa den. Ano ? NGANGA.

" Hey kuya" Sabi ko dito.

" Ayy sorry ano ulet yon? "  Sabi nya. Hays nako naman. Ang sabi ko kung bingi ka ba. Hahaha de joke lang :)

" Ahmm itatanong ko lang kung bat hindi nausad ang pila." Sabi ko.

"Ahh mamaya pang seven magbubukas ang admin" Saad nito.

"Ahh salamat" Sabi ko. At ngiti lamang ang sagot nito.

Makalipas ang isang oras ay sobrang sakit na ng pwet ko kakaupo. At buti na lang umandar na ang byahe ay este pila pala. Hayys salamat! Butas na ata tong upuan ko ehh.

Naghintay lamang ako ng ilang oras at sa wakas malapit na ko. At anak ka naman talaga ng teteng ohh! Cut off na daw at lunch break na. Pumila na lang daw ulet kame base sa aming sit number at magsisimula raw ulet ito mamayang 1. Okay! Wala naman akong magagawa ehh. Tumayo na lang ako para umalis.

Pumunta ako sa jollibee para kumain ng lunch. Habang kumakain ako ay may biglang tumayo sa harapan ko. Hindi ko na lang sya tiningnan at nagpatuloy na lang sa pagkain ko. Maya maya pa'y nagsalita sya.

"Pwedeng makisabay?" Tanong nito.

Tumango lang ako habang bising bisi ako sa pagkain ko. Di naman halatang gutom ako. Hahahaha. Nakita ko umupo ito. At paglingon ko sa upuan nya namilog ang mga mata ko at napatigil ako sa pagkain ko.

"Ayy ang gwapo ay esteee... Ahmm.. Anong ginagawa mo dito" May gash ano ba tong lumalabas sa bibig ko masyado na ata akong nahihibang. At alam kong pulang pula  na ko. Jusko lupa lamunin mo na ko. Pano ba  man yung lalaki pala kanina na katabi ko ang nasa harapan ko ngayon. Ayan lumabas tuloy ang kabaklaan ko. Yes tama kayo. Bakla po ako.

" Ahm sinasabayan ka kumain " Saad nito. At ng tingnan ko ang paligid marami ngang tao at halos wala ng available space. Kaya pala dito tumabi saken. Sabagay ako lang naman sa table nato.

Tiningnan ko na lang sya at tinaasan ng kilay at ng nagsimula na akong kumain.

"Ako nga pala Jaime Baltazar. First year Abjourn student ako. Taga dito lang ako at nakita kitang magisa kaya sinabayan kita kumain. " Litanya nya.

"Ako pala si Blake Chua. First year Abjourn den ako. Hahahaha." Pagpapakilala ko.

" Oww what a beautiful name " Saad nya.

Tumawa lang ako. Letseee kinikilig ako. " Ahmm pasensya ka na kanina huh nung sumigaw ako ayaw mo kase tumingin kaya ayun napasigaw ako" Dagdag ko pa.

" Ahh yun ba ? Wala yun may iniisip lang ako " At nakita ko itong namula. Aba aba. Inlove ata to ehh. Alam ko na yan ehh ganyan din ako eh. Laging tulala tapos laging namumula pag naiisip si Krasss. Naku po.

Maya maya pa'y tapos na kaming kumain at napagdesisyonan naming bamalik na sa school para makapila at malapit nang mag 1. At sakto ang aming pagdating dahil nagsimula na rin ang cashier. Singce malapit na kami kanina ay mabilis na lang aming guguling oras sa pagpila.

At sa wakas ay ako na ang kasalang sa cashier. Agad akong nagbayad ng full tuition para di na ko pumila pa sa susunod kung magiinstallment pa ako.

Pagkatapos ay agad akong lumabas doon para makauwi agad. Ngunit sa di ko anaasahan ay nakita ko si Jaime na parang nagaabang sa may gate.

" Ohh Jaime ikaw pala. Parang may inaantay ka ata " Sabi ko

" Ahh oo ehh may inaantay nga ko. Sa katunayan nga ehh ikaw ang inaantay ko" Huh bat naman ako nito inaantay.

" Ahh ganun ba? Bakit naman? " Sabi ko na parang naguguluhan.

" Ahmm gusto ko lang kunin ang cellphone number mo. Nakita ko kase na Abjourn 1-3 ka ehh 1-3 din ako so naisip kong kunin na ang number mo since kaklase pala kita" Saad nito na nakangiti. Fuck that's smile :)

Binigay ko na lang ang number ko para hindi na ko mahirapan pa sa pasukan at para may kaibigan na rin ako. Nagpaalam na ko rito at mukang iyon lang naman ang pakay nya. Ilang hakbang pa lang ginagawa ko ng magsalita ito.

"Ahmm wait"  Sabi nito.

" Baket" Nakita ko itong nakangiti na naman. Pls lang itigil mo yan at baka hindi kayanin.

"Ahmm ang cute mo kumain kanina :) " Sabi nito.

Ngumiti lang ako at tumalikod na dahil hindi ko na talaga kakayanin ang sarili ko kung makikipagusap pa ko sa kanya at baka sunggaban ko sya at di ko na pakawalan. Naglakad na lang ako umuwing nakangiti.







VOTE / COMMENT

Yes Mr. Baltazar!  (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon