Chapter 12

5.2K 151 62
                                    


~~~~~

Kinabukasan sabay kaming pumasok ni Jake sa school. Sinundo nya ko kanina sa boarding house.

Minsan talaga naguguluhan na ko sa kanya ehh. Ano bang gusto nyang palabasin?

Kakikilala lang namin pero ganito nya na ko tratuhin.

Hinalikan nya ko noon kahit wala namang kami. Tapos answeet sweet nya lagi. Tapos lagi syang nambabanat ng mga kilig moves. Tapos hinahatid sundo nya ko sa boarding house.

Magkaibigan nga kami pero parang hindi naman ata dapat ganito. Hindi naman sa ayaw ko pero para kasing hindi dapat ganito dahil magkaibigan lang naman kami.

Okay lang naman maging sweet sa kaibigan mo ehh. Wala namang mali don. Pero bat kase may mga halik halik pa.

Tapos yung mga halik nya parang may meaning kase ehh. Kakaiba talaga. May halong pagmamahal ang mga halik nya.

Sino bamang tao ang hahalikan ang kaibigan nya. Okay lang kung sa pisngi ehh. Pero sa labi aba iba ata yun.

Unless kung may nararamdaman sya sayo.

Hinalikan ako ni Jake so ibig sabihin may nararamdaman sya sakin.

Parang wala naman ata. Baka naman ganito rin sila ng bestfriend nya na iniwan sya kaya ganito rin sya sakin kasweet.

Pero deepinside umaasa parin ako na may gusto rin sya sakin ehh. Na mahal nya rin ako gaya ng pagmamahal ko sa kanya.

"Hoy Blake hindi laruan ang pagkain" sabi sakin ni Jake sabay bato sakin ng piraso ng french fries.

Nagulat naman ako sa pagbato nya. Kanina pa pala lasog lasog ang binili kong burger.

Nandito kami ngayon sa canteen.

"Ah-ahmmm heheheXD Pasensya na." Sabi ko sabay kagat sa binili ko.

Umayos naman ako ng upo at inayos ang sarili baka mahalata nya ang hindi ko pagiging komportable.

"Alam mo ang lalim ng iniisip mo. Kanina ka pa ganyan. Ano ba iniisip mo?" Sabi nya saken.

"Huh? ahh. Ano kase amm.. iniisip ko lang yung assignment." Sabi ko.

Umiwas naman ako ng tingin sa kanya at kumain na lang ng burger.

"Hahahahaha."

Tinawanan lang ako ng loko. May nakakatawa ba sa sinabi ko.

"Assignment ka dyan ehh wala naman tayong assignment." Sabi nya.

Takte oo nga pala. Tiningnan ko lang sya ng masama at wala pa ring tigil sa pagtawa.

"Haha nakakatawa!" Sarkastiko kong sabi sa kanya.

Tumigil na sya sa pagtawa at naghahabol ng hininga nya.

"Ano ba kaseng iniisip mo?" Tanong nya saken.

"Wala. Hindi ka naman interesado ehh. Tatawanan mo lang ako" sabi ko.

"Promise hindi kita tatawanan. Seryoso na." Sabi nya.

Nakita ko naman syang umayos at naging seryoso nga.

Sasabihin ko ba sa kanya yung kanina pa bumabagabag sakin.

Nakakahiya.

Pero dapat malaman ko kung may gusto ba sya sakin para di naman ako ganito na umaasa sa kanya. Para alam ko ang dahilan nya kung bakit nya ginagawa ang lahat ng yon saken.

"Ahmm Jake diba magkaibigan tayo" sabi ko.

"Oo baket?" Tanong nya.

"Hanggang magkaibigan na lang ba tayo" Charoot pero syempre di ko sinabi yun no.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 20, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Yes Mr. Baltazar!  (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon