Chapter 3

4.1K 99 3
                                    

~~~~~

"So ito ang magiging kama mo kung sakaling kukunin mo itong pwesto. Nandun naman ang lamesa, lababo, at CR" Sabi ng may ari habang tinitingnan ko ang kabuuan ng boarding house na ito. Maayos naman at mukang komportable ako dito. Maganda ang pintura ng mga dingding. Sa kwarto naman ay wallpaper ang nakadikit halip na pintura. Maayos naman din ang sahig nakatiles ito na kulay light blue na syang lalong nagpaganda sa boarding house na ito.

"1000 ang upa dito kasama na ang tubig at ilaw. At kung kukunin mo nga pwesto ay kailangan mo magbayad ng... bale 2000 para sa 1month advance at 1month deposit." Mukang okay narin naman ito. Agad akong kumuha ng pera sa wallet ko at ibinigay na ito sa may-ari. Agad naman syang nagbigay sa akin ng ballpen at papel na syang nagpapatunay na nagbayad ako sa unang buwan.

Bago ako umalis ay binigay nya sa akin ang duplicate ng susi ng main door at susi ng kwarto na tutulugan ko.

Medyo mainit na ang araw hudyat na magtatanghali na. Nakaramdam naman ako ng gutom dahil hindi nga pala ako kumain kanina dahil sa pagmamadali ko.

Nagumpisa na akong maglakad ng maisip ko si Jaime. Sayang talaga sya eh ang gwapo pa naman nya. Hindi naman sya macho tulad ng iba sa katunayan nga ehh medyo chubby sya ng konti. Kaya nga lang naninigarilyo sya.

Ayaw ko talaga sa lahat ang may bisyo lalong lalo na ang mga kabataan. Grabe masyado pa silang bata para gawin ang mga bagay na yun no. I wonder kung ano na lang ang itsura nila pag lamaki na sila.

Naalala ko ang tatay ko. Ganyang ganyan din sya. Lagi na lang may nakasalaksak na sigarilyo sa bibig nun ehh. Kahit noong nanonood kami naninigarilyo yan. Hindi ko tuloy maiwasan masinghot yung usok na lumalabas sa bibig nya. Grabe lang sobrang baho.

Malapit na ako sa Jollibee ng mapadaan ako sa simbahan. Mapapansin mong napakaluma na nito dahil medyo maiitim na ang mga bato nito.

Naiisip kong pumasok at magdasal na din since hindi ako nakapagsimba last week dahil inaasikaso ko ang mga  requirments ko sa pagpapaenroll.

Pagpasok mo sa loob ng simbahan ay hindi mo mamangha ka talaga sa ganda nito.

Umupo na ako at nagdasal. Pinagdasal ko na sana maging matapang ako upang harapin ang anu mang pagsubok sa aking buhay. Nag sign of the cross ako at lumabas na para kumain.

Since linggo nga ngayon ay maraming tao sa kainan na iyon. Kayat napag desisyonan kong sa Mall na lang ako kakain para presko ang pagkain ko.

Kakaibang init ang tumama sa akin habang binabagtas ko daan papunta sa terminal ng jeep. Kinuha ko ang shades ko  at linagay sa mata para hindi nakakasilaw sa araw.

Sumakay na ako ng jeep malapit sa may babaan. Ayoko sa may gitna o sa dulo. Ayokong maging taga abot ng bayad. Hahahaha.

Habang nag hihintay ng pasahero ay may agad na nakapukaw ng aking atensyon. Titig na titig ang aking mga mata sa kanya habang papasok siya sa jeep. Umupo sya sa tapat ko na siyang lalong nagpagulo sa akig pagiisip.

Akala ko ba may gagawin sya ehh bat nandito sya. San kaya to pupunta. Nakita ko naman si Jaime na tumingin sakin na nakakunot ang noo at agad naman akong tumungo dahil nahihiya ako.

Hindi nya ata ako namumukhaan dahil naka shades nga pala ako. Hahahaha. Hanggang jeep baman naka shades pa den.

Tiningnan ko ulet sya at nakita ko syang nagcecellphone na naman. Hay! Wala bang kapaguran ang mga daliri nito. Kanina pa sya kalikot na lang ng kalikot huh.

Ilang sandali pa'y tumigil ang jeep. Nakita ko syang bumaba kasama ang ilang pasahero. Tiningnan ko ang paligid nandito na pala ako sa tapat ng mall.

Yes Mr. Baltazar!  (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon