Chapter 3
“OMG Maff! Is that true?! Yung gwapong lalaki sa mall yung asawa mo?! Lalo na akong naniniwala sa destiny! Aaaaaahh! Kinikilig ako sa inyong dalawa!” Nasa loob kami ng class room. Wala pa naman klase kaya todo pa ang chikahan namin. Kinuwento ko sa kanya yung nangyari noong isang araw. Buti na lang talaga kasi Monday to Thursday lang ang pasok ko. Saturday ako ikinasal kaya nakapag-pahinga ako ng Sunday. Kailangan ko rin humabol sa ibang lessons dahil hindi ako nakapasok ng Tuesday at Thursday last week dahil sa pesteng wedding na yun! Kailangan pa raw i-check ang wedding gown ko pati may kung anu-ano pang ka ek-ekan! Gggrrr!!
“Minsan nag-iisip ako kung kaibigan nga ba talaga kita eh!” Nag-pout ako.
“Hello? Ang swerte mo kaya! May gwapo at cool kang asawa. Para nga siyang prinsipe eh.” Kilig na kilig ang gaga. Parang siya yung ikinasal ano?
“Wala naman yun sa gwapo at cool. Ang babaero kaya nun! Ayoko sa kanya. Baka nga madami na yung anak eh.”
“Aish! Crush ko pa naman yung hot guy na yun tapos asawa mo na pala. Teka? San ba pumapasok yun?” Teka.. Oo nga ano? Hindi ko alam kung saan siyang school pumapasok.
Napatingin na lang kami ni Aira sa mga kaklase namin. Lumakas kasi yung ingay nila tapos naglolokohan at nagtutulakan pa. Nakatingin sila sa labas ng pinto ng class room namin.
“Grabe.. ang gwapo.”
“May hinahanap yata eh.” Sabi ng dalawa kong kaklase.
“Tara sa labas, may gwapo daw eh!” Hinawakan ni Aira ang kamay ko para hilahin pero tinanggal ko ang pagkakahawak nya.
“Ayoko nga. Hindi naman ako interesado eh.”
“Hmp! KJ naman!”
“Mafelle.” Sabay pa kaming napatingin ni Aira sa lalaking pumasok sa pinto ng class room namin. Nanlaki yung mata ko.
ANONG GINAGAWA NYA DITO?!
Napatingin tuloy sa akin ang mga kaklase kong babae. Ngumiti naman si Aira sakin ng nakakaloko. Kinikilig pa ang gaga! Agad akong tumayo at hinila si Zeke palabas ng room.
“Anong ginagawa mo dito?!”
“Dito na ako pumapasok. Pinalipat ako ni papa ng school so I have no choice.” Sabi niya. Hindi ba niya napapansin na pinagtitinginan kami ng mga tao?
“Eh bakit ka nandito? Paano mo nalaman na ito ang building at room ko?”
“Sa registrar ako nagtanong. Give me your phone..” Inilahad niya ang kamay nya sakin.
“What?!”
“Just give it to me. Wag mo na ako paulitin pa!” Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at ibinigay sa kanya nang padabog.
BINABASA MO ANG
My Casanova Husband (AVAILABLE ON BOOKSTORES NATIONWIDE)
Teen FictionPUBLISHED BY VIVA-PSICOM