“BESHIEEEEEEE!!!” sigaw ni Tine sa kausap niya sa cellphone.
“Bakit best? Napa’no ka na naman?”
“Alam ko na kung nasa’n ‘yung ID ko!” ang masayang pagbabalita ni Tine na para bang nanalo sa lotto.
“Kung makatili ka naman, ‘kala mo nanalo sa lotto,” ang gaya-gayang sagot ng kausap niyang si Karen.
“E kasi akala ko nawala na talaga ‘yun e. Naiyak na nga ako kahapo. Ang hirap pa naming mag-pagawa ulit. May mga kemper-kemper pang affidavit of loss, mga ganun.”
“See? Sabi sa’yo na-misplace mo lang eh,” sabi ni Karen.
“Hindi beshie. Naaalala mo kahapon, nung nabangga ako ng kariton? Nalaglag pala nun ‘yung ID ko tapos napulot nung nagtitinda ng pakwan,” paliwanag ni Tine.
“Huh? Pa’no mo nalaman?” usisa ni Karen.
“Ganito kasi ‘yun…”
Hindi. Ganito kasi talaga ‘yun.
Gumising siya ng 8:45 ng umaga. Pagkatapos mag-alis ng muta, agad niyang kinuha ang kanyang Samsung Galaxy S2 at saka kinuhaan ng larawan ang sarili. Agad niya itong inupload sa Facebook at nilagyan ng caption na:
k@k@qcnq lunqsz. ^_^ qud mh0wning p33pz!!!!!! “,* [1]
At saka niya tinambakan ng mga hash tag:
#JustWokeUp #smil3 #N3wDay #Sunshinez #BadHair #\o/ #PangetKo #NoMakeUp #UmagangKayganda #CessTine
Pagkatapos nun, naghilamos siya at naglagay ng kung anu-anong pampahid sa mukha – anti-acne, whitening cream, blackhead removal, oil control, skin rejuvenation, alien-repellant, manyak deterrent, ectoplasmic goo, anti-nuclear radiation, at marami pang iba.
Makalipas ang dalawampung minuto (na sa tantya ng nanay niya ay isang buong geological era), nakalabas na rin ng kanyang silid si Tine para mag-agahan ng fried rice, hotdog, luncheon meat[2], at isang baso ng Milo na pinicturan muna bago kainin. Matapos mag-agahan, humilata siyang muli sa kanyang kama at saka naglaro ng Candy Crush. Di kalaunan, siya ay tinamad at naisispan na lang na mag-Facebook ulit. Doon pa lang siya nagbasa ng Notifications kaya dun niya pa lang nakita na may mga nag-message pala sa kanya.
Una niyang binasa ‘yung message ni MJ, ang kaibigan niyang bading.
Friendship… d pa dn ako makamuv on T.T
Nahurt tlga ako ng bongga sa sinabi ni eric saken :’(
Nireplyan niya si MJ at saka binuksan ang mensahe ng dati niyang kaklase na sa Monika.
Hi! Palike naman po ng picture ng inaanak ng bayaw ng tito ng pinsan ng asawa ng kap[atid ng nanay ko. Contest lang po. Salamat!
BINABASA MO ANG
LHuV3rZ in Cogeo
UmorismoA pseudo romantic-comedy story about two teenagers who would prove to the world that love can beat all odds.