“Miss, pakwan.”
Tanghaling-tapat. Nakabilad si Nico sa kalsada ng Cogeo, Gate 2 – nagtatawag ng mga customer mula sa mangilan-ngilang tao na nagdaraan .
“Pakwan! O, magpakwan naman kayo jan!” sigaw ni Nico.
Bukod sa matumal ang benta niya ngayon, madalang lang talaga ang mga mamimili sa palengke ng Cogeo kapag tanghali. May dumaang maganda, maputi, at malaman ngunit maalindog na babae sa harap ng kariton ng pakwan ni Nico.
“Miss Byutipul. Pakwan o. Otsenta ‘yung malaki, pipti ‘yung maliit.”
Lumapit ang babae na sinundan naman ng matandang babae na nakatingin sa mga pakwan.
“’Nay. Otsenta na lang jan. ‘Yung naka-slice sampu na lang isa.”
Yumuko ang magandang babae para pumili ng pakwan at napa-iling naman si Nico nang lumuwa sa itim na sando ng babae ang kanyang dalawang mapuputi at naglulusugang mga pakwan.
“Pwedeng seventy na lang ‘to?” tanong ng babae.
“Dalawang malaki, at bilog na bilog na pakwan,” sambit ni Nico habang lumulutang ang isip.
“Hindi. Isa lang,” sabi ng babae.
“Ah. ‘Yan ba? Sige. Sebenti na lang, basta maganda may discount.”
Agad na umalis ang matanda dahil seventy-five pesos na lang ang natitira sad ala niyang pera at alam niyang hindi siya makaka-discount.
Nag-abot ng isang-daang buo ang babae at binalot naman ni Nico ang pakwan sa iligal na sando bag. Habang inaabot niya sa babae ang sukli, napansin niyang pinupunasan ng babae ang pawis sa kanyang dibdib gamit ang pink na panyo.
Sa mga makinang na bolang kristal, nakikita ko ang hinaharap! ang sabi ng malibog na utak ni Nico. Inabot na niya ang pakwan at umalis na ang babae.
“Pakshet! Ang inet!”
Nilingon ni Nico ang pinagpapawisang si BJ, ang kaibigan niyang tinder ng buko juice.
“Uminom ka muna ng buko juice,” suhestiyon ni Nico.
“Wala na ngang benta, babawasan ko pa,” sagot ni BJ. “P*tang ‘nang samer[1], kainit!”
“Relax ka lang kasi,” sambit ni Nico. Kinuha niya mula sa kanyang kariton ang maliit niyang mp3/speaker na cube ang hugis at pinatugtog ito ng malakas.
♪♫ Tinitigasan na naman ako sa iyong ganda
Dahil sa iyong ganda ako’y napatanga ♪♫
“Hayop sa soundtrip ah, bata,” nakangising pagbati ni Mang Gener, tindero ng kwek-kwek.
“S’yempre, ‘nong. Ganyan ‘pag malupet eh,” ang maangas na sagot ni Nico.
♪♫ Suso mo na napakalaki parang pakwan
Bote ang yong katawan at pwet mong malaman ♫♪
BINABASA MO ANG
LHuV3rZ in Cogeo
HumorA pseudo romantic-comedy story about two teenagers who would prove to the world that love can beat all odds.