CHAPTER 2.2: ('Paulit-ulit' con't.)

271 14 6
                                    

           12:45 ng hapon. Naka-tambay si Nico sa labas ng 7-Eleven, nanonood sa lalakeng naglalaro ng Bioshock sa rental Xbox na hinuhulugan ng barya. Mahigit dalawampung minuto na siyang naghihintay pero ‘di siya naiinip. Alam niyang masyado siyang napaaga ng punta, at ‘yun ay dahil medyo ‘excited’ siya. Nag-online siya nung umaga ng tatlumpung minuto, at nakita niya na nag-message sa kanya ang babae; kaya naman ang saya ng pakiramdam niya. Dahil sabado ngayon at walang pasok sa eskwela ang kapatid niyang mahilig kumating[1] na si Caloy, meron siyang kapalit sa pagtitinda ng pakwan.

                Makalipas ang ilang minute, naisipan niya nang pumasok sa de-aircon na kanlungan ng 7-Eleven nang may makasabay siya sa pagbukas ng pinto. Bahagyang nagkadampian ang mga kamay nila na animo’y  isang eksena sa isang telenovela. At nang mapalingon sila’t mapatitig sa mukha ng isa’t-isa, bahagyang tumigil ang ikot ng mundo hindi dahil sa pag-ibig kundi dahil may isang malaking fluctuation sa gravitational field ng Earth. Sa ilang saglit na tumutugtog ang musika ng pag-ibig sa kanilang mga tenga, nakilala nila ang isa’t-isa.

                “Miss Taray?” tanong ni Nico.

                “Mag-papakwan?” tanong ni Tine.

                ‘Di nila naiwasang mapangiti sa isa’t-isa. Papasa na sanang pang-Viva films ang drama ng dalawa ng biglang…

                “Ano? Magngingitian na lang kayo jan o ano?”  pasungit na tanong ng matabang babaeng nakatayo sa may likuran ng dalawa. Tinulak agad ni Nico ang pinto at nagmamadaling pumasok ang babaeng hapit na hapit nang makabili ng asado siopao at tigki-kinseng ice cream.

                “Pasok muna tayo sa loob, ‘te. Mainit dito eh.” Hinawakan ni Nico ang pinto para makapasok na si Tine.

                “Wow. Gentleman ka pala kuya,” nakangising sabi ni Tine.

                “Siyempre,” ang tanging nasabi ni Nico.

                Umupo agad si Tine sa pinakamalapit na upuan at sinundan naman ni Nico na hindi muna umupo. Habang nakatingin si babae sa mukha ni lalake, lalo siyang nagwapuhan dito, lalo na ngayong naka-kontodo porma ang binata – nakaputing Joker shirt na maluwag sa knaya, naka-itim na OBEY cap na meron pa ring nakakabit na sticker, at maong shorts na halos hanggang sakong ang haba – hindi tulad nung unang beses niya itong nakita na nakasando lang at nangingintab pa sa pawis. Sa tingin niya, bagong ligo lang si Nico dahil kitang-kita niya na may bakas pa ito ng face powder sa leeg.

                “Asan na ‘yung ID ko?” tanong ni Tine.

                “Easy lang ‘te,” sabi ni Nico habang dinudukot sa bulsa niya ang ID ni Christine Joy Santos. Hindi ganito ang inaasahan ni Nico. Iniisip niya namatutuwa ang babae dahil naibalik ang ID niya. Yayakapin siya nito ng sagad, magkakatinginan at magkaka-inlaban[2] agad, maghahawak ng kamay habang pauwing naglalakad, dederecho sa bahay at biglang maghuhubad, tapos derecho tuwad…

                Inabot na ni Nico ang ID ng babae bago pa man makalikha ng maka-tigas t*ting eksena ang kanyang utak.

                “Salamat!” sabi ni Tine. Tumayo na ang dalaga at akmang aalis na, kaya agad na nagsalita ang nahihiyang si Nico.

                “Teka. ‘Di pa nga ako nakakapag-pakilala e…”

                “Nico ang name mo, right?”

LHuV3rZ in CogeoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon