Chapter 2

4.8K 97 1
                                    

Sa mga hindi po nakakaalam hindi po DYEYMI ang pronounciation ng Jaime kundi HAYME po. Yun lang naman po at maraming salamat.

~~~~~

Kanina pa ko palakad lakad dito sa bahay kase parang may nakalimutan akong gawin. Teka ano nga ba yun? Isip isip isip. Ahh nakalimutan kong magshower muna bago matulog. Kaya ang ginawa ko nagshower nga ako. Agad kong kinuha sa ref  ang aking homemade na pang massage ng muka. Agad ko itong pinahid sa muka ko. Makalipas ang labin limang minuto ay naghilamos na ako. At sa wakas tapos na rin.

Pero may kulang talaga ehh. May nakalimutan talaga ako. Wait iisipin ko muna ng maigi. Habang nagiisip ako'y bigla ko na lamang naiisip itong bahay. Ako lang kase magisa dito. Hindi naman ito malaki at masasabi kong matibay ito at maganda dahil ako mismo ang humiling sa mga magulang ko na ako ang magdedesign ng bahay na ito at pumayag naman sila.

Since malapit na ngang magpasukan ay lagi nang walang tao sa bahay na ito dahil baka maging busy na ako sa pagaaral. At don ko naalala ang bagay na kanina ko naiisip. Maghahanap nga pala ako ng boarding house malapit na school. At nakalimutan kong gawin iyon kanina.

Napagdesisyonan kong magboarding house dahil Una, masyadong malayo kung magcocommute ako pangalawa hiluhin ako sa byahe. Hahahaha. Lagi akong nakabobonamin pagbumabyahe.

Naisip kong sa sunday na lang maghanap ng boarding house para makapagpahinga na lang ako bukas.

~~~~~

Nagising ako dahil sa liwanag na talaga namang tutok na tutok sa buo kong katawag na para bang kukunin na ako ng langit. Grabe naman tong liwanag na to ang aga aga nakakapaso ang init. Huh meron ba non? Tingnan ko ang orasan sa kwarto ko at laking gulat ko na 11 na pala. Hala grabe naman pala ako matulog.

Bumangon agad ako at nagsimula na sa aking ritwal sa paghihilamos. Pagkatapos maghilamos ay lumabas na ako ng kwarto at pinagmasdan ang buong bahay. Masyado na palang magulo ang bahay na ito kailangan ko ng maglinis. Napagdesisyonan kong kumain muna bago maglinis.

Matapos kumain ay linigpitan ko na ang pinagkainan ko at agad ng linis. Matapos maglinis ay naligo na ko dahil feeling ko sobrang dumi ko talaga.

Tadan. Fresh na ang lola nyo pati nadin ang buong bahay. Since tapos na ko sa lahat ng aking gawain ay nagpahinga muna ako sandali at kinalikot ang cellphone ko.

Haysst nakakaboring.

Humiga na lamang ako at nagisip. Pano ako maghahanap ng boarding house ehh wala naman akong alam sa lugar na yon. Hayy kawawang bata wala na atang alam sa mundo.

Naalala ko bigla si Jaime. Sabi nya saken kahapon taga doon daw sya sa lugar na yon. Tanungin ko kaya sya kung may alam syang boarding house. Ay shunga ka talaga Blake hindi mo kaya kinuha ang number nya pano mo sya kakausapin.

Hayssst anak ng teteng naman ohh. Napakamalas ko naman ata. Sa pagkakabusangot ng aking muka ay may biglang nagtext.

From : 0997*******

Hi Blake :) Si Jaime to. Save mo na lang :) See you soon.

Ay nako tadhana buti nakisama ka saken. Tatawagan ko na lang sya. Ay teka hindi ba nakakahiya. Shet naman. Sya lang ang makakatulong saken. Hingang malalim okay final decision kakapalan ko na ang muka ko. Agad kong tinap ang call button ng cellphone ko at agad ito tumunog hudyat na nagriring ito. Agad nya naman itong sinagot.

"Hello" Sabi ko.

"Hello Blake napatawag ka" sabi nya

Omagash ito na to. Nakakahiya talaga kasi ehh. Hindi ako sanay humingi ng favor.

Yes Mr. Baltazar!  (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon