Masarap magmahal diba? Pero alam naman natin na kakambal na ng salitang pagmamahal ang sakit. Kung handa ka magmahal, dapat handa ka din masaktan. Akala ko dati natagpuan ko na ang true love ko. Pero mali pala ako..
Malalaman nyo kung bakit. I will tell you my own story about love. A story on how I met true love and how it both changes us to be a better person.
Here it goes.
Chapter 1
Brian gave me a kiss on my forehead. Napangiti na lang ako sa ginawa niya bago ako bumaba ng sasakyan. Nag date kaming dalawa ngayong araw na ito. Buti na lang talaga may time ang boyfriend ko ngayon kasi mas busy pa siya sa akin sa school. He's a 4th year Engineering student and I'm taking up BS in International Travel and Tourism Management. I'm also in my 4th year of college and we are both studying at Alshin University. Nagpapasalamat nga ako kasi sabay kaming gagraduate next year dahil kung sa ibang university eh 5 years ang engineering. Two years na kami ni Brian. Sa loob ng dalawang taon na iyon ay hindi pa niya ako nagagawang saktan. Nagkakatampuhan lang kami minsan pero wala pa naman kaming major na away.
Kinatok ko ang salamin ng driver's seat at mabilis naman niyang ibinaba iyon.
"Mag iingat ka ha?" ngumiti naman siya.
"Don't worry. Pasok ka na sa loob. Malamig sa labas, baka magkasakit ka pa nyan."
"Opo. Heto na nga. Papasok na." Patawa tawa na lang talaga ako. Eh kasi di ko mapigilan yung kilig ko kay Brian eh. Nag wave naman siya sakin at ganun din ako sa kanya. Sinimulan na niyang paandarin ang sasakyan. Saka lang ako pumasok sa loob ng bahay nang hindi ko na talaga makita ang sasakyan niya. Hindi ko man lang napapasok sa bahay si Brian. Hindi naman kasi pwede eh.. You'll know later..
Aakyat na sana ako sa hagdan pero nakaharang sa daan ko si dad. Para bang kanina pa niya ako hinihintay base sa nakikita ko sa kanya. Galit na galit ang itsura nya.
"Nagkita na naman kayo? Hindi ka ba talaga titigil sa kahibangan mo sa lalaking iyon?!"
Alam ko na naman na mangyayari na naman ito. Ganito naman lagi ang eksena tuwing uuwi ako ng bahay kapag lumabas ako kasama si Brian. Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw niya sa kanya eh mabait naman siya at alam kong hindi niya ako sasaktan.
"What now dad? Pagod ako para makipagtalo sa inyo ngayon."
"I don't want you for that guy. Sasaktan ka lang niya!"
"Pero hindi naman siya yung nananakit sakin eh! Ikaw dad! Mahal ko sya at wala na kayong magagawa dun!"
"Nagagawa mo na akong pagtaasan ng boses nang dahil lang sa lalaking iyon?! Ano na bang nangyayari sayo, Joan?!"
"Pero hindi lang siya basta bastang lalaki dahil mahal ko sya! Huwag nyo na akong pakialaman kasi buhay ko naman ito eh!" Hindi ko inaasahan na sasampalin nya ako. Napahawak agad ako sa aking pisngi. Nangingilid na talaga ang luha ko. Ito ang kauna-unahang beses na nagawa akong sampalin ni daddy.
"Bakit hindi nyo ako maintindihan?" halos pabulong na yung pagkakasabi ko. Nakatingin lang ako sa sahig habang hawak yung pisngi ko.
"Ako ang intindihin mo!"
"No. Hinding hindi nyo kami mapaghihiwalay!!" tumakbo ako pataas ng hagdan. Sana kahit kaunti lang eh pilitin naman niyang intindihin ako. Nasa kalagitnaan ako ng hagdan nang magsalita na naman siya.
"Ikakasal ka next week sa ayaw at sa gusto mo" Napahinto ako at tumingin sa kanya. Parang gumuho ang mundo ko sa sinabi niya. Alam kong hindi marunong magbiro si daddy pero sana nga nagbibiro na lamang siya ngayon. Kahit ngayon lang sana.
BINABASA MO ANG
My Casanova Husband (AVAILABLE ON BOOKSTORES NATIONWIDE)
Teen FictionPUBLISHED BY VIVA-PSICOM