===!n+r0duX0n===
Cogeo, Antipolo – tahanan ng mga rapper at hiphop dancers, tambayan ng mga pekeng gangsters, at tambakan ng mga tambay at mga walang magawa sa buhay.
Cogeo, Antipolo – kung saan uso ang rap pero ‘di uso ang earphones; uso ang hairwax pero ‘di uso ang ligo; uso ang magsuot ng damit pang-hiphop pero ‘di uso ang magtanggal ng sticker sa cap; uso ang mga babaeng nakatapis ng tuwalyang panligo sa daan, pero ‘di uso ang trash can; uso ang mga batang kalye pero ‘di uso ang terminal ng jeep; uso ang motorsiklo pero ‘di uso ang sidewalk; uso ang DOTA pero ‘di uso ang matinong internet connection.
Cogeo, Antipolo – kung saan ang mga jeep ay mas mabilis sa speed of sound, kung saan ‘pag Lunes ay nagiging impyerno ang mga sakayan, kung saan maraming tindang pagkaing mapag-pipilian, kung saan pwede mag-inuman kahit saan.
Kung saan ang lahat ng kanto ay pwedeng tambayan, lahat ng pader pwedeng ihian, lahat ng tao pwedeng pag-tsismisan, lahat ng away nauuwi sa baranggayan, lahat ng atraso sa bumbay ay napag-uusapan, at lahat ng problema’y nadadaan sa tawanan.
Sumama ka sa Cogeo, kung saan mabubuo ang kwento ng dalawang teenager na nagmamahalan.
Si Nico, tindero ng pakwan. Maskulado, gwapo, moreno, every 2 days kung maligo. NGSB. Isang binatang naghahangad ng simpleng buhay at nangangarap na makatagpo ng babaeng magmamahal sa kanya ng tunay.
Si Tine, isang High School student. Maputi, maganda, seksi; pero sa kapal ng make-up, ‘kala mo taong phinotoshop. Parating minamalas sa lovelife. Isang dalagitang naghahangad ng marangyang buhay, at nangangarap ng isang lalaking makakapareha niya ng panghabambuhay.
Samahan natin si Nico at si Tine na umibig at mangarap, sa isang kwentong punong-puno ng aral, kalokohan, lyrics ng mga tugtuging pang-jeep*, pseudo-gangsters, jejewords, cheesy lines, pick up lines, at emoticons.
Hindi ito isang kwentong jejemon. Ito’y isang kwento ng dalawang jejemon na nagmamahalan.
X X X
===Fo0+n0+3Z ===
*Referring ONLY to jeepneys along the Cogeo-Cubao, Cogeo-Marikina, Antipolo-Cubao, Antipolo-Cainta Marcos Hi-way routes.
P.S.: Kung taga-Cogeo ka at nabad trip ka sa pagkakalahad ko ng hitsura ng Cogeo, mag-buno na lang tayo sa may kanto ng CMVC Complex, sa labas ng 7/11. Isama mo pa mga tropa mo. Magparty-party tayo. :P
BINABASA MO ANG
LHuV3rZ in Cogeo
HumorA pseudo romantic-comedy story about two teenagers who would prove to the world that love can beat all odds.