Chapter 9

2.7K 75 2
                                    


~~~~~

Nagising ako na sobrang sakit ng ulo ko. Parang pinukpok ng martilyo sa sakit ehh. Ang alam ko hang-over ang tawag dito. Tumayo na ako at lumabas ng kwarto na hinihilot hilot ang ulo ko.

Pumunta ako sa lamesa at naupo. "Ohh.." sabay abot sakin ni Jopay ng kape. "...inumin mo para mawala yang hang-over mo" sabi nya saken. Kinuha ko nama ito at ininom na rin.

"Ahmm salamat huh" sabi ko dito.

Ngumiti lang ito sakin at pinanood akong uminom ng kape. Ano teh? May gusto ka ba saken. Kung makatitig akala mo mangangain.

Hinayaan ko na lang sya at inalala kung ano ba ang nangyari kagabi saken. Ang natatandaan ko lang kase katabi ko si Jaime tapos pinainom nya ako ng pinainom ng alak tapos di ko na matandaan.

"May nangyari ba kagabi saken?" Tanong ko sa kanya.

"Ahmm Blake ang totoo nyan merong nangyari kagabi" sabi nya saken.

"Huh. Ano? May nangyari saken kagabi? Nako naman iniingatan ko pa naman ang sarili ko tapos ibibigay ko lang kung kani-kanino." Sabi ko at agad hinawakan ang pwet ko kung masakit.

"Shunga hindi iyun ang ibig kong sabihin. Ganito kase yun.. nung lasing na lasing ka na hinahalikan ka ni Jaime sa leeg..." sabi nya. Jusko eto na nga ba ehh hindi na talaga ako sa susunod mag-iinom. "... pero naalala ko na may nanliligaw sayo kaya ang ginawa ko hinila kita sa kanya at dinala sa kama mo para makatulog ka na dahil lasing na lasing ka na." Dagdag na paliwanag nito.

Kyaaaaaaahhhhh. Jusko lord maraming maraming salamat po. Ang buong akala ko talaga naisuko ko na ang bataan.

"Jusko Jopay maraming maraming salamat talaga kung alam mo lang kung gaano kaimportante saken ng virginity ko ehh" sabi ko sa kanya.

"Ano ka ba wala yun ang mahalaga ligtas ka. Hayaan mo hindi na makakapunta sa susunod dito yung Jaime na yun." Sabi nito.

"Oo nga. Humanda talaga sakin ang Jaime na yun huh. Akala ko kaibigan ko sya aba may balak pala sa akin." Sabi ko sa kanya

"Hahaha. Sige Blake alis na ko huh raraket muna ako. Ingat ka na lang dito huh." Sabi nito at tuluyan na ngang umalis.

Walangyang Jaime na yun huh. Nung una akala mo mabait pero mateturn-off ka talaga sa ugali nya. Tapos ngayon rereypin pa ako. Aba neknek nya no.

Naalala ko naman si Jake. Kailangan kong magsorry sa kanya. Masyado atang nasaktan sa sinabi ko kahapon.

Bahala na magsosorry na lang ako mamaya sa kanya sa room. Pero sana naman pagbigyan nya ako hindi ko naman sinasadya yung pagsigaw ko sa kanya ehh.

Agad naman akong naligo at nagbihis para makapunta na ako ng school at para na rin makapagsorry ako sa kanya.

Umalis na ako ng boarding house at dumeretso agad ako sa room. Mukang napaaga ata ang dating ko dahil ako palang ang nasa loob. Hayaan na muna maghihintay na lang ako.

Makalipas ang ilang minuto ay unti-unti ng nagsisidatingan ang mga kaklase ko pero wala parin si Jake. Hala ganitong oras sya nadating huh pero bakit wala parin sya. Baka late lang.

Dumating na ang aming teacher pero palinga linga parin ako para hanapin si Jake pero di ko sya makita. Hala nasan na ba yun.

Dumaan ang dalawamg subjects namin pero wala pa rin sya. Mukang umabsent ang mokong. Hinayaan ko na lang sya at bukas na lang ako magsosorry.

Pumunta na ako sa canteen at bumili ng pagkain. Alam mo na agad na maraming tao dito dahil sa lakas ng ingay na nanggagaling dito.

Hindi ko alam kung tutuloy pa ba ako sa loob andami kaseng tao at wala ka talagang mauupuan. Ngunit sa huli ay napagdesisyonan ko na ding tumuloy at bumili na ng pagkain.

Yes Mr. Baltazar!  (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon