Chapter 10

2.9K 81 1
                                    


~~~~~

"Hoy Jake ano ba kanina pa tayo naglalakad ehh." Sabi ko habang sunod ng sunod sa kanya.

Hindi naman sya nagsalita at patuloy pa rin sa paglalakad.

"Nasan na ba kase yung kotse mo? San mo ba yun pinark?" Tanong ko sa kanya.

"Nakalimutan ko nga ehh ang alam ko kase dito lang yun ehh." sabi naman nya.

"Hay nako bakit ba kase dito ka nagpark ehh hindi naman to parking lot.?" Sabi ko habang hinihingal.

"Alam mo magpahinga ka na lang muna don ako na lang ang maghahanap mag-isa." Sabi nya saken.

"S-sigurado ka?"

"Oo nga mukang pagod ka na ehh ako na lang mag-hahanap."

Hindi na lang ako sumagot at umalis na lang doon para maghanap ng mauupuan.

Jusko ewan ko ba naman kay Jake kung saan saan ba naman nagpapark. Ayan inabot tuloy kami ng gabi sa kahahanap.

Pumunta muna ako sa CR dahil feeling ko ang dungis na ng muka ko.

Pagkapasok ko ay nagsimula na akong maghilamos. Pagkatapos ko maghilamos ay bigla na lamang humangin ng malakas.

Nung una kinabahan ako dahil natatakot ako pero lalo akong kinabahan ng biglang nagpatay bukas ang ilaw sa CR.

Ako lang ang tao sa CR kaya wala tuloy akong mahingan ng tulong. Nagtaasan na ang mga balahibo ko sa takot at walang tigil sa pagkabog ang dibdib ko.

Lumabas na ako ng CR at naglakad na. Wala paring tigil sa pagkabog ang dibdib ko. Feeling ko kase habang naglalakd ako ay ang daming nakatingin sa akin.

Bigla na namang lumakas ang hangin dahilan para magtaasan na naman ang mga balahibo ko. Kinakabahan pa rin ako.

Tumakbo ako ng tumakbo kahit saan makalayo lang doon.

Tumigil na ang malakas na hangin at sa wakas naging normal na rin ang pakiramdam ko. Kanina kase para akong papatayin sa sobrang takot ehh.

Nakakita naman ako ng mauupuan kaya dumeretso ako doon.

Habang nakaupo ay bigla na lamang kumaluskos ang dahol ng isang halaman sa may likuran ko.

Tiningnan ko agad ito pero wala namang tao. Nagsimula na namang akong kabahan at nagtaasan na naman ang mga balahibo ko.

Hindi ko alam ang gagawin ko pero napansin ko na lamang ang sarili ko na papalapit sa halaman para tingnan kung ano bang meron dito.

Ng malapit na ako dito ay hindi ko mapigilang kabahan ng sobra. Jusko mamaya may multo pala dito tapos bigla na lang akong patayin.

Nagsimula ng gumalaw ang kamay ko para tingnan ang loob nito. Unti unti na ring nagsisipatakan ang mga butil ng pawis sa katawan ko.

Pumikit ako para di ako mabigla sa makikita ko.

Hinawi ko na ang mga dahon para malama kung sino ang nasa likod nito.

"Meowww" ang tanging narinig ko lamang dito.

Minulat ko na ang mga mata ko.

"Jusko pusa lang naman pala." Ang tanging nasabi ko at tumayo na at pinunasan ang pawis sa noo ko na kanina'y walang tigil sa pagtulo.

Tumalikod na ako para makaalis pero may biglang tao akong nabunggo.

"Kyaaaaaaaaaaaaahhhhh" sigaw ko.

"Huyy Blake ano bang nangyayari sayo bat pawis na pawis ka.?" Sabi ni Jake.

Jusko si Jake lang naman pala.

Yes Mr. Baltazar!  (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon