Epilogue
Naka-crossed arms ako habang nakaharap sa kanilang lahat. Tinulungan kami ni Vince at Aira na dalhin ang mga gamit ko sa bahay kasi ngayon yung araw na lumabas na ako ng hospital.
Pumunta na ulit si dad ng Spain kasama ang papa ni Zeke na bumisita nang sandali sakin sa hospital. Feeling ko nga masyado ng nalilibang si daddy sa Spain.
"Nakakainis na kayo ha! Mama, nakakainis sila oh!" Sumbong ko kay mama Rosie.
"Haha! Hijo, tama na nga yan.. mukhang naiinis na ang asawa mo oh." Pero kahit si Mama Rosie ay tawa rin ng tawa. Kainis sila, they're so mean!!
"Ezekiel! Tumigil ka na nga dyan sa kakatawa mo!" Nakahawak si Zeke sa tyan nya at naluluha na sa kakatawa. Si Aira naman ay sinamaan ko ng tingin kaya tumigil na sya sa pagtawa nya.
"S-sorry lovey. Hahahaha! Eh kasi.. ang benta talaga! Hahaha!"
"Okay lang yun, Mafelle. Ito kasing si Zeke eh. S-sorry. Hahaha!" Si Vince.
“Anong ako?! Ikaw kaya. Hahaha!” Tapos nagsimula na silang magturuan.
"Nakakainis talaga kayo!! Eh panaginip nga kasi di ba?!!! Ano bang problema nyo!!!" Tumayo na ako. "Pupunta na ako sa taas! Papayat din ako katulad ng dati!!" Nag-walk out na ako papunta sa kwarto ko. Nasa kwarto ko rin si baby Marco Ezekiel. Tinabihan ko sya at tiningnan ang mala-anghel nyang mukha habang natutulog. Hay! Nakakainis naman! Kinuwento ko kasi kay Zeke yung napanaginipan ko noong nasa hospital ako. Yung mga nangyayari raw samin noon at mga problemang na-encounter namin ay movie lang pala. Artista at model daw kaming tatlo nina Vince, Zeke at ako. Biruin nyong napanaginipan ko na model ako ng Guess? Akala ko nga totoo na eh. Yun pala panaginip lang pala. Tapos nung ikwento ko naman kay Zeke ay sinabi naman nya kay Vince at Aira. Psh! Tawa sila ng tawa! Kaya pala nila ako tinatawanan kasi ang taba ko ngayon tapos napanaginipan ko pa raw na model ako! Ugh! Papayat din ako!
Inaantok na naman ako kaya naisipan kong matulog na lang. Tama.. Matutulog na lang ako kaysa tawanan ng mga mokong na yun. Ipinikit ko na ang mga mata ko.. siguro ay wala pang limang minuto nang maramdaman kong may mga kamay na pumulupot sa akin. Nararamdaman ko rin ang bawat paghinga nya sa batok ko na nagbibigay sakin ng kakaibang pakiramdam sa buong katawan ko. Inamoy pa nya ang buhok ko na katulad nang parati niyang ginagawa.
"Lovey.." Sabi nya. Nanatili akong hindi umiimik. Pero hinayaan ko sya sa pagyakap sakin kahit nagtatampo ako sa kanya. Eh ano ngayon kung mataba ako? Ganito naman talaga pag nagbubuntis di ba? Pinagtawanan pa nila yung panaginip ko! Wag daw ako mangarap na maging model! Nakakainis! Yung mukha ko rin, medyo namilog.. Haaay. Kailangan ko na talaga mag diet at mag-exercise.
"Lovey sorry na.. kausapin mo naman ako. Niloloko lang naman kita lovey ehh. Sya, hindi na po mauulit." Sabi nya. Hinarap ko naman sya at nakita nya ang mga mata kong malapit ng bumigay. Gustong-gusto ng pumatak ng mga luha ko.
"Naman eh.. Nakakainis ka kasi.. porke’t mataba na ako ngayon, lagi nyo na akong niloloko. O ano ngayon ang gagawin mo ha? Mamba-babae ka na ulit kasi ganito ang asawa mo? Sige lang gawin mo, ganyan ka naman eh. Gusto mo kasi yung babaeng magaganda at sexy!" Sigaw ko sa kanya.
Alam nyo ang ginawa nya? Ngumiti lang sya nang nakakaloko at saka ako niyakap.
"Hmmmmmm.." Sabi nya habang yakap-yakap ako nang mahigpit. "Aning ka talaga!" Bumitaw sya ng yakap saka ako pinitik nang mahina sa noo.
"Alam mo Maff.. kahit bumilog pa ang mukha mo ng sobra." Hinawakan nya ang mukha ko ng dalawa nyang kamay. “At kahit pa dumami ang bilbil mo sa tyan." Hinawakan nya ang tyan ko. “Kahit pa puro taba ang braso mo na mas malaki pa sa muscles ko— aray!” Hinampas ko nga!
"Nakakainis ka! Yan ka na naman!” Pinalo ko sya ng pinalo hanggang sa mahawakan nya ang dalawang kamay ko.
"At kahit pa tumaba ka at lumapad, mamahalin pa rin kita... habang buhay." I blushed. Sino ba naman ang di kikiligin sa mokong na ito? Ginamit na naman nya sakin ang casanova style nya. Napangiti ako at siguradong halatang-halata ang pangangamatis ng mukha ko.
"Tandaan mo yan lovey.. habang buhay kitang mamahalin kahit na di ka pa magkasya sa pinto—arrraaaaayyy! Ang sakit! Ang abs ko nagagalit Maff!" Namimilipit na sya sa sakit kasi sinuntok ko yung tyan nya! Buti nga sa kanya! Aba! At anong di magkasya sa pinto?!! Never yun mangyayari sakin!
Naupo ako sa kama at akmang tatayo na pero hinigit nya yung kamay ko.. "Teka san ka pupunta?" Tanong nya.
"Iinom ng Fit n right at mage-exercise!” Totoo naman kasi ang sinasabi ko. Punong-puno nga yung ref namin ngayon ng fit n right. Nagpabili na rin ako ng threadmill kay daddy.
Hinigit nya ulit ako pahiga..
"Di ka pwedeng umalis." He smirked.
"At bakit—“ Hinalikan nya ako kaya hindi ko na natapos ang sasabihin ko. Hinawi nya ang buhok kong napapunta sa mukha nang hilahin nya ako kanina.
"Bago ka magsimula sa pagda-diet mo, sakin ka muna." And he smirked again.
"Ano ka ba Zeke! Magpapapayat na ako!”
"Remember what I said earlier? It doesn't matter.. I love you."
“Thank you, Zeke.” Binigyan ko sya ng matamis na ngiti. “You gave me a love story I never expect.” He smiled and kissed me again. I started to kissed back hanggang sa..
"Uwaaaahhh! Uwaaaahhh!" Sabay naming tiningnan ang baby namin. Napangiti ako habang si Zeke naman ay nagkakamot ng ulo.
"Pano ba yan, Zeke? Naiyak si Marco? Haha!" Natatawang sabi ko. Natatawa ako sa itsura nya.. Binuhat naman nya si Marco pero kinuha ko sa kanya. Binigyan ko siya ng Labas-ka-ng-kwarto-look.
"Bakit?" Tanong nya na mukhang di nya na-gets ang ibig ko sabihin.
"Nagugutom si baby. Kailangan nya na i-breast feed.. labas."
"Daya. gusto ko din nyan!"
"EZEKIEL!!!!!"
"Joke. lalabas na po pero.." Lumapit sya sakin at hinalikan si baby Marco sa ulo habang hawak ko.. Buti na lang at tumatahan si baby pag binubuhat.
"Pa-kiss muna." At bigla nya akong hinalikan sa labi. Pumunta na sya sa may pinto at saka ako kinindatan. "Bye sexy!" Nag-flying kiss pa ang mokong. Napangiti naman ako habang pinapa-dede si baby sakin.
Madami na kaming napagdaanan..
May kilig..
May tawanan..
At syempre hindi mawawala ang iyakan.
Iyon na nga ata ang pinakamadaming nagawa ko sa istorya namin ni Zeke.. Ang umiyak..
But it is worth it..
All the pains, the heartaches.. they are all worth it.
Ang lahat ng ito ay may dahilan, upang mas maging matatag ang pagsasama namin ni Zeke..
At masayang-masaya kami ngayon sa piling ng isa’t isa kasama ang angel namin..
Si baby MARCO EZEKIEL DELA CRUZ.
==
THE END.
Salamat sa pagbabasa.
Follow me on twitter: @imericacruzat
Facebook: Crunchh WP
BINABASA MO ANG
My Casanova Husband (AVAILABLE ON BOOKSTORES NATIONWIDE)
Teen FictionPUBLISHED BY VIVA-PSICOM