♪♫ Lord, patawad…
Pagkat ako’y makasalanan
Makasalanang nilalang
Lord, patawad
Pagkat ako’y makasalanan
Makasalanang nilalang. ♫♪
Kumakanta-kanta pa si Caloy[1] habang naglalakad sa daan. Kakagaling niya lang sa eskwela – o mas maganda sigurong sabihin na galing siya sa labas ng eskwelahan. At tumambay sa malapit na karinderya. Nag-cutting na naman ang walanghiya. At kahit may malapit na mga Netshop sa ANHS, mas pinili ni Caloy na puntahan ang My Net Inside dahil ‘yun ang kanyang nakasanayan.
Habang naka-upo sa harap ng kompyuter, naisip niyang mag-hanap ng video ng ‘Lord, Patawad’ na may lyrics, dahil hanggang ngayon, ‘di niya pa rin makabisado ang mga berso nito.
Habang naglo-loading ang video, nananalangin si Caloy na wala nawang makapansin sa kabulastugan niya.
Hanggang sa naganap ang hindi inaasahan…
“P*TANG INA!!! MA-LAG NA NAMAN!!!” sigaw ng isang DOTA-boy.
Umarte si Caloy na para bang walang naririnig, nang biglang dumukwang sa may likuran niya ang isang batang usiosero at sumigaw ng “Kuyaaaa. May nagyu-yuchuuuuuub!”
Agad niyang isinara ang tab ng YouTube dahil nararamdaman niya na ang matatalim na tingin sa kanya ng mga ‘daily’ parokyano ng My Net Inside na para bang may nagawa siyang isang kasalanang mortal.
Inisip niya na kung ginoogle niya na lang, wala na sanang nagging aberya.
==F00+n0+eZ==
[1] Carlos Villacorta, younger brother of Nico Villacorta.
BINABASA MO ANG
LHuV3rZ in Cogeo
HumorA pseudo romantic-comedy story about two teenagers who would prove to the world that love can beat all odds.