CHAPTER 4: First Blood

232 15 15
                                    

              Ika-apat na monthsary na nina Darius at Tine. Ika-labing anim na weeksary, ika-isang daan at dalawampu’t dalawang daysary, at ika-dalawang libo’t siyam na raan dalawampu’t-walong hoursary, at…

                Hindi na sigurado ni Tine kung ilang minuto pero sigurado siyang ang bawat isang minuto na nandun ay mahalaga para sa kanya, gaya na lang ng pagpapahalagang inilalaan niya sa monthsary nila.

                Mahalaga sa kanya si Darius – hindi lang siya sigurado kung mahalaga rin ba talaga siya sa binata.

                Tatlong araw na ang nakalilipas nang matapos niya ang mala-nobelang liham niya para kay Darius, at nabilhan niya na rin ito ng regaling polo na tila ba may declamation piece sa maliit nitong dedication tag noon pang isang lingo.

                Importante para sa mga babae na inaalala ang mga magaganda, masasaya, at mahahalagang mga tagpo sa buhay nila, at kadalasang inaalala nila ang mga ito pati sa mismong mga petsa. Kaya naman hindi nakapagtatakang mahalaga para sa kanila ang monthsary. Gayunpaman, lingid sa kaalaman ng mga kababaihan na para sa mga lalake, ang ‘monthsary’ ay isang araw lamang sa kalendaryo na dapat nilang maalala nang may magawa silang ikasisiya ng girlfriend nila at nag sa gayo’y ‘di sila mag-away.

                Kaya naman ang sama-sama ng loob ni Tine nang maka-text niya si Darius nung umagang iyon.

TINE:                     30w dhi3!!!!!!!!! ^_^ qud m0wninqz…..

                                Wak3 up!!!!!! Dis iz a v3ry sp3xial daY   “,*    <3

DARIUS:               Gud.am.bhiel..anu.spacial??  anu.meron.2day??

TINE:                     WHATT!!!!!! >:[ don’t t3ll m3 na hindi muh alam?

DARIUS:               D.mu.aman.Bday.ah. -_-

TINE:                     jin0j0wk muh ata acoh iii. :3 alam muh naman iiii

DARIUS:               Ah.IK.championship.game.sa.liga.ng.brgy.bukas!!

TINE:                     D:

DARIUS:               Bkt.bhie?? Kampi.ka.sa.kalaban??

TINE:                     I h8 u!!!! [1]

                Napakasakit para kay Tine na tila ba binabalewala ni Darius ang ‘Special Day’ nila, kaya ni hindi man lang naalala ng kumag ang petsa. Mabuti na lang at nasa ‘first day’ pa lang si Tine ng kanyang buwanang-dalaw. Dahil kung sa ikalawang-araw, malamang sa malamang na lumabas ang galit ni inang kalikasana sa katauhan ng dalaga at ipagbabato na naman nito ang kanyang mga unan at stuff toys sa sahig; na siya naming pupulutinng nanay niya para iligpit.

                At dahil hindi ganoon kalala ang galit ni Tine, umiyak na lang siya sa isang tabi bago tawagan ang bestfriend niyang si Karen.

                “BESHIEEEEE!!!” sigaw ni Tine sa kausap niya sa cellphone.

                “Bakit best? Ano na namang nangyari sa’yo?”

LHuV3rZ in CogeoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon