Chapter 5

3.8K 101 3
                                    

Keep supporting :)

~~~~~

Halos ilang araw na din akong di masyadong nakakatulog ng maayos. Lagi ko kasing naiisip yung pagkiss sa akin ni Jake.

Aba wala pa nga kaming isang linggong magkakilala ehh may kissing scene na agad. Pero infairness huh, anlambot ng lips nya tapos natural na natural ang pagkapula nya.

Pero bakit nya ba ako hinalikan. May gusto ba sya sakin. Mukang hindi naman ata o baka naman kaya nya ako hinalikan ehh nadala lang sya kwento ko.

Mukang hindi din naman kase sino bamang tao ang hahalikan ka kase naaawa sya sayo.

Ayy alam ko na sabi nya saken nakikita nya daw sakin yung bestfriend nya na iniwan sya. Baka naman namimiss nya kaya nya yun ginawa. Pero kailangan talagang idaan sa kiss ang pangungulila. Hayss bahala na nga hindi ko nalang bibigyan ng meaning yon.

Nauupo na lamang ako at nag-isip kung ano ang masarap kainin. Naisip kong magluto ng paborito ko na spaghetti.

Tumayo ako at pumunta sa ref para kumuha ng mga rekado. Pinasulakan ko ang pasta habang hinihiwa ang mga spices.

Ginisa ko ang lahat ng dapat igisa at sinudot ang sauce. Nang malapit na itong maluto ay hinango ko na ang pasta at linagay sa isang lalagyan.

Habang ako ay nagpeprepare ng kakainin ko ay may biglang bumusina sa labas ng bahay.

Huh. Sino naman yun. Wala naman akong inaasahang bisita ngayon huh. Halip na manghula ay lumabas na lamang ako para tingnan kung sino ito.

Paglabas ko ay may nakaparadang kotse sa tapat ng bahay. May lalaking nakatayo sa may harap nito at kumakaway kaway pa sa akin. Jusko si Jake lang pala.

Ano naman kayang ginagawa nya dito. Emeged nahihiya ako sa kanya. Hindi ko pa rin kase makalimutan yung pagkiss nya sa akin.

"Ahh Jake ikaw pala. Halika pasok ka" pag-anyaya ko dito.

Ngumiti lamang sya at nagderederetso na kami sa loob ng bahay. Tumingin tingin sya sa paligid wari bang inaalam ang desenyo nito.

"Blake ang ganda ng bahay nyo huh. Hindi sya malaki pero ang modern ng style nya. Sinong nakaisip nito?" Tanong nito sakin na parang manghang mangha sa nakikita.

"Ahh hehehe ako ang nakaisip ng lahat ng ito. Ako din ang nagsuggest sa mga magulang ko ng design na ito buti nga pumayag sila ehh." Sabi ko na medyo nahihiya. Ngayon lang kase may nakapasok sa bahay na ito na ibang tao at napuri pa ang design nito.

"Alam mo Blake may potensyal ka sa field na ito. Bakit hindi na lang interior design ang kinuha mo halip na journalism?" Tanong nito sa akin.

"Ahh. Wala kaseng ganung course dyan sa CvSU at saka kaya Journ ang kinuha ko kase yun yung second choice ko. Hindi ko kase napasa yung first choice ko. Yung first choice ko kase ehh hindi ko talaga gusto. Choice lang naman yun ng magulang ko." Pagpapaliwanag ko dito.

Ang CvSU po ay acronym po ng Cavite State University at para po maging specific at hindi na school ang ilalagay ko.

Tumango tango lang ito saken. "Ikaw bakit journ din ang kinuha mo?" Tanong ko naman dito.

"Gusto ko kase maging director ng isang film. Gusto ko din maging artista pangarap ko kase yun bata palang ako." Sagot nito sakin.

"Hindi malabong magtatagumpay ka dyan sa pag-aartista ehh sa gwapo mong yan siguradong bebenta ka sa tv." Pagpuri ko dito.

"Ako gwapo mukang hindi naman. Sakto lang" Sabi naman nito.

"Asus pahumble effect ka pa..." Sabi ko dito. "...halikan kita dyan ehh" pabulong kong sabi na hindi nya maririnig.

Yes Mr. Baltazar!  (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon